Simula
Kasaluyan ko pa ring tinititigan ang aking kubyertos at walang bawas na pagkain na naka handa sa aming hapag kainin, Tila niyuyugyog ako ng marahan ng aking sarili dala na din sa aking pag kaka lasing. Damn nag yaya pa kasi si Karlene ng inuman kanina. Ramdam ko ang titig sa akin ni mommy na aking sinawalang bahala. Halos araw araw ay wala namang bago sa aking routine. Everyday set up ika nga nila.
"My Goodness Emi! " napatitig ako kay mommy ng sinambit nya ang aking pangalan. Tinitigan ko lamang siya ng malamig. "Sa tuwing pupunta na lang ba ako sa school mo eh gantong grado nalang ba ang sasalubungin mo sa akin, my goodness ang hirap hirap mag trabaho tapos ganito?! Dati hindi naman gantong grado na nakukuha mo ah. How come na lagi kang busy sa kwarto mo tapos puro line of seven mga grades mo!" Sambit ng aking ina na tinitigan ko na lamang.
I shrugged.
What the hell. Inaamin ko na nawawalan nako ng gana mag aral, nawawalan nako ibuild up yung dating pinag hirapan kong pangarap. Pero paano ko mababalik yung sarili ko kung yung kasama ko bumuo ng pangarap eh nawala na? I know that it sounds dramatic. Pero ang sakit lang kasi ng dahil kay mommy nag laho lahat. Nag laho lahat ng pangarap ko.
"Ano Emi mag tititigan na lang ba tayo dito? Madami pa akong gagawing trabaho. May mga pipirmaan pako. Answer me, aayusin mo ba grades mo o itratransfer kita sa ibang school at i cucut off ko ang allowance mo ?" She added at tinawanan ko ang kanyang suhestiyon. Ewan ko sa sarili ko kung bakit ako natawa sa kanya dala na rin sa ibat ibang ekspresyon dahil sa pag kalasing ko.
"Paano kung hindi ko aayusin grades ko pero hindi ako lilipat huh." Sagot ko sa aking ina na ikina nuot naman ng kanyang nuo. "Ikaw pa rin naman ang mahihirapan dito ma, besides hindi mo ako matitiis. " Nginitian ko si mommy at uminom ng aking orange juice.
"What the hell are you talking nagiging bastos kana kausap Emily, Kakasama mo ba yan sa mga barkada mo ha?!I'm your mother kaya ako ang magdedesisyon kasi anak lang kita" sabi ng aking ina na agad niyang binitawan ang kanyang kubyertos.
Ramdam ko ang pagbagsak at pagyugyog ng mga kubyertos sa lamesa sa pagkakagalit sa akin ni Mommy. I guess she's not use to it..
Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag na magsalita ng kahit ano na hindi maganda. Pero I refuse.. Tumama na ang alak sa sistema ko kaya hindi ko na alam ang susunod kong mga masasabi
"Huh really? Oo nga you're just my Mom, nanay lang kita. Di mo na kailangan ipaalala sa akin na nanay lang naman kita. Kase ramdam naman ko naman, kasi lang naman diba kulang na kulang ka nga eh kasi puro ka trabaho na kakalimutan mo na anak mo ako, di mo ako alila. At tsaka about my friends mas masaya sila kasama mommy. Kasi dito sa bahay puro sermon na lang wala namang bago. Alam mo mommy mas ramdam ko pa na pamilya ko yung mga kaibigan ko kaysa sa inyo. Di naman ako mag kakaganto kung hindi nawala si daddy. " tumayo ako sa aming lamesa at kinuha ang aking bag lumayo na rin ako sa kanya dahil sa bigat ng aking ulo. Dang! huling inom ko na to kapag may kuhaan ng card.
Silence envelope us..
Hindi sumagot si mommy sa aking sinabi at biglang nag ring ang phone ni mommy. She answered the call. Kitang kita ko sa mata ni mommy na napapagod na siya sa pinapakita kong asal lately. Hindi naman talaga ako ganito dati. Ganoon talaga lahat ng bagay kailangan man o hindi, nag babago. Accept the fact that nothing stays, kahit ang mga pangako, sa ending nagiging sorry na lang.
Umakyat na lang ako sa aking kuwarto at umiyak ng umiyak. Nakakapagod na. Pagod sa pisikal at emosyonal. Nakakapagod na gigising ka sa umaga na haharapin ulit yung mga problema. Nakakapagod ipakita na okay ka lang pero hindi mo na talaga kaya. Tinanggal ko ang aking school shoes. Masakit ang aking mga braso dala na siguro sa training sa volleyball. Nag vovolleyball na ako since grade 3 ako mga 9 years old ata ako nun. Tinuruan ako ni daddy. Hanggang sa pinanlalaban na ako sa ibat ibang school. Kung ako ang papipiliin mas pipiliin ko mag volleyball. Hindi dahil tamad ako mag aral kundi dahil kay daddy siya ang inspiration ko dito kaya nag papatuloy pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...