Truth
"Oh ba't ka napatawag? May problema ba?" tanong ko kay Leo habang nakatitig kay Kenjie na ngayong'y nakaiwas ng tingin sa akin.
"Asan ka? May sasabihin ako sa'yo, may nalaman ako." Sambit ni Leo na agad naman akong kinabahan.
"Huh? Anong nalaman mo?" Kabang tanong ko sa kaniya at ngayon ay nakatingin na rin sa akin si Kenjie.
*****
"Itutuloy na maybe this week ang kasal nila, Emi Ikakasal na siya."
Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi ni Leo sa akin, kahit hindi niya sinabi kung sino alam namin dalawa kung sino ba talaga ang tinutukoy niya.
Si Timothy..
Ikakasal na nga talaga siya.
Ang alam ko balak na talaga niya na magpakasal kay Ishanna pero hindi ko akalain na magpapakasal na sila agad agad. Sabi ko sa sarili ko okay na 'ko na makalimutan ko na ang lahat, sabi ko sa sarili ko na handa na kong ipaubaya lahat ng sakit at ipaubaya yung dating sa akin kay Ishanna. Nasa coffee shop kami ngayon ni Leo agad akong nakipagkita sa kanya noong tinawagan niya ako.
"Ah." Panimula ko habang hawak hawak ang kape ko. "Ganun ba? Co-congrats sa kanila kung ganun." Dugtong ko at ngumiti.
Tumingin sa akin si Leo habang siya ay sumandal sa kanyang kinauupuan. Tahimik lamang akong hawak hawak ang kape. "Alam ko 'di ka okay." Panimula ni Leo habang nakatitig sa akin.
Pinilit kong ngumiti sa harapan niya at tumawa ng maigsi.
"Sira! Ayos lang ako." Sabay higop ng kape.
Dumidilim na rin naman na at nasabi na ni Leo ang sasabihin niya, luminga linga ako sa paligid at gusto ko ng magpahinga at umuwi.
"Invited tayo." Maigisi niyang sambit at agad namang bumalik ang paningin ko sa kanya. Tinaas ko ang nuo at kilay ko at ngumiti ulit sa kaniya.
"Ganun ba? So ibig sabihin kasama rin ako?" Tanong ko, hindi ko kaya 'to. Hindi ko kayang panuorin na kinakasal yung taong gusto ko na dapat sa'kin.
"Oo eh, kasama daw kasi lahat ng kabatch lalo na yung naging ka-close." Sambit ni Leo at agad na nawalan ako ng imik. "Tutuloy ka ba? Maiintindihan naman siguro nila kung hindi." Dugtong ni Leo na mukhang nagaalala.
Pinilit kong ngumiti at tumawa ng bahagya. "Sira ano kaba! Ayos lang sa akin 'yon! Tagal na rin ng tapos yun kaya kering keri." Pag dadahilan ko at ngumiti naman siyang nag aalala.
Hindi ko kayang makita na ikakasal siya sa iba. Pero kung ito na lang yung nakikita kong paraan para saktan yung sarili ko hangga't mailet- go siya handa ulit akong harapin yun makalimutan ko lang siya.
This week na..
Onti na lang Emi mapapalaya mo na yung sarili mo sa kanya.
**********
Nakahanap na kami ni Karlene ng dress para sa kasal, nagkita kami kanina ni Ishanna kanina dahil pumili na rin siya ng gown para sa kasal niya, kasama niya rin ang ibang imbitado na galing din sa school namin, glowing siya at mas lalong gumanda. Binati niya rin ako kanina at kinamusta.
Mukhang okay na kami..
Nasa kotse kami ngayon ni Karlene habang kumakain siya ng fries, dederetso kami ngayon sa bahay upang makapag pahinga na, ilang araw na lang ay kasal na sila mga tatlo o limang araw na lang.
Sa wakas
*****
Nakarating na kami sa bahay at saktong nasa loob ng bahay si Kenjie, kanina ko pa napansin dahil ng pinark ko ang kotse ko ay nandoon din ang kotse niya.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...