Chapter 16

51 27 0
                                    

Bouquet

3 A.M na ako nakauwi ng madaling araw. Nakapatay na ang ilaw at nakasara na rin ang pintuan ng bahay pero nakabukas ang gate. Sa likod na lang ako ng bahay dumaan para makapasok na at makapag pahinga. Nang ako ay makapasok na sa aking kuwarto ay binuksan ko muna ang aking phone upang tignan kung minessage ba ako ni Mommy.

Mommy:
Tinawagan ko si Karlene, nag overnight ka daw sa kanila ngayon take care.

Karlene:
Babaita, sabi sa akin ni Joseff mag kasama kayo ni Timothy kaya sinabi ko kay tita na magkasama tayo. Landi well!

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Karlene kaya mas minabuti ko na lang na ichat siya at mag pasalamat sa kaniya.

Ako:
Sira ka! Haha salamat.

Marami pa akong unread messages at hinayaan ko na lamang ito, tinulog ko na lang ang natitira kong oras para prepared akong papasok mamaya.

POV: Kenjie

Kanina pa namin hinihintay si Emi, nakalipas na ang first subject pero wala pa rin siya. Alam ko na hindi siya aabsent dahil may training sila sa volleyball ngayon. Dapat talaga ay sinundan ko siya kahapon kung saan ba talaga siya pumunta. Hindi ko rin naman matanong si Karlene dahil excuse ang Badminton team dahil lumaban sila sa kabilang school, habang si Leo at Kael ay abala kakalaro ng ML kahit may teacher sa harapan. Magsesecond subject na at wala pa rin siya.

POV: Emily

Nagising ako dahil sa pag vibrate ng aking phone sa paanan ko. Bumangon ako at napapikit ako sa silaw ng araw na tumatama sa aking kuwarto. Naalimpungatan ako at napatayo sa hinihigaan ko tinignan ko ang wall clock at 8:30 na ng umaga. Napa punta ako sa restroom at nag toothbrush at hilamos na lang ako. Kinuha ko na ang uniform, sinuot ko ang hoodie na binigay sa akin ni mommy at gamit ko upang makaalis na ako at hindi na umabot ang late ko sa 3rd subject.

Nakita ako ni Nanay Meding at wala na si Mommy at Angelica.

"Akala ko ba naka kay Angelica ka." Tanong sa akin ni Nanay Meding habang kumukuha ako ng aking baon na pagkain.

"Later na ako mag eexplain bye." Maiksi kong sagot at nagmaneho na ng aking sasakyan patungonh school.

Hindi gaano kahaba ang traffic ngayon kaya tuloy tuloy ang usad ng sasakyan ko. Pinark ko na agad ito at kinuha ko na ang Journal upang isulat na ka agad ang aking excuse letter dahil paniguradong doon lang din ako ibabagsak ni Maam Katigba kaya ready na ako, Fighting Aja!

Maraming estudyante at teachers ang tumitingin sa akin pero hindi ko sila pinapansin, kalmado nga lang akong naglalakad para pumunta sa  room. Isang room na lang at handa na akong masermonan at ikumpara ng adviser namin. Huminga ako ng malalim at tumuloy sa paglalakad. Nang nasa harapan na ako ng aming room ay hindi ako nagkakamali lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Yung iba naka ngiwi at mukhang natatawa at yung iba ay mukhang naistorbo sa aking pagdating, naglelesson sila ngayon at mukhang maiinterupt ko sila. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan at ngumiti kay Maam.

"Good morning teachers! Good morning classmates I'm sorry I'm late may I come in?" I asked politely. Tinarayan ako ni maam pero lumapit ito sa akin.

"Ba't late?" Tanong nito sa akin.

"Personal matter." Maiksi kong sagot. Tinarayan mula ako nito at umiwas ng tingin sa akin.

"Pumunta ka na sa disciplinary Office!" Sambit nito at tumingin muli sa akin. Ba't ka naninigaw? Dederetso na ako sa disciplinary office ng biglang dumaan si Kenjie sa likod na pintuan.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon