Dinampot ni Simon ang isang pares na uniporme na pag-aaari ng Golf's Club kung saan miyembro doon si Gabrielle Tress. Ang lalaking binabantayan ngayon ng Boss niyang si Hessah. Pa-squat siya nakaupo sa may stock roon kung saan nakatambak ang mga kagamitan na ginagamit sa paglilinis. Doon siya dinala ng pang-amoy niya. Amoy ng isang bampira. Ayon sa Boss niya,babae iyun at naamoy daw nito ang amoy ng bampira sa matalik na kaibigan ni Gabrielle na si Alex.
Marahil sinuwerte ang Alex na yun kaya hindi natuluyan ng bampira.
Napabuga siya ng hangin. Dumadami na talaga sila. Wala naman sana problema kung hindi lang sakim sa dugo ang ibang kalahi nila. Mabuti na nga lamang may isang ahensya na pag-aaari ng Boss niya na pumoprotekta sa mga inosenteng tao na wala kaalam-alam na may mga tulad nila namumuhay sa mundo ng mga ito.
Tumindig siya at sinuyod niya ng tingin ang kinaroroonan niyang silid. Mukha dito lang nagpalit ng kasuotan ang babae bampira. Mukhang dito din malamang binalak na biktimahin ang Alex na yun.
Siguro may dumating na tao para kumuha ng gamit rito kaya hindi natuloy?
Hmm,posible yun.
Utos sa kanya magtalaga na magbabantay sa lugar na ito para maprotektahan ang mga tao na nagtatrabaho rito at ng mga tao pumupunta sa lugar na ito.
Agad siya tumawag at nagbigay ng instructions sa tatlong lalaking bampira na siya tinalaga niyang magbantay sa lugar na iyun.
Nang matapos siya roon agad na iniwan na niya ang mga ito at bumalik sa Red Security Agency bldg.
Pasakay na siya sa elevator ng may mahagip ang mga mata niya.
Isang babae na nakauniporme na kulay pulang polo shirt at pants. Isa sa janitress nila.
Abala ang babae sa pagtanggal ng mga plastic bag sa mga trash bin sa bawat sulok.
Noong isang araw lang niya ito nakita at mukha bago lang dahil lahat ng nagtatrabaho dito ay kilala niya.
That janitress is tall and pretty. Petite lang ang hugis ng katawan. His type,actually. Morena din ito.
Napakaattractive sa kanya ang morenang balat at kaya agad na nakuha ng babaeng janitress ang atensyon niya.
Sa pagtitig niya sa babae hindi niya ito makakitaan na ngumingiti. Seryoso lang ito at tila ba hindi ito marunong ngumiti.
"Maganda siya,"pukaw ng nagsalita na iyun sa kanya mula sa likuran niya.
Agad na nilingon niya ang may-ari ng boses na iyun.
Nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng elevator ang isa sa may-ari ng RAS.
"Ikaw pala,Boss Palaboy!"pagbati niya rito.
Natawa ito at nginisihan niya.
Humagod ang mga mata niya sa kabuoan nito saka siya napailing. Ito na ang babaeng bampira na nakilala niya na pinakaweirdo sa buong mundo.
Nakatsinelas ito. Isang maluwag na puting tshirt na tinernuhan ng lumang pajama ang suot nito.
"Saan naman ang tambay mo ngayon,Miss Palaboy?"
Ngumuso ito. Napatitig siya sa mukha nito. Kung maganda ang Boss Hessah niya. Maganda din ito at ganun din ang isa pa kaibigan ng mga ito na isa din sa may-ari ng RSA. Iyun nga lang,intimidating at nakakatakot ang datingan ng huli. Mailap at misteryosa.
Samantala itong nasa harapan niya. Weirdo na friendly. Lakas ng trip sa buhay. Ikaw ba naman maturingan na pinakamayaman sa buong mundo na sila lang nakakaalam,eh,kung manamit para bang isang pulubi. Napaka-low profile nito. Gaya ng boss niya,aktibo din ito sa paghunting ng mga lahi nila.
"Umuulan eh,kaya dito na muna ako tatambay.."pagtugon na nito.
"Ulan lang talaga ang katapat mo eh noh,"aniya sabay tawa niya sa huli.
Tumawa ito at ngumuso sa may likuran niya. Kahit hindi niya lingunin ang nginunguso nito alam niya kung sino yun.
Umiiling na inabot niya ang pindutan ng elevator.
"Type mo,di ba?"nakangisi nitong tanong.
"She's a human,not type,"agad na tugon niya.
"Talaga ba?"duda nito.
Nagkibit siya ng balikat.
"Well,type ko lang tulad niya in physically,Miss.Palaboy..that's it,inaappreciate ko lang kaya tinititigan ko,"saad niya.
"Hmm..okay,sabi mo eh..saka di ka patulan niyan,"anito na kinabaling niya rito.
"Grabe ka sakin,"tugon niya na umakto pa siya na nasaktan sa sinabi nito.
Nginisihan siya nito. "Oo dahil may pangarap pa sa buhay yan kaya isa sa part time job niya ang pagtatrabaho niya rito,"anito.
Bigla tuloy siya tinubuan ng kuryusidad ngunit winaksi niya agad iyun. Gaya ng sabi niya rito. Kinagigiliwan niya lang ito dahil crush niya ang pisikal na anyo ng babae.
Hinding-hindi siya papatol sa isang tao. PERIOD.
Bumukas ang pintuan ng elevator.
"Good to her,malayo marating niyan,"komento niya saka siya humakbang pasakay sa loob ng elevator at sumunod naman sa kanya ang kausap. Napailing na lang siya.
Bago magsara ang elevator saktong dumaan ang babaeng janitress at nagtama ang kanilang mga mata.
Bigla na lang nanikip ang dibdib niya ng magtama ang mga mata nila. May kakaiba sa kulay brown nitong mga mata.
Sa malayo lang niya ito tinitigan at ngayon lamang nagtama ang mga paningin nila.
Kahit blanko ang makikita sa mga mata ng babae tila naman may binuhay iyun sa kalooban niya na akala niya pinatay na ng pagiging bampira niya.
Nang magsara na ang elevator nasapo niya ang dibdib.
"Aww...mukhang mapapalaban ka niyan. Wanna bet? Kapag nahulog ang loob mo sa kanya. Isang buwan ka magsusuot ng pipiliin ko damit para sayo,"bulalas nito na kinamaang niya.
Alam niyang weirdo ito pero tama bang idamay siya sa kaweirduhan nito.
"Paano kung hindi?"may hamon niya sabi.
"Ikaw?"anito.
Ngumisi siya. "Isang buwan ka magsusuot ng sexy damit,"aniya sabay kindat niya rito.
Nanlaki ang mga mata nito. "No fucking way!"
"Ikaw ang nakikipagpustahan,Miss.palaboy, "mapang-asar niyang sabi rito.
Umismid ito. "Alright,akala mo mananalo ka,"anito sabay unang lumabas ng elevator ng bumukas iyun.
Natawa na lamang siya. Hindi mangyayari yun. Mananalo siya. Tinaga na niya sa bato na hinding-hindi siya iibig sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...