A/N : Please follow @aewisa on twitter if you want to be updated in my stories, Thank you.
Truth
Nakapalumbaba ako ngayon sa lamesa ng fast food chain kung saan sa pinakamalapit na school namin, hinihintay ko na ngayon si Timothy dahil malapit naman na mag dismissal. Mga 15 minutes pa lang ako nag hihintay dito pero naiinip na ako, balak din sana ako isama nila Kael dahil mag lalaro sila mamaya pero sinabihan ko sila na sa Linggo o Friday na lang para libre kaming apat.
Tinanaw ko ang mata ko ng pansin ko na marami nang lumabas na estudyante at gumagala na sa mall, mukhang malapit naman na siya kaya umupo na ako ng maayos at inayos ang bag ko.
I waited for almost 30 minutes and he finally came up, he hug me tight and kiss my forehead.
"Saan tayo mahal?" He asked.
"Everywhere." Sambit ko at inikot namin ang buong mall kung saan kami pwede mag bonding.
Ikot lang kami ng ikot at hindi pa kami na kakakain, pagod na rin ang paa ko pero minabuti ko na samahan pa rin siya. Nang makahanap na kami ng kakainan ay pumasok na kami
Sa isang Chinese restaurant, umupo ako sa tabi niya at nag hanap ng makakain.Pagkatapos naming kumain ay parang gusto ko manuod ng sine. Nag unat unat muna ako pag kalabas namin ng restaurant.
"San mo pa gusto pumunta?" Tanong niya sa akin.
Gusto ko manuod ng sine pero hindi ko naman alam kung ano pa ang mga palabas ang available ngayon kaya hindi ako nag salita at hinila na lang siya papuntang sinehan.
"San ba tayo pupunta mahal?" Tanong niya sa akin habang hila ko pa rin siya.
Gusto ko manuod ng nakakatakot o di kaya kahit ano, nang malaman niya na kung ano ang gusto ko ay siya na ang pumila kahit hindi pa namin napag iisipan ang papanuorin namin. Ayos lang naman sakin kahit ano dahil mas maganda kapag hindi ko alam ang papanuorin ko at at least may thrill.
Nang makapasok na kami sa loob ay may dala dala na kaming popcorn at juice umupo kami sa gitna habang siya ay abala sa phone niya. Hindi ko na lang pinansin kaya binaling ko ang sarili ko sa panunuod.
Love story ang pinili niya hindi ko naman alam ang title kasi hindi naman pinaalam sa akin ni Timothy at ayaw pa ikwento.
Nag start na at tahimik lamang kaming dalawa, nakakapanibago kasi madaldal kaming dalawa, kinukulit ko siya simula kanina pa at nagdadaldal ako sa kaniya ng pabulong pero parang mas gusto niya ng tahimik kaya hindi na lang ako nag salita.
Kanina ko pa pansin na panay type siya sa phone niya kaya napakunot ako habang nanunuod. Umupo ako ng maayos at agad niyang binitawan ang phone niya kaya mas lalo akong nagtaka.
Nag patuloy lamang ako sa panunuod habang siya ay abala sa phone niya hindi naman sa nag hihinala ako pero dati ay hindi naman kami ganito.
Bigla na lang nag ring ang phone niya kaya napatingin ako dito, hindi ko matago yung kaba ko kahit maliit na bagay lang 'to, tinaasan ko siya ng kilay at nginusuan ang teleponk niya dahil hindi niya pa sinasagot ito.
"Si Sid tsaka Joseff. " Sambit sabay turo sa phone niya.
"Edi sagutin mo." Sambit ko dahil yun naman talaga dapat niyang gawin.
"Pinapapunta ako sa bahay nila, may practice daw kami." Sambit niya sabay baba ng telepono.
Lumunok ako dahil kung dederetso siya doon maiiwan ako dito mag isa. Ayoko rin naman mag inarte dahil lang sa maliit na bagay. I continued to smile and nodded.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...