Dimmed lights
Nakapikit lamang ako ng mariin habang nilalagay sa mata ko ang eye shadow ng make up artist na hinire ni mommy. Hindi pa ako nakabihis pero inayusan na ang buhok ko pati na rin ang make up ko. Kahapon nang gabi pa ako kinakabahan sa parating na prom hindi ko alam kung bakit dahil na rin siguro na baka ayain ni Timothy si Ishanna sumayaw mamaya. Naka messy bun ang buhok ko at may lawit lawit nakulot kulot ito. Nang matapos na ako ayusan ay sinuot ko na ang gown ko, mas lalong bumagay iyon sa akin dala na rin ng make up at ayos ng buhok ko. Sinuot ko na rin ang heels na binili ni Mommy na transparent pero matingkad, 2 inches ang itinaas nito kaya hindi ako masyado tumangkad pero at least ay makakagalaw ako ng maayos mamaya. Umupo muna ako sa kama at nauna na bumaba si Mommy.
Kinuha ko na ang phone ko ganoon na rin ang hand bag nagagamitin ko. Inopen ko muna ang phone ko at napicturan pala ako ni Mommy ng stolen. Kahit na stolen ito ay maayos naman ito kaya naisipan kong istory ito. Nakaside view ako nito at natural na natural ang mukha wala pang bahid ng make up ito kanina. Pagkatapos ay pinasok ko na sa loob ng hand bag ko ang phone ko. 5 pm na at 6:30 mag ststart ang prom. Lumabas na agad ako ng kuwarto dahil ayoko na pati sa prom ay malate ako, hahaha!
Sumakay na ako sa kotse, kasama ko si mommy at ihahatid niya raw ako balak niya raw kasi akong kunan ng litrato kasama ang mga kaibigan ko kaya sumang ayon na lamang ako. Nakatitig lamang ako sa bintana habang hinihintay na makarating na kami sa school. Inayos din ng make up artist ko ang make up at niretouch ako.
Nang makarating na kami ay natagpuan ko ka agad sa bungad sila Karlene, natural talaga ang ganda ni Karlene at hindi makapal ang make up nito, sleeveless ang suot niya at bumagay ito sa haba ng braso at sa payat niyang katawan. mukhang ako na lang ang iniintay nila.
"Pati ba naman dito muntik na malate?" Pang aasar ni Kael at inakbayan ako.
Tumawa na lamang ako bilang reaksyon.
Nakapag take na kami ng maraming picture kaya napagdesisyonan ni mommy na babalik na sila ni kuya Jel at susunduin na lang ako pag uuwi na. 6:00 ako nakarating kaya nakapag take pa kami ng picture nila Karlene, ganoon din ang ginawa nila Kenjie abala rin sila sa pang palit nila ng profile.
Nang nag call time na ay dumeretso na kami sa loob ng venue, sobrang daming tumitingin sa amin kaya hindi ko maiwasang mailang kahit sanay na sanay na ako sa set up na ito. Mag uumpisa na ang prom at maglalakad na kami sa red carpet. Hindi ko alam kung sino ang hihilain kong partner kaya inikot ko ang mata ko para malaman kung sino pa ang available. Pupunta na sana ako sa likod para kumpirmahin na ako lang mag isa ng hawakan ni Kenjie ang kamay ko at agad na tumingin sa kaniya.
"Hindi ko nakita si Timothy, ako na lang muna." Sambit niya at inalok ang kamay niya para sa akin. Tinitigan ko muna siya bago kumapit sa kaniya, hindi ko itatanggi na ang gwapo ni Kenjie, hindi lang ngayon kundi ay araw araw. Kumapit na ako sa kamay niya at tumayo ng maayos para sa paglakad sa carpet.
Nang nag lakad na kami sa carpet ni Kenjie ay maraming nag picture sa amin. Todo awra na lamang ako upang sumabay sa kanila. Kahit na puro pose ang ginagawa ko ay hinahanap ng mata ko si Timothy. Naka upo na kami sa table namin at mabuti ay katabi ko si Karlene. Uminom ako sa tubig at inikot ang mata ko sa paligid, luminga linga na lamang ako pero walang Timothy ang nakita ko. Umupo na lamang ako ng mabuti at sumadal sa upuan may kumukuha na ng pagkain nila at may nag sisisiyawan na sa gitna . G na g naman si Karlene mag hunting ng pogi eh hindi niya alam ay prom ito at hindi bar.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nagsimuka na lamang mag picture katabi si Kenjie at Kael, habang si Leo naman ay kausap si Odette at mukhang hindi sila nag kakamabutihan kaya pinabayaan na lamang namin sila. Nang nag simula ng tumugtog ang romantic sound ay may ibat iba ng lalaking tumayo, may nag aaya sa akin pero dinadahilan ko na masakit ang ulo ko. Literal na hindi ako mag eenjoy sa prom ko lalo na kung dadalhin ko ang problema ko dito.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...