Chapter 4

90 42 0
                                    

Timothy and Ishanna

May Ex na siya. At sa tingin ko mahal niya pa rin ang Ex niya. Kasi hindi mo naman aalayan ng kanta yung tao kung wala kang nararamdaman diba? Or maybe just for fame. 

Ano ba ang dapat kong pake. Dapat wala kang pake sa kanila problema na nila yung kung bakit sila nag break edi congrats sa kanila pag nag comeback sila. Ang daming tanong na bumuo sa utak ko. Hindi ko na lang pinansin iyon at nag salita si Karlene.

"Halina hanapin natin sila Leo" sambit ni Karlene at hila sa kamay ko. Paano na 'to baka malaman niya na may kalaban sila Leo ngayon. Ayoko pa naman sumali sa gulo nila ngayon nakakapagod yung training nung makalawa at may laro kami kahapon. Shet naman Leo wag kana mang damay Hmp! Hinila niya ang aking kamay at sumabay na lang kung saan kami dahil ng aming mga paa. Dumadami na ang tao sa canteen lunch break na rin kasi kaya dumarami na ang tao.

"Asan ba sila? nag sabi ba sila sayo na kung saan sila pupunta?" tanong nito pero hindi ko napansin dahil dumaan si Mr. Choco. Ohmaygulay hindi ako maka concentrate. Ano ba kasi Ellie you must stop making thoughts about you and Timothy. Pake niya ba sa akin, nagagandahan lang ako sa boses niya and I hate what I felt for him.

Pumunta sila sa loob ng canteen kasama ang mga kaband mates niya. Marami ang tumitingin sa kanila at nag uusap patungkol sa Gray. Siguro dahil gwapo, sa panahon pa naman ngayon hindi na basehan yung ugali kung ano na lang ang nakita ng mata yun na lang ang tatanggapin nila. Patuloy pa rin ang pag titig ko sa maamong muka ni Timothy. Naka side view siya dahil naka pila pa rin siya para makabili, bakat na bakat sa muka niya ang kanyang panga. Kahit malayo ay mapupungay ang kanyang mga mata isama mo na rin ang matangos niyang ilong. Natigil ang pag iilusyon ko ng nag salita si Karlene.

"Huy ano ba?" sabay yugyog sa kamay ko "Sino ba kase tinititigan mo?" Sabay dungaw sa tinititigan ko. Ngumiti si Karlene at kiniliti ang tagiliran ko.

"Huy ikaw ah crush mo pala si Timothy Kyle di ka nag sasabi ah. " malakas na sambit ni Karlene. What the shity hell nawawala ba si Kar sa utak niya Tinakpan ko ang bibig ni Karlene dahil ayoko may maka rinig mahirap na kilala ako sa school dahil nag vovolleyball ako.

Hinila niya ang aking kamay at patuloy pa rin siya sa pang aasar. Hindi ko namalayan ay may paa pa lang naka harang sa aking tapat at malakas akong hinila ni Karlene. Huli na ang lahat natapilok ako at napa upo sa sahig. Sa sobrang lakas ng impak ay muntik na tumama ang baba ko sa lapag buti na lang at tumama lang ang aking hita at tuhod. Nakakahiya! 

Who do you think you are ang lakas naman nito mamatid. Hindi to love story or what para mamatid ka wala akong pake sayo kahit babae kapa o anak ka ng mayamang business man or what so ever. Nag pumigil ako sa pag susungit dahil mahirap na at masabi nilang may attitude na pinapakita si MVP or what they want to say about me. I must calm myself before I look sa babae.

"I'm sorry miss Mvp!" Sambit ng babaeng naka patid sa akin, nag lahad din siya ng kamay upang makatayo ako, lower year pa lang ata siya dahil mukang baguhan. My Goodness! ayoko sigawan tong babaeng to dahil andito si Timothy. Nag salita si Karlene.

"Mag sorry ka talaga, tignan mo o may sugat yung paa niya. Sa tingin mo magagaling ka agad yan?!" Sambit ni Kar na marami ang nag si tinginan. Ayokong may mang yaring gulo. Andito si Timothy, ok kaya behave muna tayo. Pero sa loob loob ko gusto ko kalbuhin tong babaitang to!

"No it's ok, mag iingat kana lang din minsan. Wag mo ihaharang yung paa mo sa daan kasi maraming tao sa canteen na dumadaan, mahirap na maka patid ka at hindi mabait ang napatid mo dehado ka ka agad hinay hinay sa pag stretch ng paa sa daan." I smiled sarcastically pero nangingibabaw pa rin ang pag kukunwari kong mabait.

"kasalanan ko rin naman I'm sorry" sambit ko at umalis na kasama si  Karlene. Nag lakad kami papuntang clinic, nasalubong namin sila Kael, Kenjie at Leo. Lumapit ka agad sa akin si Kenjie na nag aalala.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon