Kabanata 40

832 65 4
                                    

May ngisi sa mga labi ni Hessah habang pinakikiramdaman ang may-ari ng mala-palasyong bahay ni Frederik. Punong-puno ng nakakatakam na iba't-ibang putahe ang mahabang lamesa nito.

Nakakatakam..pero alam nila ni Derik na limitado lang ang kaya nila kainin at thanks to him dahil may putahe na kaya nila kainin.

Pinagmamasdan niya ang pag-aasikaso nito sa ina ni Gabrielle.

Napukaw siya ng may humawak sa kamay niya at nilingon ang kasintahan na may kislap ng amusement.

"Ano kaya magandang gawin para umamin na yan matandang binata na yan kay Mama?"pabulong nitong sabi.

Bahagya siya natawa sa sinabi ng kasintahan. Hinaplos niya ang dibdib nito habang magkalapit ang kanilang mga mukha.

"Let him be. Matanda na siya para maging torpe,"aniya na alam niyang naririnig ng pinag-uusapan nila at hindi lamang pinapansin dahil abala ito sa pag-aasikaso sa ginang.

Bumaba sa may hita niya ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya at pumipisil roon ang palad nito.

"Iwan na natin sila pagkatapos natin kumain. Gusto ko ipakita sayo yung kabayo na regalo sa akin ni Ninong,"anito na may kislap ng kapilyuhan ang ngisi nito.

"Alright,gusto ko makita yun,"aniya. Mabilis na hinalikan nito ang mga labi niya at bumalik sa pagkain nila.

Gaya ng napagkasunduan nila ng binata. Nagpaalam sila sa dalawa upang puntahan ang kuwadra kung saan naroroon ang kabayo na inaalagaan mismo ni Derik.

"Mom don't like them,"untag ni Gabrielle pagkapasok nila sa kuwadra.

"Why?"kuryuso niyang tanong kaagad.

Huminto sila sa isang puting kabayo at marahan na hinaplos ni Gabrielle ang kabayo.

"Sa pagsakay niya ng kabayo na kagustuhan ni Dad..muntikan na siya makunan,"saad nito na nakatitig pa rin sa kabayo.

"Hindi alam ng mom mo?"gulat niyang tanong.

"She knew..kaso hindi niya masabi kay Dad dahil mas gusto ni Dad na mamasyal sa buong lupain ni Mama at sumakay sa kabayo. Ayaw naman ni mom na magtampo si Daddy na hindi niya ito samahan sa pangangabayo kaya naman sumakay na din si Mama sa kabayo..and that happen. She's bleeding after their roaming around at doon lang nalaman ni Daddy na kinagalit niya kay Mama..doon na rin nagsimula ang pagkadisgusto ng pamilya ni Daddy kay Mama..pabaya daw si Mama,well,kahit simula pa lang naman na nagkaroon ng relasyon ang mom ko at si Daddy hindi na talaga gusto ng family side ni Dad si mama,"mahabang pagkukwento nito sa kanya.

Marahas na napabuga ng hangin ang binata na tila sariwa pa rin rito ang napakomplikadong relasyon na pinagdaanan ng magulang nito.

"Ilang buwan na mula ng isilang ako ni Mom..kinuha ako at dinala sa ibang bansa para roon ako palakihin,"patuloy ni Gabrielle na himig ng kalungkutan.

"Pumayag si Gene-,i mean,ang mama mo?"

Muli napabuntong-hininga ang binata. "Nagkataon kasi nagkaproblema sa farm. May gustong bumili ng lupain at sapilitan na binibili iyun kay Mama hanggang sa may nagsasabotahe sa farm kaya maraming tauhan sa farm ang naapektuhan. Mom is so handle to her business kaya mahirap man sa kanya pumayag siya na dalhin ako ni Dad sa ibang bansa,"tugon nito.

"How did you know about it? Hindi ba sumama ang loob mo sa mama mo?"

May malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata saka ito lumingon sa kanya. "Noong nagkakaisip ako palagi ko hinahanap si Mama pero ang sabi nila Daddy at ni Lola,busy ang aking ina kaya wala itong time sakin na bisitahin man lang hanggang sa isaksak nila sa isip ko na pinabayaan ako ni Mama hanggang sa malaman ko kung ano totoong kwento. Pinangahasan kong kontakin si Mama,"anito na tumawa ng mahina na tila may naalala itong kalokohan. "Elementary ako may kaklase akong pinoy malayo siya sa kanyang mga Lola. Isang araw nakita ko na kausap niya sa celpon through video ang Lola at lolo niya mula sa pilipinas at iyun ang nag-udyok sakin na gawin iyun at tawagan si Mama,"pagkukwento nito. "I know my mom number dahil nasa celpon yun ni Dad,alam kong kinokontak kami ni Mama dahil minsan narinig ko kausap ni Daddy si Mama..at hindi maganda ang naririnig ko. Malamig na sumagot si Dad kay Mama at iyun nga nangahas ako na dukutin ang phone ni Dad para hanapin ang number ni Mama at agad ko naman nakita dahil alam kong Geneva ang pangalan ni Mama at doon na nagsimula na sabihin sakin ni Mama ang side niya kung bakit hindi ko siya kasama..pinilit ko si Daddy na bisitahin si Mama at wala sila nagawa dahil karapatan ko yun bilang anak at ni mama na magkita kami,"may ngiti na nitong sabi.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon