Accident
Days, weeks and months. Finally
Nalabas na ako sa ospital at dumeretso na kami nila Mommy sa bahay. Pag kauwi ko ay dumeretso ako sa kwarto at humiga niyaya ako nila mommy kumain pero sinabihan ko sila na mamaya na lang.Naupo ako sa kama ko at sinandal ang ulo ko sa pader, hindi na ako pwede mapag isa at lagi na akong imomonitor nila mommy para ma pabilis ang recovery ko.
Ngayon na ang byahe nila Timothy sa Bulacan para sa event, sabi ni Mommy sabihin ko lang daw sa kaniya kapag kaya ko na ulit pumasok kahit patapos na rin naman daw ang school year.
Inaayos ko ang drawer ng damitan ko para mag linis dahil kailangan ko rin gumalaw para mabago bago ang isip ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag pupunas ng lamesa ko ng biglang may kumatok sa pintuan
"Pasok." Sambit ko at pinag patuloy ang ginagawa ko.
"May bisita ka anak." Sambit ni mommy at agad na napalingon ako.
Nakaluwa lang sa pintuan ay si mommy at hawak hawak ang doorknob ng pinto, nang tatanungin ko na sana kung sino ito ay pumasok ang pamilyar na mukha sa akin kung saan ang matagal ko ng hinahanap.
Si Karlene
Tumingin ako kay mommy at lumabas na siya ng aking kwarto, pumayat si Karlene at naging morena siya oo nga pala at nakauwi na pala siya sa Manila.
Parehas kaming walang kibong nakatayo sa kinatatayuan naming dalawa, walang gustong mag salita pero panay kurap lang ang ginagawa ko.
"You're back." Maigsi kong sambit at umupo sa kama, tinapik ko ang kama senyales na tumabi siya sa kinauupuan ko.
She slightly nodded. Umupo siya sa tabi ko at naging tahimik lang kaming dalawa, I don't know how to start conversation any more, parang gusto niya na rin mag salita pero parehas lang kaming tahimik.
Pasimple kong hinawakan ang kamay niya at tumingin sa kaniya, I wanted to hug her right now because I missed here so much. Tumingin siya sa akin at agad akong lumapit para yakapin siya.
"Sorry." I said and began to cry at loud.
Ramdam ko na Nanginginig siya habang yakap yakap ko ito, hinayaan ko lang umiyak kaming dalawa hanggang sa lumuwang na ang yakap ko sa kaniya.
"I'm sorry din, I miss you so much." Sambit niya habang parehas kaming nag pupunas ng luha.
Tumititig kaming dalawa sa isat isa at bigla kaming tumawang dalawa.
"Sorry na ha, na kwento na sa akin ni Kael yung buong nangyari sa'yo, sorry kasi hindi ko muna inalam bago ako nagalit, sorry Karlene." Sambit ko habang nag pupunas ng sipon.
Biglang Umupo ng maayos si Karlene at nahiga kaming dalawa sa kama katulad nung dati.
" Tanga, okay lang yun 'wag mo na isipin yun. Ang mahalaga tutulungan ka na namin gumaling. " Sambit niya.
Sabi ni Mommy ay dito daw muna titira si Karlene, ayos lang naman daw dahil kaibigan ko at kilala niya ito. Medyo ok na kami ni Mommy pero may ilangan pa rin, dahil iyon ang sabi ng psychiatrist ko na acceptance is the key to move forward. Nag hanap kami ni Karlene ng pwedeng panuorin at nag padeliver na rin kami ng kakainin namin.
Next week ay balak namin nila Karlene na mag swimming o gumala sa Tagaytay kasama si Kael, okay lang naman siguro kay Mommy dahil sasama naman ito sa amin.
Busy kami sa panunuod ni Karlene habang hinihintay ang pagkain namin. Bigla kaming naabala sa panunuod ng may kumalabog at pumasok sa kwarto ko si Mommy ang pumasok, tumingin ako kay Mommy. Nakakunot ang nuo niya at halata sa mata niya na nag aalala siya.
BINABASA MO ANG
Run After You
RomanceAiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuyang nag papatakbo ng resort at restaurant sa iba't ibang panig ng lugar. She gets everything she want...