Chapter 11

72 37 0
                                    

Against

Tahimik lamang ako nakaupo sa bench habang hinihintay namin ni Karlene si Kenjie. Umuwi na si Kael dahil pinatawag siya ka agad ng papa niya. Naka sandal lamang ako sa bakal ng bench habang si Karlene ay abala sa pag phophone. Kinalabit ako ni Karlene kaya tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nalaman na ni lola na pinalayas ako ni papa, sa kanya na lang daw muna ako umuwi kakauspin niya rin daw ako." She said, ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. She badly need someone right now dahil hindi ganoon kadali ang pinagdaraanan niya.

"Alright. Just call me when  something bad happens. Welcome ka pa rin sa bahay." I said at kumalas na siya sa yakap at tumayo na upang pumunta sa gate ng school.

"Salamat ah! Ang laki ng utang na loob ko sayo." She said. "Mauuna na ako ah. Ingat sa inyo ni Kenjie." She added at umalis na.

"Ingat!"  Sigaw ko upang marinig niya ang sambit ko.

Nakahilig pa rin ako sa Bakal at hinihintay si Kenjie, kinuha ko ang phone ko upang tignan kung nag message man lang siya sa akin. Mayroon akong nakuhang message pero hindi galing kay Kenjie. Bumangon ang aking ulo at umupo ng maayos SI TIMOTHY!!! Omg. Ayoko pa muna iseen dahil mahihirapan ako magisip ng irereply ko kapag nalaman ko na ang chinat niya, literal na nablablanko ang isip kom, siunds OA pero blangko talaga. Nagdadalawang isip na ako bago buksan iyon. Pumikit muna ako habnag pinipindot iyon. Dinilat ko na ang aking mata ng nabuksan ko na.

Timothy:
I know you're going somewhere, just be safe bb and I miss you a lot. And update me kung pauwi kana!

My goodness dati baby ngayon bb naman. Hindi naman sa demanding pero bakit umikli yung spelling. Pero anyways na appreciate ko naman kasi concern siya nasaan at alam niya kung aalis ako. Nablangko na naman ang utak ko kung ano ang irereply ko. Nag isip na lang muna ako na kung ano ang pwedeng ireply habang hinihintay si Kenjie.

Ako:
Thanks! I hope you're doing good, just be safe too IMYT!

Sagot ko rito at hindi ko na nilambingan dahil hindi dapat nag hahabol ang mga girls. Ok na yan at least I answered back.

Nag scroll muna ako sa FB habang hinihintay si Kenjie, kinausap pa yata siya ng coach niya patungkol sa kanyang performance. Nakita ko na dumaan si Leo at Odette. Balak ko sanang humingi ng apology sa ginawa ni Kael. Hindi pa nakakalayo si Leo kaya tumakbo ako at iniwan ang bag ko sa bench. Nahabol ko pa naman sila at nag tataka si Leo na nakatingin sa akin.

"Hey Leo." I said. He replied back at ngumiti sa akin si Odette, I still consider her as my friend. Hindi dahil jowa niya si Leo kundi dahil naging mabuti rin siya sa akin. Leo smiled at me and he patted my head.

"I just wanted to say sorry about what happen yesterday sa inyo ni Kael, I really don't have any idea what's going on between you and Kael but I just want to state an apology. Ako na ang humihingi ng sorry because no one can do that sa grupo natin except sa amin ni Kenjie. Sorry" I said and he smiled at me na parang wala lang nang yari.

"Alam ko na kaibigan natin sila at mas lalong kaibigan mo sila Emi, pero sana huwag mo kunin yung mga kasalanan nila dahil gusto mong buuin o maayos sila. Hayaan mo na silang lumapit at humingi ng tawad. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang gagalaw para sa ikabubuti nila. Sa susunod hayaan mo sila na sila ang humingi ng tawad, huwag mo saluhin yung problema na dapat ay sa kanila lang." He said, may point siya dahil hindi ko naman talaga dapat lagi yon ginagawa dahil hindi ko naman iyon kasalanan at labas ako sa pag aaway nila. Dapat sila ang kumilos at hindi lag ako.

"Salamat." I said and he gave me a tight hug. Kumalas na ako at nag paalam na aalis na nginitian ko na lang si Odette dahil awkward kung kakamustahin ko pa.  Dumeretso na ako sa bench at naroon na si Kenjie, naka tayo siya habang hawak hawak niya ang kanyang phone. Pumunta ako roon at kinalabit siya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon