Chapter 23

46 21 1
                                    

Closure

Abala ako ngayon kakalinis ng kuwarto ko. Maaga pa naman kaya hindi muna ako nagmadali papuntang school dahil practice lang naman ang gagawin namin. Tinupi ko ng mabuti ang kumot ko. I sat in my bed after I cleaned my room, napatigil ako sa kakaayos ng kabinet ko ng nag ingay ang phone ko. I reached for my phone and open it. I got a one message from Timothy. Biglang ng gulat ang mga paruparo sa tyan ko, A soft curved of a smile formed in my lips. Binuksan ko ka agad ito para malaman kung ano man ang minessage niya.

Timothy:
Good Morning! Sunduin kita? Tapos kape tayo.

Kumurap ako ng ilang beses bago ako matauhan. Isa, dalawa , tatlo? Apat na beses ako kumurap bago matauhan sa sinend niya. Bumungad sa akin ang sweet message at agad akong napatambling at umikot ikot sa kama ko. Oh my! Kakaayos ko lang ng higaan ko pero worth it naman kung ganito ako kikiligin araw araw. Hindi ako nakareply agad pero patuloy pa rin sa pagtitig sa message niya. I froze a while habang kinikilig sa simpleng bagay na 'yon.

Ako:
Sige, see you in a bit.

Matapang kong nireply sa kaniya at napatayo na lang ako para makapag palit na ng PE uniform para makapasok na sa school.

POV: Timothy

Naalala ko pa naman kung saan ang bahay nila Emily kaya hindi naman ako nahirapan na lumiko liko pa punta sa bahay nila. Nasa highway na ako ng biglang may nag pop up na message sa aking phone, tho siguro it was Emily kaya tinignan ko dahil sabik na akong makausap at makita siya.

Nag sign ang traffic light ng stop kaya tinignan ko kung ano ba ang message na pinadala niya. I thought it was Emi, mukhang matagal pa naman ang go sa sign ng traffic light kaya minabuti kong sagutin ang message na ito.

Ishanna:
Can we talk later after practice?

Lumunok ako ng bahagya dahil naalala ko ma may usapan nga pala kami na maguusap ng mabuti para sa maayos na closure namin, I must take that advantage so I can explain my side na tigil na ako sa kaniya. I wanted to eat with Emi sana after practice pero yung maliwanag na usap namin ni Ishanna is limited kaya mas mabuti siguro na kausapin ko na lang siya mamaya. 

Ako:
After practice, Sige.

I closed my phone and dropped it next to my seat. Nakita ko rin na nagreply na si Emily pero hindi ko na replayan dahil nag sign na ng Go. Inikot ko na ang manibela para tumungo upang sunduin si Emily.

I hope this closure might get the peace I want, and a happiness that i'm craving to do and to be with my Emily.

POV: Emily

Tapos na akong maghanda kaya lumabas na ako ng bahay upang hintayin si Timothy. Wala na sila mommy at tanging si nanay Meding na lamang ang natira sa loob. I looked around on the street corner finding him to come up. Mga ilang minuto lamang akong naghintay at agad na bumungad sa akin ang sasakyan ni Timothy. Bumuntong hininga ako at inilabas ang kaba na dumadaloy sa katawan ko. Ngumiti rin ako ng nasulyapan siya at umabante ako paharap sa kaniya. Wala pa rin ang nagbago, iyong excitement na nakikita ko siya ay wala pa ring kapantay. I looked at him while he was coming infront of me, things get slowly. Naging slowmo ang lahat, sa lakad niya, sa paghampas ng hangin sa buhok niya at lalo na sa pag bagal ng tibok ng puso ko na akala mo ay titigil pag lumapit na siya sa harapan ko. Sa kaniyang palapit sa akin ay sinalubungan niya ako ng mainit na yakap. I hugged him back, that hug was the most best thing I got this day.

Napawi yung kaba at lamig na naramdaman ko kaninang hinihintay siya. Nanginginig pa rin ako sa kilig at the same time ay masaya dahil sa pagsalubong niya sa akin. Hiniling ko na sana ay hindi na siya kumalas sa yakap ko at ganito na lang ang gawin namin sa buong araw, kung pwede lang. Kumalas na siya sa yakap ko at onti onti na siyang humarap sa akin, bumungad sa akin ang abot tengang ngiti ni Timothy sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon