Chapter 10

72 40 0
                                    

Happiness

Late na ako naka uwi ng bahay dahil na rin sa traffic sinabihan ko na si mommy na hindi na ako mag didinner dahil busog na at pagod na rin ako, sasamahan ko na lang sila mag almusal para pambawi ko sa kanila. Inopen ko ang aking phone at nireplyan na si Timothy.

Ako:
Kornie pero sigi. I'm home good nyt sleep well

Nag scroll muna ako sa FB at nakita ko ang myday ni Kenjie. Picture ko ito habang nag seselpon. Hindi naman pangit ito dahil kita ang kalahati kong mukha at kitang kita ang matangos kong ilong maganda rin ang shot kaya hineart ko ito. Ang isa niyang myday ay ang mag katabi kami sa UV habang tumatawa kaming dalawa. Maayos din ang shot na ito siguro ay si Kael o si Karlene ang nag pic nito. Hineart ko na ito at nag simula ng kumuha ng cartolina at pentelpen sa cabinet. Kumuha na rin ako ng  bond paper. Sinulatan ko ito ng. "Go Delos Santos number 26!" Iyan ang isinulat ko sa lahat ng bond paper habang sa cartolina naman ay. "Hoy Kenjie galingan mo! #roadtoMVP, #Gonumber26". Itinago ko na ito sa aking bag at nireplyan ko na rin si Kael at Karlene na nag thathank you sa libre at regalo. Natulog na ako dahil sa sobrang pagod at antok.

Alas sais ng umaga at nag handa na ako. Nag suot ako ng high waisted jeans na may punit sa tuhod at maroon halter neck na knitted na shirt tinack in ko ito at naka blazer. Dumeretso na ako sa dinning room at naka handa na ang pagkain, pumunta muna ako sa kusina para mag mano kay nanay Meding. Kumuha ako ng gatas at umupo nasa lamesa. Busy si mommy sa kanyang Ipad habang si Angelica ay kumakain ng pancake.

"What's that?" I asked my Mom.

"Nag hahanap ng damit mo for the upcoming prom." Sambit niya at tumingin sa kanyang Ipad.

"Naka hanap ako ng off shoulder, so it can highlight your collarbone. Ok na ba yung off shoulder?" She asked. Maganda ang suggestion ni mommy, napaisip muna ako bago sumagot.

"Sure just show it to me first what does it look likes." I said.

"Ano kulay anak gusto mo?" She asked me again.

"Basta yung babagay sa skin tone ko." Sambit ko dahil maganda ang kulay ng damit na babagay sa mala porcelana kong kutis. "Like black, Gray, or maybe dirty pink. Basta makikita yung pagkaputi ko." I said and my mom agree to it. Sumakay na ako sa kotse at nag phone muna. Nag message ako kay Kenjie upang mag goodluck sa kanya.

Ako:
Pstt, Goodluckkkk sa basketball player ko! Kakain tayo mamaya ah focus ka sa laro!

Dumaan muna ako sa pinakamalapit na 24 hours na store sa school. Binilhan ko si Kenjie ng 2 gatorade para sa laro niya mamaya. Bumili rin ako ng chips para kakain kami mamaya nila Kael at Karlene sa Gym. Nasa school na ako at dumeretso na ako sa classroom naroon na sila Kael at Karlene. Umupo ako at binigay sa kanila ang chips.

"Salamat." Sambit ni Kael. Tahimik lamang si Karlene habang naka tingin sa bintana. Tinitigan ko si Kael upang alamin kung ano ang nangyari.

"What happen?" Hinawakan ko ang kamay ni Karlene. Ako na ang lumapit kay Karlene dahil ayaw sagutin ni Kael sa akin. Nakita ko na may pasa sa pulsuhan si Karlene kaya mas lalo akong nag alala.

"Hey can you please answer me! Ninenerbyos ako sa inyo!" Pasigaw kong sagot sa kanila at tumingin sa akin ka agad si Kael.

"Pinalayas siya ng papa niya. Sinaktan din siya, bumababa na raw grades ni Karlene tapos lasing din yung papa niya kagabi." Sagot ni Kael sa akin at mas nag alala ako. Alam ko na madalas saktan si Karlene dahil laging nag lalasing ang kanyang papa. Yung mama niya naman ay minsan lang umuwi sa kanila kaya madalas namin kasama si Karlene dahil sa amin lang siya open at nakikita namin na sa amin siya masaya. Niyakap ako ni Karlene at naiyak ako doon.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon