Chapter 7

79 42 0
                                    

Mistake

POV: Ishanna

Nakahiga na ako sa aking kama ng naalala ko ang eksena sa Gym. Binigyan ni Timothy si Ate Emily ng regalo. Hindi na dapat ako nag tataka ng ganto, sino ba naman ang hindi mag kakagusto kay Emily. Hindi ko mapigilan ang pag kakalungkot. Timothy is still mine at kahit kailan walang makaka agaw sa kanya. Hindi ko maiwasan ng makaramdam ng galit kay Emily. Ayoko magalit sa kanya dahil iniidolo ko siya. I'll try my best para taasan ko siya. Hindi para maghiganti, para makita na may kaya ako at hindi kang ako basta ganito, He is mine kahit anong mang yari sakin lang siya no buts and no ifs.

POV: Emily

Nag daan ang maraming araw. Hindi naging maganda ang pag sasama ng aking mga kaibigan. Halatang nag sisisi si Kael at Karlene sa pag kontra nila kay Leo. Naka upo ako sa bench kasama si Kael. Umiinom ako ng kape habang siya ay naka tingin lamang sa mga estudyanteng dumadaan.

"You really look bored?" Sabay abot ko ng juice sa kanya. Kinuha niya naman ito at tahimik lamang siya sa tabi ko.

"I was just confuse." Tumitig ako kay Kael at pinakinggan ko siya. "Maybe Leo is right mukha ngang hindi ko siya inintindi and I also realize that I'm such a egoist person. Sarili ko lang ang iniintindi  ko and I'm selfish." Dagdag ni Kael,  I laugh and sip a drink. Tumingala sa akin si Kael at mukha siyang seryoso.

"You always keep on laughing wala namang nakakatawa." Sambit nito at tinarayan ako.

"Hindi ka naman kasi egoist person." Sagot ko at lumunok. "Tsaka lagi mo nga kaming prinoprotektahan ni Karlene and you always checking me up." I glared at him. "Just don't compel him to do things that he don't want to do. Hindi ka rin selfish na kaibigan, gusto mo lang tumulong sa ikabubuti namin." Dagdag ko tumingin sa kanya.

"Thanks for clearing my mind and cheering me up. I badly needed it right now." Sagot niya at ginulo ang buhok ko. Tumayo ako at isinuot ang bag ko, tumingin si Kael sa akin.

"Papasok kana ng room? Mamaya na. May 30 minutes pa naman eh." Sambit niya at tumingin ako sa orasan.

"I'm hungry  I wanted to eat burger right now." Sagot ko at tumayo na si Kael.

"Arat McDo libre ko." Sabay hila sa bag ko.

***
"Ano sa'yo?" Tanong ni Kael at nakatitig lamang ako sa counter, halatang nag papa cute ka kay Kael. Huh? Hindi ka mapapansin niyan yari ka lang kay Vaida.

"Eggdesal." Sagot ko.

"Yun lang ang onti naman. Kumain ka pa, mag dagdag ka." Sagot ni Kael. Inikot ko ang aking mata sa menu. Susulitin ko na ito libre niya naman eh.

"Fries tsaka apple pie." Sagot ko habang nakangiti.

"Miss Dalawang Eggdesal, dalawang apple pie tsaka Large fries, dalawang order rin ng ala king, 4 na coke float na rin at dalawa ring spaghetti." Sagot ni Kael at nag lahad ng bayad.

Umupo muna kami sa upuan at nag hintay. Nakatingin pa rin yung babaeng crew ng McDo kay Kael.

"Hoy Kael." Tumingin sakin si Kael. "Yung babaeng crew na nasa counter kanina tingin ng tingin sa'yo baka type ka na naman." Dagdag ko at tumawa lamang ito.

"Hindi kana na sanay. Alam ko namang gwapo ako. Kaya tignan mo phone mo puro pictures ko. Send mo yan kay  Vaida ah." Sagot nito ang hangin niya talaga.

"Vaida, Vaida Vaida. Puro ka Vaida, pero pag i cha-chat na namin nila Kenjie nahihiya ka. Tapos pag asaran na tayo tayo kinikilig ka naman. Asan ba utak mo nasa pwet mo." Sambit ko.

"Oo, tapos yung puso ko nasa kanya." Confident niyang sagot.

"Eh bakit ba kasi ayaw mong umamin sa kanya? Matagal tagal mo na rin siyang crush di ka pa rin umaamin." Tanong ko. Tahimik lamang ito kaya niyugyog ko siya.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon