Chapter 17

45 24 3
                                    

Silent

Maaga akong papasok upang tumulak na papuntang school. It's good to arrive early papuntang school. Less traffic, kumakain ako sa lamesa at kumuha ng pancakes na niluto ni nanay Meding. Maaga pa kaya naabutan ko pa sila Mommy at Angelica sa hapag kainan.

"Hows school?" Tanong ni Mommy. Ngumiti ako sa kaniya at sumagot.

"It's fine humahabol ako sa grades mommy." Sagot ko at sumubo ng pancake.

She nodded.

"Ikaw Angelica?" She asked.

"It's good." Maiksi nitong sagot.

Kumain lamang ako ng kumain dahil baka mag karoon kami ng Training mamaya o di kaya bukas. Panay ang pag ring ng phone ni mommy kaya naiistorbo ang pagkain namin. Tinititigan niya lamang ito at mukhang naiilang.

"Answer it mommy, maybe its urgent." Opinion ko. Ngumiti si mommy at itinaas niya ang phone niya at sinagot niya na ito.

Abala lamang kami ni Angelica kaya hindi na lang namin pinansin si mommy, ng binaba na ni mommy ay tumunog na naman ito at nag notif. Tinitigan lamang ito ni mommy, medyo nagtaka ako dahil kapag about sa business ay sinasagot niya lang ito ka agad, nang maalala ko ang ka i love youhan ni mommy ay inistorbo ko siya sa pagtytype at tumingin siya sa akin.

"Mommy?" Pag uumpisa ko. "Narinig kita kahapon and I heard you saying I love you. With whom?" Dagdag ko. Lumunok si Mommy bago magsalita.

"Ah kahapon. Hahaha madaling araw ka na pala nakauwi." Sagot niya at patuloy sa pag ngiwi. Hindi niya ako sinagot kaya kinunutan ko siya ng nuo at kumuha ako ng hotdog sa plato at nagsalita.

"With whom nga?" Pag uulit ko. Lumunok ulit si mommy at nagtataka na ako dahil panay ngiwi ito at iwas ng tingin. Tinaasan ko ang kilay ko upang alamin ang kaniyang sagot at ngumiti na ito ng buong buo.

"Si mama yung kausap ko kahapon ng madaling araw. Your lola , why?" Sagot niya sa tanong ko at ngumiti ito muli sa akin.

"Ah." Maikli kong sagot at tumango.

Tumulak na kami papuntang school at kasabay ko si Angelica kaya hindi tahimik ang aming byahe pa puntang school. 7:3o am na ako nakapasok kaya hindi pa traffic at fresh pa ang air sa school. Dumeretso ako sa room upang hanapin kung naroon na sioa Karlene. I was right nandoon na nga si Karlene pero wala pa sila Kael at Kenjie. Maaga siguro siya ngayon dahil mukhang may training rin sila. Umupo ako sa tabi niya habang abala siya sa pag eeml. Kumaway ako sa kaniya at hindi niya pa rin ako nakikita, I figured out that she might be busy playing games again kaya hindi ko na siya ginulo.

Nag picture na lang ako kasama ang stolen na mukha ni Karlene at Ni Ig story ko ito. At may tinype ako na "Rank en roll."

Nang matapos na siya sa laro ay binaling na niya ang tingin sa akin at tumawa ito.

"Di tayo nagkita kahapon lika baba tayo." Aya nito sa akin at hinila ang kamay ko.

Nasa hagdanan kami ng nakasalubong namin si Joseff at ngumiti ito sa akin. Nginitian din ito ni Karlene at halatang nag papacute pa. Landi mo!

"Ready ka na daw mamaya, yung plano daw alam mo daw sabi ni Timothy" Pagpapaalala sa akin ni Joseff at tinanguan ko lamang ito.

Dumeretso na kami sa bench upang hintayin sila Kael at salubungin sila , habang si Karlene ay kinukulit lamang ako kung ano ang plano.

"Ano nga kasi yun?" Tanong ulit nito sa akin. I rolled my eyes and I let out a huge exhale before talking.

"Haharanahin daw ako ni Timothy sa harapan ni Ishanna." Maiksi kong sagot at tumingin sa akin ng taimtim si Ishanna.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon