Kasal
Kinaumagahan ay naligo na ako ng maaga para makapili na kami ng gown sa kasal ni Leo, susunduin daw kami ni Kael para mabalik niya na rin ang kotse, mag papahatid na lang kami ni Karlene kay Kuya Jel sa location namin.
Naka off shoulder ako at pantalon, bumaba na ako papuntang sala, hintayin na lang namin si Kael dito sa bahay para sabay sabay na kamingg pumunta at hihintayin na lang namin si Kenjie at Leo.
This week na ang kasal kaya mas na eexcite ako, sa makalawa na yata pero settle naman na daw lahat at nabigyan na ng invitations ang mga kaibigan kaya wala na daw problema.
Dumating na si Kael kaya sumabay na siya sa amin at binigay ang kotse ko. Magpapahatid na kami kay kuya Jel para makapunta sa location.
Tahimik lang kami sa sasakyan dahil may inaasikaso si Kael at Karlene sa laptop nila kaya quiet na lang din ako, mahaba naman ang tulog ko pero hindi ko maiwasang maantok dahil na rin siguro sa panahon.
Nakarating na kami sa location, sabi ni Leo sa coffee shop daw kami mag kikitang lima, tahimik silang dalawa kaya naglakad na lang ako pasabay nila.
Weird
Hindi ko ba alam kung dapat akong matuwa kasi busy silang lahat o hindi kaasi si Kenjie lang nakakausap ko, bukas na daw pala ang kasal at nirush daw dahil gusto ng parents ni Marienne na sa pagbubuntis ang focus nila para maging maayos ang delivery.
Andito na kami ngayon sa bahay ni Leo habang inaasikaso ang mga dapat pang ayusin para bukas. Naka settle naman na lahat pero dino- double check pa rin nila in case na may dapat pang asikasuhin.
Katabi ko ngayon si Kenjie kumakain kami ng nachos, ayos lang daw kay Leo na dito lang kami sa kusina nila dahil kaunti lang naman daw ang aasikasuhin, habang si Kael at Karlene ay inaabala ang pagkain sa reception, sabi ni Kael stay na lang daw kaming dalawa, samahan ko daw si Kenjie.
Last week ko pa nakita sa personal si Marienne, sa totoo lang ay sobrang ganda niya at pang model ang katawan. Hindi na ako magtataka dahil nagustuhan siya at mabait pa. Abala ako sa pagtitig sa kawalan kahit excited na ako bukas, katabi ko ngayon si Kenjie suot suot subrero niya pero nakabaliktad. Pumalumbaba ako sa lamesa at tumingin sa kaniya.
"Excited ka na ba bukas?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti ito. Nakapatong yung isa niyang kamay sa upuan at hawak hawak daliri niya habang ako nakapalumbaba sa lamesa habang humihigop ng juice ko.
"Ayos lang naman, ikaw ba Emi?" Tanong niya.
Sa totoo lang excited ako na kinakabahan sa kaniya, ewan ko bakit magiging daddy na siya at asawa. Parang ang bilis lang dahil wala pa kaming 30 pero kung saan sila masaya I'm happy for them.
"Ayos lang din hahaha." Sambit ko at tumawa siya.
Ngayon na ang araw ng kasal pero mas kabado pa ako kaysa kay Leo, maaga akong nagising pero mas nabulabog ako ng binuksan ni Karlene ang kwarto ko. Maaga akong naligo dahil aayusan kami, excited na ako pero kinakabahan talaga, cream ang kulay ng motif ng kasal, sabi naman nila kahit anong kulay basta ay light colors.
Tapos na kami ayusan ni Karlene Mommy at Angelica. Si kuya Jel na lang daw ang mag hahatid sa amin at dederetso na sila Kael at Kenjie.
Nakalugay ang buhok ko at nakaslight off shoulder ang gown ko, light make up naman ang pinares sa damit naman at kalahating takong ng flat shoes. Nasa kotse na kami at inaantok pa rin si Karlene, si Angelica nama'y naeexcite kay kuya Leo. Si mommy naman ay tahimik lang pero masaya.
Nakarating na kami sa simbahan, malaki ang simbahan at ang daming inbitado, nakikita ko na rin ang iba naming kaklase at mga ka close namin noong high school. Bumungad ka agad sa akin si Kael na kausap ang magulang ni Leo, binati ko ang mga magulang ni Leo.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...