Chapter 41

14 3 0
                                    

A/N : Please  follow @aewisa on twitter if you want to be updated in my stories, Thank you.

Apart

Nakarating na ako sa bahay at hindi ko mabalanse ang katawan ko dahil sa alak. Naka bukas pa rin ang ilaw at sumalubong sa akin si Mommy. Nilagpasan ko siya pero hindi siya nag patinag.

"Ano ba?" Tanong ko kahit papikit na ang mata ko.

"Hayaan mo akong ipaintindi sa'yo lahat anak."

Nilagpasan ko na lang siya at dumeretso sa akin kwarto. Hindi na ako nakahilamos at nakapalit ng damit kahit dederetso ako sa gym kung may training pa rin at kasama pa rin ako bukas. Lumakas na ang tama ng alak sa utak ko kaya nakatulog ako ng maaga.

*****

The past few months was good to me kaya pala bumabawi sila ng sakit ngayon sa akin dahil nasosobrahan na pala ako sa tuwa. Ilang buwan na rin ang nakalipas at hindi na ako pumapasok sa school, kung papasok man ay pabungi bungi ng pasok. Hindi na rin ako na update patungkol sa pagiging varsity ko siguro matatanggal na ako. Buong araw lang ako nasa kwarto pero palagi pa rin ako kinukulit nila Mommy, umalis na noong nakaraang buwan sila nanay Meding.

Ang daming nangyari, hindi na kami nag uusap ni Timothy, hindi na nag paramdam si Karlene, hindi ko na pinapansin si Kenjie, si Mommy may iba na, hindi na ako pumapasok sa school, wala na sila nanay Meding basta ang dami.

Birthday ko ngayon pero parang wala namang ganap sumandal ako sa kama at sinuksok ang mukha ko sa unan. Nakakatamad na ang lahat pagod na ako inopen ko ang phone ko at wala akong natanggap na messages galing sa kanila, si Mommy maagang umalis pero pinipilit pa rin ako pumasok.

Walang tao ngayon dahil may pasok parehas sila mommy at Angge lumabas ako ng bahay at dumeretso sa isang coffee shop, gusto ko bumili ng cake para sa akin at pagkain, sa kwarto na lang ako mag ce- celebrate.

Pinili ko ang favorite ko na strawberry cheese cake mukhang bagong labas nila ito kaya kinuha ko na rin. Bumili na rin ako sa convenience store ng mga chips na kakainin ko, may pera at ipon naman ako, kung tutuusin pwede na nga akong bumukod kung gugustuhin ko.

Gabi na at Nakauwi na ako sa bahay, wala pa sila kaya dumeretso na ako sa kwarto ko, nilapag ko muna sa lamesa ko lahat ng pinamili kong pagkain. Sumilip ako sa bintana ng aking kwarto ang daming tao sa labas na kapitbahay namin nagkakatuwaan yung iba naman galing school at nag hahabulan inikot ko ang mata ko at natanaw ko ang isang buong pamilya na sama sama habang nag lalakad.

Napangiti ako dahil sa pait, I always feel this, I'm happy to those people who have a complete family. Tumalikod ako sa bintana at kinuha ang cake ko at sinindihan ang kandila. 

I sing silently happy birthday song to myself wishing that those important people singing this to me. Hawak hawak ko ang cake habang sumandal sa pader ng aking kwarto, ramdam ko na pumapatak ang luha ko sa cake habang kumakanta ng happy birthday. Nang banggitin ko na ang huling lyrics ay pinunasan ko na ang luha ko at hinipan ang cake ko.

"Sa dami ng kaibigan at ng pamilya ko, ni isa wala man lang nakaalala ng birthday ko."

****

Nagising ako dahil sa ingay at dungaw ng ilaw sa ibabaw ng aking kinahihigaan inikot ko ang mata ko at puro nasa loob ako ng kwarto at nahihilo ako, si Mommy ang bumungad sa akin at alalang alala kasama si Kael at Angelica. May kung anong gamit ospital ang naka kabit at naka tusok sa kaliwang kamay ko.

Niyakap ako ka agad ni Mommy ng makita niyang nagising ako. "Bakit mo ginawa yun anak?" Bungad sa akin ni mommy pero hindi ako sumagot tinignan ko ang palapusuhan  ko at may bandage ito, ngayon lang ako natauhan ng maalala ko ang nagawa ko kaninang birthday ko.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon