Chapter 19

47 26 0
                                    

Ice cream?

Ilang araw na rin ang nakalipas. Minsan lang ako nakipag kita kay Timothy dahil ayoko muna siya isipin, nagpapalusot na lang ako na I'm busy working school stuffs. Naka upo ako ngayon sa bench katabi si Kael. Busy siya kakatype sa phone niya habang ako ay ngumunguya ng chewing gum habang hawak hawak ko ang lace ng bag ko.

Kanina pa kami nasa bench dahil may event mamaya sa quad. Malapit na rin ang prom kaya maraming free time sa week na ito. Nang maramdaman ko na nababagot na ako ay  lumapit ako kay Kael upang tignan ang ginagawa niya. Bigla niyang tinago ang phone niya at kumunot ako ng nuo.

"Ano yan ha?" Tanong komsa kaniya habang inaabot ang phone niya habang siya ay itinatago ito.

"'Wag kanang makulit kairita." Pagtatago niya sa phone at pero nakuha ko ito at tumayo sa harapan niya para hindi niya ito makuha. Nakatype ito na parang speech kaya binasa ko ito ng mabuti.

Hi Vaida gusto sana kitang imbitahan maging kapartner ko sa darating na prom kung okay lang naman sa'yo.

Tumawa ako pagkatapos ko itong basahin dahil masyado itong patorpe nilapitan ako ni Kael at binawi niya ang phone niya sa akin. Kinunutan pa ako ng nuo nito at mas lalo akong tumawa.

"Tanga! why are you laughing?" Tanong nito sa akin at bumalik ito sa kaniyang kinauupuan. Napaka torpe talaga nito ni Kael, pwede mo namang sabihin ng deretsahan hindi yung "kung okay lang naman sa'yo" nakakajeje duh.

"Napaka torpe mo! Kung gusto mo siya maging partner sabihin mo ng deretsahan di yung kung okay lang sa'yo. Ayusin mo!" Sambit ko sa kaniya at tumawa ito. Narealize nito na ang cringe ng way. Dapat ay deretsahan pero wag sobrang speed. Nakita namin na umakyat si Kenjie kaya kinawayan ko ito. Dinala niya siguro muna ang bag niya pataas para hindi siya mabigatan. Siguro, naalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Kenjie na may gusto siyang sabihin sa akin. Nung nakaraang araw pa niya hindi sinasabi ito sa akin kaya napapaisip na ako kung ano ang balak niyang sabihin. Tumingin ako kay Kael na nakatingin na naman sa kaniyang phone. May alam kaya si Kael tungkol sa balak sabihin ni Kenjie? Tanungin ko nga.

"Kael, may nasabi ba sa'yo si Kenjie na may balak siyang sabihin sa akin?" Tanong ko at agad itong tumingin sa akin at binitawan niya ang kaniyang phone.

"Sinabi niya na?" Tanong nito sa akin at nagtaka ako. Alam niya ba?

"Alam mo?" Tanong ko.

Agad na nag iba ang reaksiyon nito at tumingin naman muli agad sa akin.

"I mean sinabi na ba niya? About saan daw ba?" Tanong niya sa akin. At agad itong ngumiti na parang bata.

"Hindi. Di ko alam dun." Maiksi kong sagot at tumingin na lang sa kawalan.

POV: Kael

Kahit hindi ako related sa gustong sabihin ni Kenjie para kay Emily ay natatakot pa rin ako dahil ayoko masira ang friendship nila at kung masisira man ito ay kaming tatlo nila Leo, ako , Karlene ay maiipit rin sa kanilang dalawa. Ayoko pangunahan si Kenjie dahil mas maganda kung sa kaniya mang gagaling na matagal na niyang gusto si Emily. Pinili ko na lang manahimik at tingnan si Emily, nakatingin lamang ito sa kaniyang sapatos at tahimik.

Flashback.

Alam ko  na gusto ni Kenjie si Emily. Mg last year niya yata ito nasabi sa akin, hindi ko na rin ito naalala kasi hindi naman namin ito pinaguusapan lalo ma pag andyan ang iba naming kaibigan. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaalam o pati sila Leo rin.

Nakatayo kami ngayon nag hihintay ng masasakyan pa uwi dahil lasing na lasing si Emily. Nauna na sila Leo at Odette, hinatid na nila si Karlene. Akbay akbay ni Kenjie si Emily habang ako ay nag aabang ng masasakyan namin pauwi. Kailangan ko pa kausapin si Drake patungkol sa nangyari kanina kaya babalik na lang ako mamaya.
Nang mapansin ko na tahimik kaming tatlo habang si Emily ay tulog na sa braso ni Kenjie ay naisipan kong tanungin siya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon