Event
Uwian na at nasa labas kami ng room nila Joseff dahil sasabay na kami sa kanila papunta sa event na ininvite kami ni Joseff. Hawak hawak ni Kenjie ang bag ko dahil nag presenta na siya na lang ang mag bibitbit nito pumayag naman ako dahil masakit din ang katawan ko sa training kahapon.
Kasabay namin papuntang event sina Joseff, Sidd, Drake,Timothy, at Jake. Tahimik lamang kami sa UV. Pansin ko na panay ang tingin sa akin ni Timothy pero sinawalang bahala ko na lang iyon. Naka P.E kamo ngayon at nagpalit rin kami ng pantaas na Shirt dahil malalagay sa alanganin ang school namin pag nakitang suot suot pa namin ang uniform namin papunta roon.
Nakarating na kami sa venue. Maraming tao na kaagad kahit 5 p.m pa lang ng tanghali. Tumabi kami sa mga kaibigan nila Joseff kung saan kasama sila Ishanna. Tahimik lamang akong nakangiti habang si Karlene ay G na G na nakikipagdaldalan sa boys sa kabilang table. Umupo na kami at saktong kaharap ko si Ishanna at ngumiti ito sa akin ng malapad na ultimo matagal kaming hindi nagkita, nginitian ko rin siya pabalik. Nagpatong na ka agad ng mga bote ng alak si Joseff at Jake. Hinanap ng aking mga mata kung nasaan si Timothy, nasa kabilang table siya kung saan kasama niya ang kaniyang kabanda nagtatawanan. Puro hard liquors ang nilapag nila at hindi ako pamilyar dito dahil matagal na ring hindi nag aya sila Kael ng inuman.
Nag umpisa na silang uminom at nag party party, umilaw na rin ang disco lights kaya mas g na g sumayaw sa gitna si Karlene habang sila Kael, Kenjie, Leo at Odette ay umiinom rin sa aking tabi. Mahina lamang uminom si Ishanna, napaka arte na akala mo babaeng babae talaga kumilos.
Nagsimula na rin akong uminom at hindi ko pinapansin kung nakaka ilang lagok na ako. Panay ang tingin sa akin ni Kenjie dahil pansin niya yata na kanina pa ako tahimik sa tabi niya. Nasa gitna pa rin si Karlene nag sisisayaw. May lumalapit sa kaniya na lalaki pero umaalis din ka agad dahil binabantayan ito ni Kael.
Ang ingay ni Sidd dahil kanina pa ito sigaw ng sigaw ng kung ano ano habang pinipigilan siya ni Timothy. Bumangga si Sidd sa table namin kaya napa atras kaming naka upo dito pero na hawakan din siya ni Timothy at nasuportahan niya ito.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" Sigaw niya kay Timothy kaya napakunot ang nuo ko sa inaasta ni Sidd dahil ok naman ito kanina.
"Ano ba p're lasing kana, may tama kana oh? Tumigil kana, halina bumali-" Pag pupumilit ni Timothy kay Sidd pero hind ito tumigil. What's wrong with him?
"Hayop ka tumigil ka nga!" Sigaw ni Sidd kay Timothy kaya napaatras ito.
Inaawat din nila Drake si Sidd pero masyadong malakas ito para sumigaw. Hindi naman namin na aabala ang mga ibang tao dahil malakas ang music kaya abala sila sa pagsayaw at pag inom.
"Lakas mo mag sabi na tumigil ako, eh hindi mo nga matigil yung feelings mo kay Ishanna! Bobo! " Sagot ni Sidd kaya napatingin ang mga kasama namin kay Ishanna, tumingin ako kay Ishanna at nakatingin ito sa akin na mukhang walang alam sa nangyayari, pinipigilan na nila si Sidd dahil baka may masabi pa ito na hindi maganda.
"P're tama na." Ani ni Jake dahilan kaya di nagpumiglas si Sid. Hindi ko sila pinansin sa pag aawat nila. Lumagok lamang ako ng lumagok. Aakma ng hinilain ni Kael ang hawak kong bote pero tinarayan ko siya at sinamaan ng tingin.
"Lakas lakas niyong mag sabi tungkol sa lovelife ko eh pareparehas lang naman tayong talunan." Pag uumpisa muli ni Sidd. "Ikaw Timothy? Sa tingin mo babalikan ka pa nito." Sabay turo niya kay Ishanna. "Tanga ka! Gumamit ka pa ng ibang tao para masiayos lahat sa dati. Maawa ka kay Emily ulol!" Dagdag nito at aakma ng tatayo si Leo upang sunggaban si Sidd pero pinigil ito ni Kael.
"Ano yung kinakanta kanta mo kay Ishanna dati?" Daldal ulit ni Sidd, kung pwede ko lang takpan at umalis dito ay kanina ko pa ginawa dahil sakit na sakit na ako sa mga nangyayari. Nahihilo na ako, nakakailang bote na ako pero hindi ko ito pinansin dala na rin siguro ng sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...