Chapter 5

90 43 0
                                    

The truth and the muffins.

Hinatid kami ni Kuya Jel papuntang school. Dumeretso na ako sa gym upang tanungin kung mayroon bang mang magaganap na training or club day. Naabutan ko na kausap ni coach si Anj. Tumungo ako kung saan sila naroroon nakita nila ako at ngumiti sa akin si coach.

"Andyan na pala si MVP." Nginitian ko na lamang ito at tumawa. "May club day tayo ngayon mag uumpisa mamayang 10:30, after break. Naka assign kayo ni Anj sa kalahati ng girls from A-E alphabetical ng surname." Tumango ako bilang pag sang ayon at lumapit kay Anj. Matagal ko nang kaibigan si Anj, since grade 5 pa lang ako ay nakasama ko na siya sa pag vovolleyball. Sa volleyball kami nag ka kilala.

"Paano ba yan hassle na naman tayo sa pagtuturo. Mahihirap daw turuan mga sasali ngayon" sambit ni Anj

"Yun nga eh gusto ko pang may training kaysa sa nagtuturo ng volleyball." Kapagod mag turo no, sagot ko at tumawa kaming dalawa. Pumasok na kami sa Locker room upang mag palit ng damit. Naroon na rin ang iba naming ka team na nag papalit ng damit. Naalala ko na hindi pa pala ako nag papa attendance kay Maam. Hindi muna ako nag palit ng damit at iniwan ko muna ang mga ka team ko. Tiningnan ko ang orasan at 8:30 na pala. Dumeretso na ako sa room at dumaan na langsa front door. Nag lelesson na si Maam at kumatok ako sa pinto, yari na!

"Good morming Maam!" Sambit ko at ngumiti ng malapad. Tiningnan ko ang aking mga kaklase at nakabusangot ang mga mukha nila. Yari mukang sinermonan ata sila, wrong timing naman.

"At saan ka na naman galing at late ka na naman?!" Sambit ni Maam at hinila ang bag ko papasok sa room. What the hell?! Alam kong late ako pero dapat ba na hilain niya ako papasok ng room at pahiyain?! Ikaw kaya hilain ko.

"Galing ako ng Gym. Nakalimutan ko lang mag pa attendance kasi pinag usapan namin ni coach na may club day daw." Sagot ko at tumingin kay Maam. Nakakainis at naka taas pa ang kilay niya sa akin, ang hilig pa manakit. Hindi nga ako pinalo ni Mommy at daddy kahit nung bata ako tapos itong teacher na 'to basta basta na lang mang hihila ng bag.

"At sumasagot ka pa!?" Sambit niya at nilakihan ang mga mata niya sa akin. The hell nag tatanong ka sakin diba, what do you want me to do with your stupid question kainin ko? Bakit mabubusog ba ako nyan. Tatanong tanong ka tapos mag tataka ka kung di ako sasagot nakakairita na!

"Nag tatanong ka po diba?" Sagot ko at nag si tawanan ang mga kaklase ko. Mukhang nairita si Maam sa sagot ko dahil napalunok siya ng sagutin ko siya ng ganoon. Nag salita rin siya at tumahimik silang lahat.

"Kayong mga bata kayo! Ang papasaway niyo, mag pasalamat kayo dito"sabay turo sa akin. "Kung hindi dahil sa late niyang pag pasok eh hindi ko na isa isa kung sino ang bagsak ngayong quarter!" Binaling ni Maam ang atensyon niya sa akin. " Sa tingin mo ikaw ang lakas lakas mo mag pa late sa tingin mo naman pasado ka ?ikaw kung hindi ka naman absent, lagi ka namang late! Hindi porket varsity ka at MVP ka o kahit ano pang na hakot mong awards sa pagiging athletic mo mag aral ka rin ng mabuti at ngayon na nalaman ko na ipapasok ka pa sa pag swswimming paano mo mahahati ang oras mo? Pasaway ka pa at ang dami mo ring offenses. Puro hakot ka nang awards mo pero hakot ka rin ng reklamo." Tumitig ako sa kanya ng matalim. Pati ba naman ikaw kwekwestiyonin ako? Kung di ka lang teacher nako kanina ko pa 'to ginood shot 'to.

"Tapos malalaman ko na yung pinapakita mong ugali sa ma-" naputol ang pag sasalita niya nang tumayo si Kenjie at nag salita.

"Maam, continue niyo na po ang lesson sayang oras tsaka may club pa po mamaya." Sambit ni Kenjie at napatigil si Maam.

"Umupo kana doon!" Sambit ni Maam sa akin at tinitigan siya bago umupo. Lumalaban ako kahit teacher ka pa man din. Tatandaan mo na ibahin mo yung trato mo sa amin sa mga huli mong nahawakang section. Anlakas mo pa mang husga na kung ano ang pinapakita ko na ugali sa magulang ko. Ang lakas lakas mo makisali eh wala ka namang alam kundi makinig sa sabi sabi. Umupo ako sa upuan ko at pinatong ang bag ko. Lumabas din si Maam dahil may tumawag sa kanya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon