Back
Nakababa na ako sa eroplano pero kahit naka upo lang naman ako buong oras eh ang sakit ng likod ko.
I'm here now in the Philippines, nakakapanibago 'di ko alam na kahit pala ang tag lamig na dahil pa December eh hindi na sila pala suot ng pantalon o sweater, unlike before na kapag taglamig kahit bibili lang ng pandesal naka dobleng jacket, dinaig ang lamig sa NY at pag bisita namin minsan sa Alaska.
Para akong bata na nakatanga habang tinititigan ang bawat paligid, it's been six years simula ng huli kong stay dito, madami ng nagbago.
Nasa loob ako ngayon ng restaurant dahil susunduin daw ako nila Karlene, I'm so excited dahil makikita ko na ulit ang mga bwisit!
Naka upo ako ngayon sa sofa- like chair. Nag order na ako ng food for us, nag message sila sa akin na traffic pero hindi naman daw sila matatagalan.
Mag kakalahating oras na at mauubos ko na ang smoothie na iniinom ko pero ang tagal pa rin nila. Sinabi ko sa waiter na iserve na lang ang inorder ko kapag dumating na ang mga kasama ko o sasabihan ko na lang sila.
Pagkatapos nito ay dederetso muna ako sa bahay para iiwan ang mga gamit ko after that deretso na sa ospital.
Habang iniikot ko ang straw ng iniinom ko ay patapik tapik na lang ako sa lamesa, ang tagal naman nila at mas na una pa akong nakarating dito sa Manila kaysa sa kanila, Kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking bag at triny na kontakin si Karlene.
Nag riring ang phone nito kaya inilagay ko na sa tapat ng tainga ko. Inikot ko ang mata ko habang iniikot ko ang straw ng iniinom ko, Huminga ako ng malalim habang nag hihintay sa pag sagot ni Karlene.
Patayo na ako dahil wala pa rin sila at biglang tumama ang mata ko sa isang babaeng tumatakbo habang dali dali itong papalapit sa loob ng Restaurant.
Tinitigan ko ito ng maigi dahil may mga kasama ito.
"Bwisit kang babae ka! Ikaw na ba yan leche ka namiss kita!"
Tinitigan ko ng mariin ang babae at hindi ako makapaniwalang si Karlene ito, halos every week naman kami nag vivideo call pero iba mukha niya ngayong nasa personal na, paano pa kaya sila Kenjie na minsan ko lang makausap dahil busy sila?
"Seriously ikaw na bayan Karlene? Bakit tumangkad ka?" Pang aasar ko sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Humigop siya sa iniinom ko at pinalagay ko na sa waiter ang pagkain at malalate daw sila Kenjie, Leo at Kael dahil may binili pa daw sila para sa akin.
Wow..
Hindi pa rin nag babago ang pagiging madaldal ni Karlene at puro pa rin siya kalokohan, marami siyang chinichika sa akin kahit na every week naman kami nag cacall.
Marami akong pasalubong sa kanila pero itong si Karlene ay excited na umuwi sa bahay dahil may ipapakita daw siyang bago niyang pinagkakaabalahan, kahit ang inuwi ko dito ay ang nangyari kay Mommy, pagkatapos nito ay pupunta na ako sa ospital.
Nang ilang minuto na kami nag uusap ay biglang may pumasok na tatlong lalaki sa loob ng restaurant at biglang tumawa si Kael at ginulo ang pagkaayos ng buhok ko. Natawa ako dahil nag matured na talaga ang mukha niya kaysa kay Leo, niyakap naman ako ni Leo at inasar ko siya dahil malapait na siyang maging daddy at mag kakaroon na kami ng pamangakin.
I'm excited !
Si Kenjie naman ay bigla akong niyakap ng mahigpit ang ganoon din ako sa kaniya, umalis ako ng Pinas na hindi man lang kami nag kausap o nagkaayos ng matino, bigla na lang kaming naging okay ng dahil kay Kael.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...