Almost
Ilang araw na ang nakakalilipas pagkatapos ng pag punta namin ni Timothy sa amusement park. Sobrang dami ring tinapos na school works at preparation sa na papalapit na prom. Nasa bahay ako ngayon at tinitignan ang gagamitin kong gowm sa prom. Ok naman ang kulay nito, hindi sobrang dark at matingkad.
Pinili ko ang creme na medyo may pag kapink na off shoulder. Marami ring pinili si mommy pero mas maganda ito. Sinukat ko na ito kanina, saktong sakto lang sa akin at parang ginawa na parang sa akin talaga. Although sa akin naman talaga. Umalis sila mommy kaya ako lang ang naiwan dito sa bahay. Weekend din kaya hindi na lang ako sumama sa pamamasyal nila dahil mas gusto ko magpahinga. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga sa kama at tinapos ang powerpoint na ipapasa ko pa bukas.
Kapartner ko rito si Karlene at Kenjie kaya ako na ang tumapos dahil mukhang busy si Karlene, samantala si Kenjie naman ay hindi pa rin kami nagpapansinan katulad noong dati. Nakaka ilang slides pa lang ako kaya mas minabuti ko na tapusin ko na lang ito para makapag pahinga na mamaya.
Natapos na ako ng alas dose ng hapon kaya, mas minabuti ko na magprepare ng lunch ko dahil mukhang busy si nanay Meding kaya ako na lang ang gagawa. Tinatamad ako gumalaw kaya oatmeal na lang ang tinimpla ko at nagbago rin ang isip ko. Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa kuwarto upang mag movie marathon.
Nanuod ako ng She's dating the gangster, ng KathNiel. Kahit paulit ulit kong panuorin ito ay hindi pa rin ako nagsasawa, fan din naman ako ng KathNiel pero mas idol ko talaga ang tambalang LoiNie, na sila Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Natapos ko na ang movie pero kilig na kilig pa rin ako sa kanila ni Kathryn, kahit alam mo na sa movie o teleserye ka na lang kinikilig pero umaasa ka pa rin na may darating na katulad nila. Patuloy lamang ako sa pag iimagination hanggang sa matauhan ako dahil sa ringtone na bumungad sa phone ko.
"Ano? " iritable kong bungad kay Kael
Mangungulit na naman, siya ano pa bang bago?
"Pumayag na siya!" Kael
"Sino?" Ako
Nangalumbaba ako.
"Si Vaida! Magiging date ko na siya!!" Sambit sa akin ni Kael at agad kong nilayo ang telepono ko sa aking tenga dahil parang mababasag ang eardrums ko.
"Edi ikaw na! Sana all sa inyo. Saksakin niyo na lang ako!" Sambit ko at binaba kagad ang telepono dahil mangaasar na naman siya.
Hindi ko na ito pinansin dahil alam ko na nangiingit lang ito sa akin. Ano naman kung hindi ako niyaya ni Timothy na maging date eh sure ball naman na si Ishanna ang ipapartner nun bukod sa akin! Nangalumbaba na lamang ako sa lamesa at nilagay ang phone ko sa gilid ng upuan ko. Iniisip ko na ang boring naman kasi wala akong partner sa prom. Siguro kung okay kami ngayon ni Kenjie, eh matagal niya na ako niyaya maging partner. Kaso hindi.
Lunes na at ilang araw na lang ay prom na. Nasa room na ako ngayon at hinihintay sila Karlene. Inagahan ko ng 30 minutes para hindi na ako masuspend. Nag scroll na lamang ako sa account ko sa FB habang hinihintay si Karlene. Natigilan din ang pag scoscroll ko ng may nagpatong ng libro sa upuan arm chair ko.
"Hayop ba't binaba mo yung call?" Bungad sa akin ni Kael at tumawa ako.
"Tanga, ang hilig niyo mang inggit!" Sambit ko at nag scroll na lang at hindi siya pinansin.
"Luh? Sino ba nag reject?" Sambit niya sabay tinarayan ko siya at tumalikod sa kaniya.
Ramdam ko na ng aasar na naman siya sa likod ko. "Ay nadulas." Pang aasar niya. "Nadulas si Kenjie sa'yo kaso 'di mo pa sinalo." Dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...