Assurance
Pinayagan naman kami lumabas dahil pwede naman at hindi pa nag stastart ang school hours. Gusto ko sana mag kape dahil inaantok ako ng medyo slight.
Nag ikot ikot muna kami sa lugar na pwede naming kainan, nakakailang tanong na kami sa isat isa kung gusto ba namin sa nadadaanan naming kainan pero ni isa ay ayaw namin. Kung hindi ko bet ay hindi niya taste ang serving doon, kaya no choice mag hahanap ulit kami.
Ang ending naming dalawa ay sa McDo. Humanap muna kami ng pwede upuan na bakante, siya na ang nag presentang oorder at ililibre niya na lang daw ako.
"Pancake lang sa akin tsaka Kape." Sambit ko habang inaayos ko ang bag ko na inililipat sa tabi ng kinauupuan ko.
"Yun lang? Ang onti naman." Timothy.
"Marami ako kinain sa bahay, nag luto sila kaya pancake na lang." Sambit lo at tumango siya.
"Wait mo ko ah." Sambit niya at ginulo ang buhok ko.
Medyo mahaba ang pila dahil marami ring estudyante sa school na umoorder at kumakain. Habang hinihintay ko siya ay naglaro na lang ako sa phone ko habang nakapalumbaba. Habang nag lalaro ay naka recieve ako ng message kay Anj na may training daw kami mamaya.
Nang makuha na ni Timothy ang order namin ay nag simula na kaming kumain, hihintayin niya raw ako sa training ko dahil may practice rin daw sila pagkatapos ng klase.
Habang kumakain na siya at pinicturan ko muna ang pancake at stinory ko ito sa instagram na may text na thanks for the treat! At nakamention ko siya, nag paalam naman ako sa kaniya bago ko ipost iyon at kahit hindi naman na daw ako mag paalam ay ayos lang naman daw ito sa kaniya.
Kakainin ko na sana ang pancake ko ng makita ko na nakatapat sa akin ang phone ni Timothy at mukhang kinukunan ako nito ng litrato ng patago, kaya hindi ko siya pinansin at nag fierce na lang ako na kunwari ay natural, para incase na picturan niya ulit ako ay mukhang maayos ang mukha ko doon.
Nang matapos na kami kumain ay may 30 minutes pa kami bago ang pasukan, lumabas na kami ng McDo at nag lakad lakad muna pabalik ng school.
These are what I am asking for. Eating pancake with a maple syrup with him, hihigupin ang mainit na kape kasama siya, binabalutan ang kamay ko sa maiinit na kamay niya habang tag lamig ang panahon, all worth it.
Nang makapasok na kami sa school ay sinabihan ko na hindi na ako aakyat sa room at dederetso na ako sa gym. Nagpalit na ako ng jersey at kinuha ko na kay coach ang excuse slip.
Nang makabalik ay dumaan muna ako sa locker room at nasalubungan si Ishanna, oo nga pala ay kasama ba siya sa team kaya asahan ko na lagi na namin siyang makakasama.
Nag iwas na lang ako ng tingin at nagpahalata na hindi ko siya nakita at abala kunwari sa aking hinahanap. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Nang makailang minuto na yata ako tinitignan nito ay na pag desisyonan ko na tignan na lang siya. I raised my eyebrows and act normal while grinding my lips like parang binabalatan ko ito gamit ang aking ipin.
She just smiled at me and I just smiled back to her. I don't want to make chika to her, not because I used to hate her pero di ko alam kung bakit ayaw ko siyang kausap. Hindi lang naman siguro ako diba?
"Ano hinahanap mo? Tulungan kita?" She asked at lumapit siya sa akin.
My goodness! I don't have any idea kung ano rin ang hinahanap ko. Kaya nag kunwari ako na nakuha ko na ang key ko sa sasakyan kahit hindi ko naman dala ang kotse ko.
"Here I found it!" Sambit ko at tumayo na at nag excuse me sabay ngiti sa kaniya.
I don't want to act mean but I don't have energy to talk to someone who I don't want to befriend with. She consider me as a friend but me I don't know how to act on it. We just need to normalize na hindi lahat ng tao magugustuhan and that is fine.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...