Fireworks
Nasa labas kami ng school ngayon nag iikot ikot na malapit na ice cream shop sa school, tahimik lamang akong sumusunod sa kaniya habang siya ay tahimik rin. Halos inikot na namin lahta ng street sa school namin pero walang bakante at sarado rin, nasa taoat kami ngayon ng milktea shop at ako ay nakaupo sa hollow blocks nakatingin lamang ito sa daan at ako ay nakaupo lamang.
"Inom na lang tayo?" Tanong nito sa akin at napatingin ka agad ako. Pwede rin kaso walang magsusundo sa akin kasi di ko dala sasakyan ko.
"Di ko dala kotse ko." Maiksi kong sagot. Humarap ito sa akin at umupo rin sa tabi ko.
"Hatid kita, kunin ko sasakyan ko sa school." Sagot niya at tumayo ako bilang pagsang ayon.
Nakuha na namin ang sasakyan niya sa school, unang beses ko lang na kasakay sa sasakyan niya kaya hindi ako kumportable gumalaw galaw, kulay itim ito at tinted din. Nakabili na siya ng alak. Tahimik lamanh kaming nasa sasakyan habang aki ay nakatulala.
"San tayo iinom?" Tanong niya sa akin at tumingin ako ka agad.
"Ikaw?" Tanong ko pabalik. Kinuha niya galing sa likod ang mga bote ng alak kaya umupo ako ng maayos at tumingin sa kaniya pagkatapos niya kunin ang bote.
"Dito na lang." Aya niya. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay dahil malinis ang kotse niya mahirap naman kung dito kami mag kakalat. Ng alak
"Sure ka?" Tanong ko at tumango siya, nakapark lang ang sinasakyan namin sa parking lot dito sa vape shop malapit sa street ng school. Nagpalit din ako ng damit dahil mahirap na baka masuspend na naman ako.
Naging okay ang inuman naming dalawa, tawanan kwentuhan at chikahan. Pero paunti unti lang ang inom ko dahil kailangan ko umuwi ng buo.
"Yung nangyari pala sa event, pasensiya na kay Sid ah. Tinamaan na yung tuktok niya nun eh." Pag uumpisa niya,
"Wala yun. Wala na rin kami sa wisyo nun alam mo na lasing na lahat." Pagsagot ko at lumagok ng beer.
"Hindi lahat lasing." Sagot niya, di ko siya pinansin dahil kung ano ano na naman nasasabi nito kapag naiinom.
"Si Ishanna di lasing." Pagdugtong niya at lumamig ang ambiance ng sinambit niya ang pangalan ni Ishanna. Nginitian ko siya bilang pag sang ayon.
"Ang Hina uminom ni Ishanna eh," Pag sagot ko.
"Wine lang iniinom nun." Sagot niya. Hindi ko alam pero sa tuwinh sumasagot siya patungkol kay Ishanna ay nasasaktan ako. Kabisado niya yung maliit na bagay patungkol kay Ishanna, samantalang ako wala.
"Wag ka mag alala malapit na kayo mag kabalikan." Sagot ko. Ngumiti ako ng mapait ngumiti din siya pero hindi ko alam kung masaya siya o hindi.
"Di ko na alam. Kung bumalik edi balik pero kung hindi bibitawan ko na siya." Sagot niya at nag iwas ng tingin, nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya kasi napapagod na siya o malunhkot kasi kahit mawala na ang nararamdaman niya kay Ishanna eh wala pa rin ako sa kaniya.
"Huh? Parang kailan lang habol ka ng habol sa kaniya." Pagpapaalala ko para makakuha nang impormasyon kung mahak niya pa.
"Nakakapagod maghintay habang nakakasakit ako ng ibang tao." Sagot nito at tumingin sa akin.
Buti alam mo!
Hindi ko alam pero nangilabot ako sa sinabi niya. Naguguluhan ako pero yung nga tingin niya parang may sinasabi na ikaw yun, ayoko mag assume para hindi ako masaktan. Nag iwas ako ng tingin at naging tahimik ang paligid. Kinagat ko ang labi ko dahil iniisip ko kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomansaAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...