Gym
"Yung tropa" sagot ni Leo na binalingan ko nang atensyon "yung tropa pipiliin ko" dagdan nito.
"Makikipag break na ko kay Odette, walang mas lalamang sa pag kakaibigan natin. Tutal yun naman gusto niyo diba?" dagdag niya. Pero patuloy pa rin ang pag busangot nito.
Forced?
I guess..
"Siguraduhin mo Leo dapat hindi na maulit 'to. " ani ni Kael at tinapik ang braso ni Leo
We're friends since we are first year highschool. And now we are fourth year. Masasayang kaming mag kakaibigan. We treat each other with the same blood, mag kakapatid ika nga. Sanay na kami na lagi si Kael yung nag bubuhat ng gulo, nakikisakay na lang kami. Tama si Mommy two years na ko nagdadala ng gulo, two years nako maraming school record. Isang dahilan na rin ang pag sama ko sa kanila also nung nawala si Dad. Nasa tapat na kami ng aming room na kami ay agarang pumasok, chineck ko sa aking relo kung anong oras na, 2 hours pala kaming nasa office, nag ring ang bell senyales na break time na.
Naalala ko na wala pala akong dalang pagkain, tsk kung hindi lang kasi kuhaan ng card kahapon edi sana di na ako pipila sa canteen. Tumayo na sina Kael at Kenjie habang si Leo ay naka upo pa rin at si Karlene ay naka sandal sa akin.
"Halina baba na tayo" yaya ni Kenjie. Tumango ako at itinayo si Karlene, Naglakad na kaming lima. Dumaan sina Kenjie, Leo at Kael sa second floor. Kami ni Karlene ay patungong canteen.
"Oh saan kayo dadaan Emi? ani ni Kael habang hawak hawak ang kanyang water bottle.
"Bibili ako, wala akong dalang pagkain. " sabi ko at nag patuloy kami ni Karlene sa pag lalakad. Bigla akong tinapik ni Kenjie at agad din akong tumingin.
"May dala akong pagkain, napa sobra yung kuha ko eh. " ngiti ni Kenjie at abot sa akin.
"Oh ayan naman pala eh halina dun na tayo. " sabi ni Karlene at hila sa amin ni Kenjie.
Tumabi ako kay Kenjie at pinasalamatan siya sa pagkain na ibinigay niya sa akin. Ito ay baked macaroni at may garlic bread pa. Iba talaga pag luto ng mama ni Kenjie napapahingi kami ka agad. Habang kinakain namin ito ay nag dadaldalan ang aking mga kaibigan. Humingi si Kael at tinanguan ko lamang. Tumusok din ako ng porkchop sa ulam ni Leo, uminom din sa water bottle ko si Kael at uminom din si Karlene. Wag niyo naman ubusin tubug ko! Tapos na ako kumain pero sila Kenjie, Kael at Karlene ay hindi pa. Tahimik si Leo na naka sandal sa pader at tila malalim ang iniisip. Naisip ko na kumuha ng tubig.
"Saglet lang ah, kukuha ako tubig, may laman pa tubig niyo kunan ko na rin kayo?" Ani ko at agaran ding tumayo.
"Pakuha ako Emi. " sabay abot sa akin ni Kael
"Leo samahan mo ko." Sambit ko at tahimik na tumayo ito. Dumeretso kami sa water fountain malapit sa Gymnasium. Tahimik pa rin si Leo at nakayuko. Hindi madali yung nararamdaman niya, ayoko magalit sa kanya dahil onti onti kong nararamdaman na mas matimbang Odette si kaysa sa pag kakaibigan namin. Humarap ako sa kanya.
"Nag sisisi kaba na pinili mo kami kaysa sa GF mo?" Humarap sakin si Leo at mugtong mugto ang kanyang mga mata. "Sabihin mo lang Leo, di ko naman sasabihin yung sagot mo kila Kael. " ngumiti ako sa kanya at kinuha ang tubig na aking nirefillan.
"Ewan." Maigsi niyang sambit.
"Ano nga kasi?" Pag pupumilit ko at bumaling ulit siya sa akin.
"Hindi ako nag sisi na pinili ko kayo, natatakot lang ako kung tama ba na basta basta ko nalang siya bitiwan. " sambit ni Leo at may tumakas na luha sa kanyang kanang mata. "Mahirap para sa akin na basta basta nalang siya bitawan kasi may malaki siyang parte dito, dito sa puso ko. " sabay turo niya sa kanyang dibdib. "Simula nung dumating siya sa buhay ko sakanya na umikot, ramdam ko nung una na ayaw sa kanya nung tropa kasi lalamya lamya siya, ramdam ko na ayaw siya ni Karlene habang tumatagal, wala namang karapatan umayaw si Karlene kasi shota ko siya. Ang sakit lang kasi pinipilit niyo akong lubayan siya kahit hindi ko kaya, tumututol na kayo lahat sa kanya pero heto ako pinaglalaban siya. Nang dahil sa kanya nag bigay buhay uli ako. Hindi ako nag isa. " ngumiti sa akin si Leo, pero hindi sapat yung ngiti niya para itago ang malulungkot niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...