Chapter 13

65 61 0
                                    

Change

Nakauwi na si Karlene sa bahay nila. Kasalukuyan akong nagaayos ng gamit ko ng makita ko ang necklace nabinigay sa akin ni Timothy. Ilang weeks na rin ang nakalipas pero ang sakit pa rin pala na pinaglalaruan ka lang niya. Iniyak ko na gabi gabi pero hindi pa rin nauubos yung luha sa mata ko. Tinago ko ang kwintas. Humiga ako sa kama,at tinitigan ko ang kisame, nakakatamad na. Bakit kahit sinaktan niya na ako mahal ko pa rin siya? Sinabihan ko na ang sarili ko na tama na pero hindi ko mapigilan yung kamay ko na abangan na kausapin niya ako kahit sa phone lang? Ang hirap pala ng ganto. Hindi ko na inexpect na ganto pala magmahal.

May club day kami mamayang 12 ng hapon. 11:30 na pero hindi pa rin ako pumapasok ng school. 11:45 naman ang call time. Hindi naman ako papagalitan ni coach kaya mamaya na ako kikilos. Umalis na si mommy kaya napagdesisyonan ko na umalis na rin. Nagpalit ako ng sweatpants at croptop na yellow shirt. Nagpahatid na rin ako kay Kuya Jel patungong school. Mabuti ay hindi traffic kaya tuloy tuloy ang usad ko kahit late na ako. Dumeretso na ako ng gym ayoko rin mun ahanapin sila Karlene dahil gusto ko mapagisa. Ayoko ng maingay, pagkarating ko at nakita ko na ang mga aking clubmates ganoon na rin sila coach. Lumapit ka agad sa akin si coach at nagmano ako bilang pagrespeto.

"Ba't ka late?" Tanong nito habang nakayuko ako sa kanyang palad.

"Coach, kinausap ako ng coach ko sa swimming pinagusapan lang namin kung kaylan yung simula ko."  Pagsisinungaling ko at bintawan ang kanyang palad. Tumango ito

"Jersey mo?" Tanong nito sa akin at kumunot ang nuo ko.

"Required ba coach na magjersey? Hindi nalabhan ni Nanay eh." Sagot ko at tinapik niya ang braso ko at umalis na ito sa harapan ko. Pag ganyan si coach kumilos ay alam kong mainit ang ulo niya. Kung hindi sa players malamang ay personal na ito kaya hindi ko na lang pinakelaman. Dumeretso ako sa kinauupuan nila Anj at pinatong ko ang bag ko  sa bench. Hindi ko na ilalagay ito sa locker dahil 30 minutes lang naman ang aming club ngayon.

"Late ka na naman." Sambit ni Anj habang nagsusulat sa bond paper ng new list yata ng papasok sa club. Tumingin ako sa mga estudyanteng sumali sa volleyball club. Kausap sila ni coach nagdidiscuss yata ng dos and donts sa  volleyball.

"Patapos na kayo?" Pagiiba ko ng usapan.

"Oo. Discussion lang about volleyball kaya 30 minutes." Sagot nito at nagpatuloy sa pagsusulat. 

Bumilis ang oras at natapos na ang club day kinuha ko na ang bag ko at balak ko sana hanapin sila Karlene para makakain na kami sa labas dahil wala naman ng ganap. Palabas na ako ng gym ng may kumalabit sa akin. Tinignan ko kung sino iyon.

"Hey!?" Tanong sa akin ni Ishanna. Nagulat ako ng pagkaharap ko na si Ishanna ito. Nakangiti ito sa akin at ngumiti na lang din ako na mukhang tuwang tuwa na nakita siya.

"Ow hi!" Sagot ko at lumapit ito sa akin. Patuloy lamang ako sa pag ngiti dahil awkward naman kung iwasan ko siya ng dahil kay Timothy, ang alam ni Ishanna ay Timothy is seriously really into me, wala siyang kasalanan sa ginawa sa akin ni Timothy. I won't blame her.

Nakangiti pa rin ito sa akin at hindi man lang sumasagot.

"Oh I'm sorry hindi kita napansin kanina sa club. Late kasi ako tsaka hindi kita nakita." Pagbasag ko sa katahimikan at tumawa siya.

"Wala yun ano ka ba. Tsaka nagdidiscuss din si Coach kaya walang problema."  Sagot niya sa akin at buntot ito ng buntot kung saan ako pumunta. I just nodded at her at bigla na naman siyang nagsalita.

"Can we go out? Since we're good naman na pwede kita I treat ng milktea?" She asked me and biglang lumipad ang utak ko. Literally now? Kung kailan nag lukuksa pa ako sa ginawa sa akin ni Timothy. Biglang napawi ang ngiti sa mukha ko at mukhang napansin niya iyon.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon