Chapter 26

41 17 0
                                    

Bestfriend

POV: Kenjie

Thumbs up na lamang ako at tumawa upang ipakita na okay lang sa akin ang pangyayari. Lumunok ako ng bahagya at tumalikod upang pumunta sa CR. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa nakita ko. Mukhang okay na sila at wala ng dahilan para umasa pa ako, katulad ng sinabi ko kakalimutan ko na yung nararamdamam ko sa kaniya, walang kasalanan si Emily sa nararamdaman ko.

Lumabas na ako ng CR at dumeretso na sa venue, umupo ako sa kinauupuan namin kanina at kumain na lamang ako. Sila Odette at Leo ay panay tampuhan pa rin ang pinaguusapan, kahit na bulong bulong lang ay naririnig ko na nag tataasan sila ng boses. Habang si Karlene naman ay hindi ko na alam kung saan nag punta, si Kael naman ay nasa table na nila Vaida. Ako na lang yata ang naliligaw saming magtrotropa.

POV: Emily

Natapos na ang slow dance at bumalik na ako sa kinauupuan ko. Sobrang saya ko at totoo nga na pagmalungkot ka kahapon ay mas malaki ang pambawing saya para bukas. Umupo na rin si Timothy pero agad din siyang pumunta sa back stage dahil siguro ay kakanta sila. Tinitigan ko pa rin ang binigay sa akin ni Timothy na necklace, tinitigan ko muna ito at isa itong araw. Hindi ko natanong sa kaniya kanina kung ano ang ibig sabihin nito. He really loves me and that's all I wanted to feel and hear.

Tama nga ako at mukhang kakanta sila Timothy. Tumayo sila sa harapan, I gazed at him and our eyes met, he's the right amount of everything. Humarap ako at itinigil ko muna ang pagkain ko. Nagsimula ng mag strum at mag play ng instruments ang banda nila at nakinig na ako at handa ng tumulala sa kanila.

"There are times when I just want to look at your face, with the stars in the night. There are times when I just want to feel your embrace, in cold of the night."

Tumigil ang ikot ng mundo nang binigkas niya ang lyrics ng kantang iyon. Tila ba parang nilamig ang buong katawan ko at parang siya lang ang nakikita ko. Kahit na maraming beses ko na siya narinig kumanta ay parang bagong boses ito at napaka lamig. Tumindig ang balahibo ko nang tumama ang mata niya at nginitian ako.

"I just can't believe that you are mine now." Nakatingin lamang ako sa kaniya at bigla itong humahakbang papalapit sa kinauupuan ko, maraming estudyante at gurong tumitingin at kinikilig sa nangyayari, lumunok ako ng bahagya, I took a deep breathe before I imagine things that will happen next.

Tama ako at lumapit siya papalapit sa akin. Pansin ko na ganoon din ang ibang miyembro ng banda ang ginawa nila. Lumapit si Joseff kung saan si Karlene, kilig na kilig si gaga dahil kanina pa siya nasa sulok hinaharot si Joseff, si Sid at kinuha si Gella bagong crush niya daw naka move on naman daw siya dito ka agad, si Drake kay Freya na yung matalino na campus crush na yata at nililigawan niya, si Jake ay nilapitan naman ang long term gf niya na ngayon ko lang nalaman na si Jea.

Nilahad ni Timothy ang kamay niya sa akin at hinawakan ko at tumayo ako. Kusang nagplay na lang ang kanta at sayaw sayaw ako ni Timothy sa gitna ganoon na rin ang mga partner ng bandang Gray. Ang posisyon namin ni Timothy ay katulad ng nasa slow dance kami, tinitigan ko si Karlene at panay ngisi ito kay Joseff.

"You were just a dream that that I once knew, I never thought I would be right for you."

Tinitigan ko si Timothy na parang siya lang ang nakikita ko. Ngumiti siya sa akin at nagsalita nakinig lamang ako sa kaniya.

"I'm still courting you." Pag papaalala niya. Tumawa ako at nginitian siya. Hindi mo lang alam Timothy na kanina pa kita gusto pansinin pero kailangan ko mag pakipot hehe.

"Alam ko mahal." Paglambing ko sa kaniya. Tumawa lamang siya at hindi ko siya inimikan. Nakinig lamang ako sa pag play ng kanta habang siya ay patuloy pa rin sa pagtitig sa akin.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon