Chapter 15

55 30 1
                                    

Pretend

Nakasandal pa rin ako sa pader at nakapatong ang magkabilaan kong siko  sa aking dalawang tuhod patuloy lamang ako sa paghikbi. Tumingala ako upang tignan kung umuulan pa, patuloy ang pag aagos ng ulan. Umiyak lamang ako ng umiyak mabuti na lang at walang nakakakita sa akin dito kasi madilim at tago ang lugar na ito.

Bakit parang wala lang sakanya manakit? Bakit okay lang sakanya makita na nasasaktan yung tao sa kagagawan niya? Porket ba gusto kita eh hahayaan mo na lang na lokohin ako?

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa mga tanong na nabubuo sa utak ko. I just wanted to cry, patuloy lamang ako sa paghikbi ng natakpan ng araw ng isang anino sa harapan ko. Tiningalaan ko kung sino iyon, si Timothy habang may hawak hawak siyang payong. Nakatingin lamang ako sa kanya na punong puno ng galit at tanong. Siguro kung nakakamatay ang titig kanina pa siya duguan dito.

Kapal talaga kahit kailan.

"Stand up Aiyanna." Sambit niya sa akin, hindi ko siya pinansin dahil naiirita ako at ayoko siyang makita. He keep on murmuring some words na akala niya hindi ko siya naririnig. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong nakasandal sa pader. Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ko habang ako ay pinapabayaan siya. Nang maramdaman ko na nangangawit na ang binti ko ay tumayo na ako upang harapin siya.

"What do you want?!" Sambit ko habang nagpupumigil ang aking galit. Tinitigan niya lamang ako at naglabas siya ng malaking buntong hininga. Nakatingin lamang siya sa akin at ako naman ay nagtataka.

"I said what do you want? Hindi mo ba naiintindihan iyon? At ang kapal ng mukha mo na gamitin ako! Kung kating kati kang gumawa ng paraan para bumalik si Ishanna wag ako ang paglaruan mo!" Sambit ko ng aakma ng aalis.

"I need you." Maiksi niyang sambit kaya napatalikod ako. Ang rupok mo Emily!

Bumalik ako at tumingin sa kanya, hindi ko alam kung makakaramdam ako ng lungkot o pangamba, gulong gulo na ako. Pero sigurado ako ay mahal ko pa rin siya.

Kainis talaga.

Gaga talaga sabi ni Karlene.

"Kailangan nating mag kunwariang nililigawan kita para mapabalik sa akin si Ishanna." Sambit niya at ikininunot ng aking nuo. Ano bang trip mo?

Ang kapal mo naman. Mukha ba kong laruan?

"Nasa wisyo ka pa ba? At manloloko kapa ng ibang tao para lang mapabalik siya! At bakit ako ha?! Nag iisip ka ba?" Tanong ko dahil iritable na ako at onti na lang ay bubuhos na ang luha ko sa sobrang bigat at sakit.

"Kasi gusto mo ako diba? Tsaka yung necklace, nasa sa'yo. Kaya please magkunwarian lang naman tayo. Mahal na mahal ko talaga si Ishanna pinapangako ko nandito pa rin ako pag kailangan mo ako." Napangiwi ako sa sinabi niya at nag alinlangan.

Ganon niya na ba talaga ka mahal si Ishanna at kaya niyang lokohin yung mga taong nasa paligid niya? Lumunok ako upang ipakita na okay lang sa akin ang nangyayari.

Pero paano kung pwede naman pala subukan?

Diba? At least naramdaman ko.

Kahit kunwarian lang..

Baka sakali. Ewan bahala na.

"Sige papayag na ako." Maiksi kong sambit pero puno ng pag aalala at takot. Baka sakali, baka sakaling sa kalagitnaan ng pagkukunwari namin ay mahulog din ang loob niya sa akin. Nagbabaka sakali na lang.

Baka?

Ngumiti siya sa akin, napawi ang kanyang lungkot ng ngiti. A faked smile formed in my lips. Nagulat ako ng bigla na lang niya ako Niyakap. Hindi ko alam kung dapat ba ako kiligin o malungkot kasi yung dahilan ng pagyakap na iyon ay maaari na niyang makuha muli si Ishanna.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon