Loss
Katatapos ko lang lumabas after I bought some stationery stuff, balak ko na sana mag plano ng business ko sa buong araw na to para kapag may mas malaki na akong pera galing sa pinag hirapan ko ay makakapag patayo na ako.
Dumeretso ako sa kwarto ko at umupo sa kama, busy sila Lolo at Lola sa panunuod kaya hindi ko na sila inabala.
Gusto ko mag simula kung ano ba talaga ang business ko at final na talaga. Para naman hindi ako pabago bago at hindi masasayang ang investment.
Gusto ko rin sana na kasama ko si Karlene pag dating sa gantong mga business, kaso nga lang hindi ko naman alam kung intresado siya, syempre iba pa rin kami ng hilig lalo na at marami na ring pag babago o interest ang naiba dahil iba na ang kinalakihan namin.
Although lagi kaming nag cacall at nasa bahay pa rin namin siya, which is very nice dahil may kasama din sila Mommy at hindi sila nabuburyo sa bahay nila Tito Angelo at Angelica. Pero kahit na ganon ay hindi natin maiiwasan ang pagbabago pero kahit ganon pa man ay she's still my sister.
Tinitigan ko ang laptop ko at hindi alam kung saan mag uumpisa, nakakatamad naman pala 'tong planning planning na' to parang nung nakaraang araw ay sinisipag ako pero ngayon nakkatamad.
Humiga na lang ako sa kama ko at tumagilid niyakap ko ang unan na nasa tabi ko. Nag muni muni na lang ako at hindi muna inisip ang plinaplano ko, mahaba pa naman ang buhay ko, pwede pa namang mamaya o bukas.
Katamaran sucks...
Naistorbo ang paghiga ko ng biglang nag ring ang phone ko, kinuha ko ang headset at nilapit ko ang Laptop ko dahil baka mag vvideo call kami ni Angelica.
"Sandali lang lipat ako sa laptop." Sambit ko at ibaba na sana ang aking telepono, nag lakad ako para kunin ang charger ko dahil palowbatt na pala ako.
"Wag na ate, si Mommy inatake sa puso." Sambit ni Angelica.
Hindi ko alam pero agad akong nag panic at hindi alam ang sasabihin. Biglang nanginig ang kamay ko at hindi maka sagot, nangatog ang tuhod ko. Mali lang siguro ang pagkakarinig ko.
Hindi pwede..
"Ate? Si mommy inatake." Pag uulit ni Angelica. "Dinala na namin siya ni Tito sa Ospital hindi ka daw matawagan ni Ate Karlene kasi hindi ka daw naka online sa account mo."
****
Hindi ko alam kung ano ang nag tulak sa akin pero agad akong kumuha ng flight pauwing Pilipinas. Ayoko na ng may naririnig akong aksidente na may nangyayari, ayoko na ulit maulit iyon..
Hinhintay ko na lang ang flight ko at naka upo ako ngayon, 1 oras na lang ako makakaalis na ako. Sinabihan ko naman sila Lola at gusto din nila umuwi pero sabi ko ako na lang ang bahala.
Inikot ko ang mata ko, kahit na sinabi nila Angelica na ok na si mommy ay hindi ko pa rin maiwasan na mangamba. Paano kapag naulit na naman yung nangyari? Paano kapag pati siya makalimutan niya ako lalo na at nasa Alaska ako.
Parang bumalik lang ang nangyari kahapon. Pumikit ako para kalimutan iyon pero kumampi sa akin ang nakaraan kaya bigla ko na lang naalala ang nanyari kay Timothy.
Dali dali akong lumabas ng bahay at kinuha ang susi ng aking kotse, patuloy na tumututulo ang luha ko at hindi nag pahalata, nasa likod ko sila mommy at Karlene.
Tina likod ko sila at agad akong niyakap nila Mommy, bigla akong humikbi at kumalas sa kanila. Kailangan ko siyang puntahan, kailangan ako ni Timothy.
"Na saang hospital siya mommy?" Tanong ko.
***
Dumeretso na kami sa hospital ni Karlene, naiwan si Mommy sa bahay kaya si Karlene na lang ang kasama ko. Mahaba ang byahe namin dahil sa ibang hospital siya isinugod bandang dulo ng Bulacan.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...