Chapter 48

22 5 0
                                    

Chance

As the time passes by unti unti ko nang natatanggap na tapos na, wala na dapat akong kapitan pa. 6 years naman na ang nakalipas, panahon na siguro para maglet go. Naka upo ako ngayon sa sulok ng kwarto ko habang kaharap ang laptop ko. 3 months na ang nakaraan after ng kasal nila Leo, 3 months ko na rin siyang hindi nakikita.

Balak ko na sana ituloy ang pagbuo ng sarili kong business nang sa ganon may pagkaabalahan at magkakaroon na ako ng sarili kong kitang pera, although pumasok naman na ako sa resort at restaurant ni Mommy pero iba pa rin sa pakiramdam pag finull fill mo na isa isa yung gusto mong gawin sa buhay.

Tumayo sa sarili mong mga paa, stable job, sariling business, basta masaya ako. I want to fulfill that happiness again.

Genuine happiness again..

*****************

Nasa divisoria kami ngayon ni Karlene nag hahanap ng pang party ng bata. Hindi niya naman kamag anak ang mag paparty pero siya ang nag aasikaso. Nakatayo ako ngayon sa silid ng mall na 168, naghahanap ngayon si Karlene ng balloon ako naman ay nakatayo lang na naghihintay.

Habang hinihintay ko si Karlene ay umupo na lang ako sa bakanteng upuan. Namiss ko na ang atmosphere sa Alaska, nakakamiss din pala ang environment at ang routine ko doon. Parang hindi ko na rin trip pa na manirahan doon lalo na't tumatanda na si Mommy at walang kasama si Angelica, kung mapapadpad man ako uli sa Alaska ay pabisibisita na lang. Kung maaari ay mas lalo kong kukumbinsihin sila Lola na dito na lang sa Pilipinas manirahan at 'wag na sa ibang dako ng bansa.

Nakalabas na si Karlene sa pinagbilhan niya ng lobo, tapos naman na siya sa pamimili kaya dumiretso na kami sa kotse patungo kila Kael dahil may onti onti raw kaming salo salo mamaya.

Ako na ang nagmaneho ng kotse, habang abala naman si Karlene kaka kwento ng experience niya kanina sa pagbili ng lobo.

"Ang mura mura lang ng lobo na 'to sa Taguig, tapos yung benta na kuya ba't ang mahal?"

Inikot ko naman ang steering wheel ng sasakyan at napatawa sa pagrereklamo niya. Hindi naman ganun kalayo ang bahay nila Kael dito sa Manila, buti na lang at may alam si Karlene na shortcut kaya ituturo niya na lang sa akin ang mga direksyon.

"Malamang Karlene, iba ang Taguig dito sa Divisoria." Sagot ko sa kanya habang tinuturo niya sa akin ang direksyon.

Maraming eskinita at maliliit na daan ng kotse dito sa Manila, hindi naman sa taga bundok ako. At 'di ko alam syempre ang tagal kong nawala sa Pinas at imposibleng lahat ng iyon ay maaalala ko sa loob ng ilang taon.

"Sabagay doon kasi sa Taguig lahat ng andoon eh kilala at suki ko na."

* * * * * *

Sa sobrang daming alam ni Karlene na shortcut ay nakarating na kami sa lugar nila Kael, susunod din naman daw si Kenjie kaso hindi namin alam kung sasama si Leo. Iba talaga kapag may buhay pamilya at may anak na!

Pagpasok ng kotse ko sa lugar nila ay pinark ko nalang ito sa tapat ng bahay ni Kael. Lumabas na ng kotse si Karlene at sinabihan ko siya na mauna na lang siya dahil aayusin ko pa ang bag ko. Lumabas naman ng pinto si Kael at sinalubong ng tawa si Karlene. Lalabas na sana ako kaso biglang nag ring ang phone ko kaya sinagot ko muna ito.

Kenjie

"Hello?" Bungad ko sa tawag niya habang papalabas na ng kotse.

"Naka kila Kael kana ba?" Tanong niya sa akin habang napatango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Kakarating pa lang naman. Bakit?" Tanong ko.

"Papunta na rin ako pero may sasabihin ako sa'yo mamaya." Sambit niya at agad naman akong kinabahan.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon