Chapter 45

18 4 0
                                    

Simba

Ilang linggo na ang naka lipas at nakauwi na rin si Mommy sa bahay, balak ako gawin ni mommy kahit panandalian na tutulong sa kaniya sa resort at resto kaso sinabi ko sa kaniya na gusto ko mag solo ng gagawin kasi kahit na sobrang yaman o gaano kalaki ang pera mo mas masarap sa pakiramdam na nag success ka na nag simula ka sa pinaka una.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko at nag babasa ng mga articles, stock ako ngayon sa pag pasok ng law school or mag bubusiness na. 23 na ako pero 'di ko pa rin alam ang gagawin ko, may plano nga 'di naman ako sigurado.

Naka palumbaba akosa desk ko habang nag iisip ng gagawin ko, kung papasok muna ako kay mommy kahit assistant niya ay hindi masasayang ang oras ko at may sweldo pa ako. Ayoko lang basta basta humingi, nagbago na ako mas mabuting mag tabi para sa future dahil ang pera madaling maubos, 'yan ang tinuro sa akin sa NY.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala, may pasok yata ang kapatid ko, si Mommy naman back to work at naka alalay si Tito Angelo habang si Karlene malamang busy din dahil balak niya mag model o kahit ano. Inaya na rin siya ni Mommy na pasukin siya sa resort umoo naman siya kaso next month na lang daw ang simula niya.

Inopen ko ang TV at nanuod na lang ng balita, kung nasa New York ako ngayon ay puro kwarto at pag lalabas ang ginagawa ko, uuwi yata sila Lola sa Sabado may nag babantay naman sa kanila pero mas gusto ni Mommy na dito na lang sila sa Manila.

Abala ako sa panunuod ng balita ng isang kumpanya na nadawit daw sa drug syndicate dito sa Pinas, around Manila and maraming branches ang connected nila. Nakapatong ang paa ko ngayon sa isang upuan habang nag iisip kung ano ba ang pwede kong gawin, nabuburyo na ako sa gantong sistema.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit, kinuha ko ang bag ko at susi ng kotse. Bibilan daw ako ni Mommy ng bago pero tumanggi ako dahil pwede ko naman hiramin yung sa kanila.

Ginamit ko ang sasakyan ni Mommy at nag paalam muna sa katulong namin, bukas daw babalik si kuya Jel para bumalik sa trabaho.

Dumeretso ako sa coffee shop ni Kael at doon muna tatambay iaaccept ko na rin ang deal namin ni Mommy na doon muna ako sa kaniya para naman may pagkakitan ako at hindi nasasayang ang oras.

Nang makarating na ako sa address na sinend sa akin ni Kael na coffee shop ay nawindang ako dahil hindi ko inakala na malaki talaga ang coffee shop niya. Nagdadalawang isip ako pumasok kasi 'di ko alam kung sa kaniya ba talaga 'to o ineechos niya na naman ako.

Nang pinag desisyonan ko na pumasok na ay umupo ako sa malapit sa labas, hinanap ko ang phone ko at tinawagan si Kael, nag riring naman kaya sumagot din ito ka agad.

"I'm here na sa shop mo banda sa labasan sa'n kana?" Tanong ko at 'di itp sumagot kaya inikot ko ang mata ko.

Tumama ang mata ko sa kaniya at nag kakamot ito ng ulo habang iniisa isa niya ang tingin sa mga tao. Kumaway ako sa kaniya at nakita naman agad ako nito at tumawa. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tumawa ako, okay sa kaniya nga ang shop na ito.

"Ganado ka ah, ang aga mo dumatin." Pang aasar niya at tumawa ako.

Naka itim siya na top at cargo shorts habang ako ay naka yellow crop top, maong jacket at shorts kaya hindi hassle gumalaw.

"Saan mo ba gusto pumunta? Umay na rin ako dito eh." Tanong niya at naupo kami sa pinag uupuan ko kanina.

"Duh, kahit saan wala ako magawa sa bahay eh." Sambit ko.

Dala ko naman ang kotse ko at alam ko naman na dala niya ang kotse niya kaya kung aalis kami pwedeng kotse ko na lang ang gamitin.

Napag desisyonan namin na dumeretso na lang kay Kenjie dahil wala rin daw magawa si Kenjie ngayon kaya mag sama sama na lang daw kami, bukas naman ay sigurado akong may ganap na kami dahil sasamahan daw kami ni Leo para pumili ng gown o susuutin namin sa kasal niya next week.

Run After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon