Chapter 28

35 14 0
                                    

Rain

"Thanks to you kasi kung hindi natin nagawan ng paraan iyon ay siguro yari na naman ako sa teacher namin sa TLE." Sambit ko kay Timothy habang pababa kami ng 3rd floor. Karga karga niya ang iba kong dalang gamit pababa ng school.

"Wala 'yon, I'm always here." Maiksi niyang sambit sa akin.

Mag aalasais na ng gabi dahil hinintay niya pa ako mag practice ng dance presentation sa PE. Mabuti naman ay matatapos na namin ito at naauyusan na ng steps. Sila Leo na lang ang nag asikaso at tumapos ng Video presentation namin sa English at sinabihan ko na iforward na lang sa akin upang maiedit ko na.

Nasa parking lot na kami ngayon at nag pasabi ako kay kuya Jel na sunduin niya na lang ako dahil tinatamad ako mag maneho at ayoko mag commute dala na rin siguro ng pagod.

Bago ako sumakay sa kotse ay nag paalam na ako kay Timothy.

"Uuwi na 'ko, see you tomorrow. I am not able to check any of my messages later, it's such a tiring day marami pa rin tayong gagawin." Sambit ko sa kaniya at ginulo niya ang buhok ko.

"I understand, let's just focus in our priorities first. Pero kumain ka bago ka mag aral pagkatapos mag pahinga muna okay?" Sambit niya sa akin at agad ko siyang niyakap.

That hug is the best energizer that I needed right now, it stimulates me kahit pagod na pagod ako sa araw na ito. I leaned on him and he kissed my forehead. Nagpaalam na ako sa kaniya at sumakay na ako sa kotse.

Pag kauwi ko sa house ay dineretso ko ang bag ko sa kwarto at nag shower. I followed what Timothy told me dumeretso ako sa kusina at kumain kasama sila Mommy at Angelica.

Hindi ko sila masyadong dinaldal dahil gusto ko makapag pahinga. Nakabalik na ako sa kwarto at kinuha ang phone ko upang iedit na ang video presentation namin sa English.

Mabuti na lang at naitapos na nila Leo ito dahil kung hindi, hindi na naman ako papatulugin ng sobrang daming gawain sa school, I can't leave my responsibilites their hanging, marami akong pangarap na gustong tuparin. Being drained is not a specific reason to stop your dreams. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at ipinikit ang mata ko, incase na makatulog ako ay inopen ko ang alarm ko ng 8:00 p.m at least hindi ako mabubugnot sa kaantukan ko.

Nagising ako ng 8 salamat sa alarm ko. Naghilamos muna ako ng mukha ko dahil magrereview pa ako sa ibang subjects dahil nalaman ko na baka magkaroon na naman ng surprise quiz kaya mas mabuti ng handa.

Inopen ko na ang phone ko at nagsimula ng magedit. Hindi naman ako nahirapan dahil maayos naman ang context at nakasalysay na sa notes ko kung ano ang gagawij naming pagkasunod sunod, ikokopya ko na lang.

Sumandal ako sa pader ng naramdaman ko  na sumasakit ang likod ko. Uminom din ako ng kape incase na dalawin na naman ako ng antok ko. Patuloy lamang ako sa pageedit kaya hindi ako nahirapan dito.

Natapos ko na ang pageedit at sinend ko na kay Leo ito. Sinabi niya sa akin na isend ko na lang sa kaniya at siya na lang ang magpapasa sa teacher namin para mas madali. 9:30 ako natapos dahil umabot ang video presentation namin ng 45 minutes kulang na lang ay gawin nilang one hour.

Umupo muna ako ng mabuti at ikinuha ang math tsaka science na libro ko. I should highlight some important words that may come out kung mayroon mang surprise na magaganap. Bumaba muna ako para kumuha ng makakain dahil nacracrave ako sa matatamis.

Dumeretso ako sa kusina at nakitang gising pa si nanay Meding. Mukhang may ginagawa siyang pagkain at alam niya na busy ako kaya hindi niya ako pinansin pero nginitian niya ako.

May napulot naman ako na cookies at cheesecake sa ref kaya iyon na lang ang kinuha ko. Maaga pa naman at nakapag pahinga naman na ako kaya umupo ako sa harapan ni nanay Meding upang alamin kung ano iyon. May graham na crushed dito at condensada obvious naman na graham balls ang gagawin niya pero nag tanong pa rin ako.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon