Chapter 47

19 4 0
                                    

Comeback

Kasama ko sa loob ng kotse si Kenjie, hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya at walang imik. Malapit na kami sa reception kaya tahimik na lang din ako aat 'di umiimiik.

Nang makarating na kami sa venue ay lumabas na ako at hinihintay na maka baba si Kenjie, nang makababa na siya ay nakatingin siya sa akin at 'di naka ngiti.

"Thank you sa pag hatid." Sambit ko at na una ng maglakad, hindi ko na siya hinintay dahil baka may iniisp siya personally kaya 'di ko muna siya kukulitin dahil baka pagod siya. Papasok na ako ng venue ng biglang may humila ng kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Huwag kang humiwalay sa akin, dito ka lang muna sa tabi ko." Sambit ni Kenjie at agad akong kumunut ng nuo.

Anong mayroon? Tumingala ako sa kaniya at ngumiti, nag tataka ako sa kinikilos niya dahil kakaiba siya ngayong araw.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko at tumango na lang siya.

Humawak ako sa ilalim ng braso niya at pumasok na kami sa loob ng venue.

Nang maka dating na kami sa loob ng venue ay agad akong pumunta muna kay Mommy para ipakita sa kaniya na nakarating kami ng maayos, nang makarating na kami ay dumeretso na rin kami sa table naming magkakaibigan. Nakarating na ka agad sila Karlene at abala na sa pag pi- picture katabi si Kael. Nang maka upo na ako ay tahimik pa rin si Kenjie kaya 'di ko muna siya dinistorbo.

Ilang minuto na rin ang lumipas at kainan na, tumayo ako para kumuha na ng pagkain kasama si Karlene pero hinawakan ni Kenjie ang kamay ko kaya pinauna ko na sila Karlene na mauna na sila kumuha ng sa kanila at susunod na lang ako.

"Bakit? Ayos ka lang ba?" Humarap ako at Pag tatanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tumayo na rin.

"Sabay na tayo kuha." Sambit niya at kumuha na kami ng pagkain.

POV: Kenjie

Kasalukuyan kong kasama si Emi ngayon at kumukuha ng pagkain niya, weird man pero mas inuna niya pa kumuha ng dessert kaysa sa magpapabusog sa kaniya. Pansin ko na kanina pa siya nakakahalata na tahimik ako, hindi ko rin naman masisisi sarili ko dahil ito na lang nakikita kong paraas para protektahan siya sa ikakasasakit niya.

Andito si Timothy kaya may dahilan kung bakit ako dikit ng didikit sa kaniya.

It's been six years pero alam ko na hindi pa siya okay, kaya gagawa ako ng paraan para malayo siya sa ikakasasakit niya.

Pero alam ko na masasaktan din ako, lalo na kung malalaman ko na gusto niya pa rin si Timothy.

Nakabalik na kami ngayon sa pwesto namin at sinusubukan kong tignan ang paligid kung pati sa reception ay nandito siya, hindi niya naman nabanggit kung kasama niya si Ishanna o hindi kaya mas mabuti ng tumahimik na lang sa tabi ni Emi.

"Ba't ba matatamis inuna mo? eh kaninang umaga pa huli mong kain" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya siya.

Inangat niya ang balikat niya at ngumiti sa akin. "Kung gusto mo na ulit kumain mamaya samahan kita para 'di ka maligaw." Pag dadahilan ko sa kaniya at tumawa siya ng mariin at nag takip ng bibig.

"Ano kaba? Sa harap lang ng table natin maliligaw hahaha parang sira!" Tugon niya sa akin at ginulo ko na lang ang buhok niya.

Habang kain siya ng kain ng mga dessert niya ay patapos na ako sa akin, nang matapos na ako ay tinitigan ko na lang siya at kinukuhanan siya ng litrato at mga video,

Napaka perpekto niya sa paningin ko, bawat anggulo saktong sakto sa pagkatao niya, bawat ngiti nahahawa rin ako, bawat iyak naapektuhan din ako. Ang hirap magmahal na ikaw lang talaga yung may gusto, lagi akong nag dududa sa pinapakita niya, laging nalilito kung hanggang saan lang ako sa kaniya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon