I won't give up
6 p.m na ako naka uwi ng aming bahay. Pinark ko na ang aking sasakyan at bumaba na. Wala ang kotse ni mommy dito, naka dim din ang lights ng bahay, siguro di pa siya nakakauwi salamat makakatambay pa ko ng matagal sa kusina pumasok na ako ng bahay at natagpuan ko si Angelica na naka upo sa sahig at gumagawa ng assignment. Nginitian niya ako at tinanguan ko siya dumeretso ako sa kusina at hinanap si nanay Meding.
"Nay, asan si mommy? Sambit ko at halik sa pisngi ni nanay Meding. Habang siya ay nag aayos ng mga pinggan.
"Umalis anak. " sabay baling ang tingin niya sa akin. "'Di ba siya nag sabi sa iyo o nag text man lang? " Dagdag nito at tinignan ko ang aking Phone.
" About earlier Aiyanna I'm sorry. Please take care of your sister I will be gone for 2 weeks. I' m in Laguna business trip kasama ko si kuya Jel. Let's talk when I'm home. I'm sorry anak I love you :)"
"Nag text po siya " sambit ko at pakita ng aking phone.
"Narinig ko kanina nag away na naman kayo tapos kahapon din." Ani ni Nanay Meding. Umupo muna ako sa upuan at tumingin kay Nanay.
"Kahapon po kuhaan ng card may nakuha po akong line of 7 isa lang naman po yun nay. OA lang talaga siya, umuwi rin po ako ng lasing kagabi. " nakita ko na tumitig si nanay sa akin. "Nag yaya po kasi si Karlene kanina po nasagot ko po si mommy sinadya ko po talaga mali niya rin naman kasi nay e. Sorry po. " tumingala ako at sumimangot.
Tumabi sa akin si nanay Meding "Ayokong sitahin ka sa pag inom kasama ang mga kaibigan mo, pero sana ay lagyan mo rin ng limitasyon dahil minor de edad ka palang. At tsaka sa pag sama sa mga kaibigan mo kilalanin mo muna sila anak ha, dahil hindi lahat ng tinuturing mong kaibigan eh kaibigan din ang turing sayo, mas mabuti kilalanin mo rin sila at nang sa ganon ay hindi ka mapahamak. At tsaka anak kahit nawala ang daddy mo eh sana galangin mo pa rin ang mommy mo. Oo yung mommy mo ang rason kung bakit nawala ang perang pang opera ng daddy mo pero sana huwag mag bago ang pag sasama niyo. Wala na ang daddy mo huwag mo hahayaan na pati mommy mawala na rin sayo. " ani ni nanay Meding at yakap sa akin.
No! Hindi pwede siya yung dahilan kung bakit nasira yung pamilya namin. Nawala yung perang pang opera ni daddy. Kung sana hindi niya tinaya yung pera sa sugal edi sana si daddy naka survive sa Leukemia. Hindi ko kasalanan yun, si mommy ang may kasalanan dun. Tumango ako sa pag kakaupo at lumabas ng kusina pinuntahan ko si Angelica sa sala at tinabihan siya.
"Ate may laban daw kayo kanina narinig ko sa teacher namin." Sambit nito habang tinatapos ang assignment sa Math.
"Ah oo, laban sa DLA, kumain kana ba?" Tanong ko at tinignan ang kanyang sinasagot. It was just addition of 4- digit numbers.
"Okay na, ikaw?"
"Tapos na nag yaya kumain sila Karlene. " sagot ko.
"Kamusta ate laro panalo ba kayo?" Tanong nito at tumingin sa akin.
"Oo panalo kami hehe." Sagot ko at ngumiti. Tinulungan ko si Angge sa kanyang assignment pag katapos daw nito eh matutulog na daw siya. Umakyat na si Angge at umupo ako sa Sofa. Tinitigan ko ang relo ko 7 pm na ng gabi, natigil ang pag mumuni muni ko ng nag salita si Nanay Meding.
"Anak kumain kana ba ng hapunan?" Tanong nito habang naka dungaw sa counter.
"Tapos na po. Mag pahinga na po kayo nay, aakyat na rin po ako. " sambit ko at ngumiti sa kanya.
"Sige matutulog na ako ah." Tumayo ako at nag bless sa kanya.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa kotse. Yung bag ko at mga regalo na binigay sa akin ng mga tao sa Gym kanina. Pinatong ko muna ito sa lamesa balak ko sanang picturan upang pasalamatan sila inayos ko iyon sa pag kakalagay sa lamesa at pinicturan ito. Kinuha ko din ang medal ko sa aking bag at pinicturan ito.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...