Chapter 35

20 6 0
                                    

Titas?

"Inaantok na 'ko." Maiksi kong sambit habang tinatahak na ng sasakyan niya ang subdivision namin.

"Nandito na tayo." Sagot niya sa akin at agad ko na binanangon ang ulo ko.

Tama nga at nasa bahay na kami, kanina pa ako inaantok sa school kaya ngayong date namin ay inaantok na rin ako.

Binaling ko ang atensyon ko sa kaniya at ni yakap siya ng mariin.

" Thank you. " maiksi kong sambit at kumalas sa yakap niya.

Ngumiti siya sa akin at agad na tumawa.

"You don't need to thank me, I'm always here, I got your back." Sambit niya at ginulo ang buhok ko.

"Ipapakilala na kita sa parents ko. When you're ready na, I'm not rushing you." Pag papaalala niya sa akin at agad na bumilis ang tibok ng puso ko, although hindi niya naman ako minamadali pero iba yung feel pag yung tao eh ipapakilala ka na sa family niya.

Will they like me?

I hope so..

******

"Marami pa akong tinatapos." Bungad ko kay Karlene habang inaasikaso ko ang last requirements para sa Grading na ito binaba ko na rin nag tawag upang makapag focus sa tinatapos ko. Last grading na lang ay nag sesenior na kami.

Umupo ako ng maayos sa kama habang kinakabisado ang exam namin para bukas, hindi kami masyado nag uusap ni Timothy dahil busy rin siya sa sobrang daming Practices kasabay ng pag pasa ng requirements.

Onti na lang makakaalis kana sa grade 10 at sa wakas panibagong ka stressan na naman. At least pa onti onti ko na natatapos ang dapat kong gahawin, hindi katulad ng dati na hinihintay ko na lang matapos ang araw na wala man lang ginagawa.

Inayos ko ang mga gamit ko para maka ayos na at makaderetso na sa school, 1 week kaming free day at sa loob ng iyon ay puro pasahan lang ng requirements ang gagawin. Nag palit na rin ako ng damit para maka deretso na kami sa school.

Malapit na mag start ang last quarter at sa wakas ay senior na kami. Gusto ko sana kumuha ng business ad or di kaya ay law naguguluhan pa ako sa ngayon pero hindi naman siguro ako minamadali ng panahon kaya mag hihintay na lang ako kung ano ba talaga ang mapupusuan ko.

Sumalubong sa akin si mommy na seryosong nag hahalo ng kaniyang kape. Hindi ko na lang pinansin ito dahil ano naman ngayon kung seryoso siya. Umupo ako sa tabi niya at nag sandok ng ulam upang makapag umpisa ng kumain. Dadakot na sana ako ng kanin ng biglang mag salita si mommy at itinigil ko ang pag sasandok ko.

"May boyfriend kana?" Tanong sa akin ni mommy at napa kurap ako. Bigla akong napatigil sa pag sasandok at agad na tumingin kay mommy.

Sasabihin ko na ba? Magagalit kaya siya?

Kung hindi ko man sabihin ang totoo at nalaman pa rin ni mommy ay mas lalong magagalit iyon sa akin kasi hindi ako naging honest, kapag naman sinabi ko naman ngayon agad agad wala akong assurance kung magagalit ba siya o hindi.

Mag isip ka ng mabilis Emi.

Huminga ako ng malalim at tinitigan si Mommy kaming dalawa lang ngayon sa dinning area, halata naman na sinadya niya ito dahil mas prefer niya na sabay sabay kaming lahat.

Sabihin ko na lang ang totoo, nang sa ganon kung magagalit man siya at least naging totoo ako.

Hindi ko alam kung pa paano ko sasabihin sa kaniya kaya tumango na lang ako at tumingin sa sahig. I don't do it for intention pero natetense ako sa possibleng mang yari kapag alam na niya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon