Yes or a No?
Late na ako na gising dahil sa kakaisip kung magugustuhan ba ako ng mommy niya. Kasabay pa non ay ang pag rereview para sa exam. Umupo ako ng maayos at inihilig ang paa ko sa sofa, hindi naman ako malalate dahil mamayang 9 pa naman ang pasok kaya nirerecall ko muna lahat ng inaral ko kagabi.
Inoff ko muna ang phone ko para iwas distraction, tinignan ko naman kanina kung may messages ba for school mayroon naman akonh na receive na before 9 ay dapat nasa room na kami.
Tatlong araw ang exam kaya tatlong araw din ang puspusan. Nagkakabisado ako habang si mommy ay busy sa kausap niya sa phone, napapansin ko lately ay may kausap siya sa phone. Hindi naman siguro ito related sa business dahil wala naman sigurong client na umaabot ng alas kwatro ng madaling araw.
Tumayo na ako ng 8:15 na ng umaga at sinabihan si Kuya Jel na ihatid na kami ni Angelica sa school, hindi daw mag wowork si mommy ngayon pero may lakad daw siya. Weird?
Nakarating na kami sa school at dumeretso na ako sa room. Mukhang traffic kaya mahihirapan akong magpalusot.
Dumaan na ako ka agad sa room at inilapag ang bag ko sa aking upuan, mabuti na lang at walang pang teacher kaya nag madali na akong umupo sa aking upuan.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na nirecall lahat ng pinag aralan ko kagabi, dinisregard ko muna lahat ng iniisip ko kahapon ng gabi at ang ingay ng mga kaklase ko.
Nagsimula na ang klase at inutusan na kami ng proctor namin na ilagay ang aming bag sa likod, nag simula na ang exam at nagsagot na kaming lahat.
***
Natapos na ang buong week ng examination at Friday na ng uwian. Lumabas na kami ni Karlene sa classroom at tumungong canteen. Ngayong araw na makikilala ni Timothy si Mommy, kinakabahan pa rin ako pero mas kinabahan ako para bukas dahil ako naman ang I papakilala niya.
Sinabihan ako ni Timothy na mag hintay na lang ako sa canteen dahil may practice pa sila. Balak niya sanang hindi na muna sumama sa kanilang practice pero sinabihan ko siya na sumama na siya.
Kasama ko ngayon si Karlene sa canteen habang abala siya sa kaka ayos ng bag niya. Hindi ko na lamang siya inistorbo at umupo na lang ng tahimik aa sa tabi niya.
Kanina pa umuwi sila Kenjie may papanoodin daw silang sineng tatlo, ayaw naman sumama ni Karlene dahil masakit daw ang paa nito.
Kung Kanina lang ay inaayos ni Karlene ang bag niya pero ngayon ay inilabas na niya lahat ng laman nito. Kinunutan ko siya ng nuo at tumayo na ito. Tinignan ko ang reaksyon ng muka niya at seryoso ito kaya tumayo ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya.
"Kanina ka pa sa room, ano ba hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya at patuloy lamang siya sa pag hahanap.
"Yung wallet ko, kanina nasa room tayo nasa bag ko pa yun pero after exam wala na. Impossible naman na na misplace ko iyon e sigurado ako na nailagay ko iyon sa bag ko." Paliwanag niya at tumango ako.
Tinulungan ko siya sa pag hahanap. Hindi ko rin napansin kanina ang wallet niya, siguro nga ay nawawala na ito. Hindi ko rin napansin na nag kukulit si Karlene kaya impossible na ma misplace niya ito dahil asa isang sulok lang naman siya kanina.
"Hindi ko na talaga mahanap, andoon pa naman yung pera para sa gamot ni lola." Pag papaliwanag niya sa akin.
Tinitigan ko siya ng seryoso dahilan para mas hanapin namin ito ng mabuti. Nag ikot ikot kami sa buonh building pero hindi pa rin namin makita yung wallet niya.
"Kanina pa tayo hanap ng hanap eh. Sure kaba na dala mo 'yon kanina?" Tanong ko.
Tumango siya, "Tanga naman Oo dala ko yun kanina, tandang tanda ko pa na hawak ko yun papasok sa room."
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...