Chapter 24

41 21 1
                                    

Gown

Nakatulala ako ngayon sa kuwarto ko at patuloy sa pag agos ang luha ko na parang wala ng katapusan. Nginudngod ko ang mukha ko sa aking unan at patuloy sa pag iyak ayokong pumikit dahil bumabalik sa akin yung nakita ko sa mall kanina.

Tangina dapat nakinig ako kila Kael. Ang bobo ko! Hindi na ko natututo. Ang sakit sakit na.

Flashback:

Abala kami ni Karlene sa paghahanap ng magandang milktea shop dahil na cracrave daw siya sa inumin at sa sago ng milktea ngayon. Wala naman akong choice kundi sumama dahil ayoko pa umuwi ng bahay. Ikot lang kami ng ikot pero ang ending binagsak lang kami ng paa namin sa milktea shop na ito. Hindi masyado matao kaya mas maganda rin ang ambiance dito. Papasok na sana kami ng tumama ang mata ko sa pamilyar na likod ng lalaki at ng babae. Tinitigan ko muna ito ng mariin dahil abala rin si Karlene na hanapin ang coupon niya upang makakuha ng discount sa milkteahan na ito. It was Ishanna and Timothy. Nagulantang ako sa nakita ko at parang may kumirot sa puso ko na kanina pa sa pagbilis ng pintig nito. Mukhang nagsasalita si Ishanna dahil panay din ang ngiti nito. Tinitigan ko lamang sila na parang may pinag uusapan na importante talaga.

Humarap ako kay Karlene ng magsalita siya ng wait lang  dahil nawawala daw ang pocket niya na naglalaman ng maraming coupons niya. Pagkaharap ko kayla Ishanna ay tumambad sa akin ang kamay nilang magkahawak. Parang nangatog ang tuhod ko ng nakitang nakangiti si Timothy kay Ishanna. Hindi ko alam kung dapat pa akong tumayo dito ng matagal dahil natatakot ako sa susunod na mangyayari at gagawin nila. Kumurap ako ng aking mata at may tumulong luha sa kaliwang mata ko at hinila na si Karlene papalabas ng milktea shop.

Oo nga pala, may sila bago ako dumating.

Ano bang laban ko?

End of flashback

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa sarili ko dahil nagkabalikan na sila at dahil nagawa ko ang misyon ko bilang tulay nila o dapat akong malungkot kasi nagpaniwala na naman ako sa mga sinabi niya. Bobo akong tao at lalo na pagdating sa acads pero kaya kong ibangon yung natitirang oras para pumasa ako, pero ba't hindi ko maibangon ang sarili ko sa pagkakalunod sa sarili kong katangahan. Kanina pa ako nakauwi pero ngayon lang ako natauhan na mukhang niloloko lang ako ni Timothy at ginamit niya lang ako uli para mapabalik si Ishanna.

Hindi na mali ni Timothy iyon at katangahan ko na ang pinaiiral ko ngayon. Hindi tama na pinagtatanggol ko ang sarili niya para sa kaligayahan niya pero tama nga't ako ang may mali. Ang tanga ko na naman para mag paniwala sa kaniya na akala ko ay totoo na gusto niya talaga ako. Hindi ko na sinabi kayla Karlene kung ano ang nangyari, hindi ko na kailangna isama sila sa katangahan ko dahil ako naman ang may gawa nito.

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo ng maayos. Tinitigan ko ang phone ko at bumungad sa akin ang wallpaper na picture namin ni Timothy. Tumulo muli ang luha ko, may bago na siyang mamahalin bumalik na rin si Ishanna sa kaniya. Natapos na ang pagkukunwarian niya at hindi na ako pa papel pa. Tinabi ko ang phone ko at humiga na ng maayos. Humarap ako sa kanan at yakap yakap ang sarili kong katawan. Iniyak ko na nang iniyak at para akong bata na nawawala.

Akala ko totoo na lahat ng pinapakita niya. He broke many chances that I gave to him. He must regret wasting all of it. Nagsisisi rin ako at bakit pa ako nag pagamit sa kaniya. I know that it is not easy to accept what Timothy done.  Wala naman na akong magagawa, ayoko ng maghintay at magpagamit sa wala.

POV: Timothy

Kahapon ko pa tinatawagan si Emily pero hindi ito sumasagot. Nakauwi na ako at nakakain ng hapunan pero wala pa rin siyang  paramdam. Naging maayos naman ang usapan namin kanina kaya wala naman dapat akong  ikabahala. Umupo ako sa sofa ng aking kuwarto, tinitigan ko ang necklace na ibibigay ko kay Emily sa prom, balak ko itong ibigay sa kaniya. Papalipatan ko ang nabigay kong necklace na dapat kay Ishanna. Especial iyon kaya sa prom ko ibibigay.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon