LV: I Hate You

175K 3.1K 394
                                    

Mapait ang sinusuka ko, umaahon ang mga luha sa aking mga mata. Umuurong ang sikmura ko sa pagduwal at pakiramdam ko ay nawawalan ako ng hangin sa katawan.

"Why the hell are you all just standing there? Jesus Christ!" Sumugod ang boses ni Harriet.

Hinawakan ko ang tyan. Pumikit akong mariin.

"Justice..." May mga kamay na humagod sa aking likuran. Nilingon ko si Harriet na alalang-alala ang mukha.

"Ma'am." Inilahad ng isang unipormadong lalaki ang isang mineral water.

Kinuha ko ito at nilagok.

"Bumalik na kayo sa loob. Magbantay kayo." dinig kong utos ni Harriet na sinundan ng mga mabibigat ng yapak ng mga unipormadong lalaki.

Sinarado ko ang cap ng mineral water na tila ba ito ang pinakamahalagang gawin sa mundo. Nilapat ko ang likod ng palad sa aking bibig. Harriet's worried face came into view.

"We should...we should go to a clinic, Justice."

Nilingon ni Harriet ang private hospital na kinalulugdan ni Ishmael. A shiver racked up my spine, mariing-mariin. Tumango ako.

"Well...shit." Umiwas ng tingin si Harriet.

Nagtawag ng driver si Harriet. May pumaradang sasakyan sa aming harapan at doon kami sumakay. Hindi ko matanggal ang tingin sa gusaling iniiwan namin.

Tinaboy ako. Denied, forbid. Restrained, and blamed. Kinuha muli sa akin ang karapatan ko. Pinagtabuyan nanaman ako. I felt like a kid, felt like my most favorite toys were once again lost!

Naubusan ako ng salita nang makita ang mga mata ni Tita Allison. I felt that they had every right to blame me. Dati pa nito akong pinapaalis sa buhay ng kaniyang anak at apo at humantong sa ganito. I get it pero gusto ko namang ipagtanggol ang sarili ko. I want to stand up yet, I saw they were all crying...agaw-buhay si Ishmael sa loob ng ICU, their family. Justine wasn't even herself. We are all goddamn helpless.

"Kaibigan ko 'yung gynecologist. Okay lang sa kaniya kahit walang sched." sabi ni Harriet.

"Delikado sa'yong sumama pa. Dapat nagpaiwan ka na lang do'n sa ospital." sabi ko.

Harriet seemed too sure that the best to see right now is an OB Gyn. Hindi ako nagtanong pa. Nanlalambot ako, namamanhid. I'm scared, that's the truth.

"Its okay, Justice." Tumango si Harriet. "Sigurado akong kung gising si Ishmael..." She trailed off.

Nakarating kami sa tapat ng isang maliit na clinic pagkatapos ng labing limang minutos. Sinusundan ko si Harriet. Limang pasyente ang namataan ko sa loob ng clinic.

"Hi, Floyd. Is Therese inside?" Nakatingin si Harriet sa isang lalaking secretary.

"Harriet! I saw the news, I'm sorry..."

I bit my lips. Tumango lamang si Harriet sa lalaki. "Pumasok na ba si Therese?"

"Yeah. Kapapasok lang niya kanina. I'll tell her...oh wait, you need an appointment?" Kumunot ang noo ng lalaki. Sinulyapan ako ni Harriet. Ngumiti ito ng tipid sa akin.

"I see, I see...wait lang, ha?" Tumayo ang lalaking secretary at nagpunta sa cubicle kung nasaan ang gynecologist.

Sumunod si Harriet dito. Naiwan ako sa loob ng clinic. Pinag-isipan ko munang umupo ngunit dumadaplis ang titig ko sa mga babae o mag-asawang naroroon nag mapapa-check up. Napahawak ako sa aking tyan.

Kanina pa umiikot sa utak ko ang mga nangyari sa amin ni Ishmael. He used condoms on our first, and our second, I think? But we're not being careful, are we? Ang pagdating ng menstrual cycle ko ay delay na ng one week ngunit ganoon ako tuwing nai-stress. Kailangan ko ng test, but if I am pregnant, what will I do? No. I can't be because history does not repeat itself.

The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon