Kabanata 41

728 58 6
                                    

"Shit!!"malakas na pagmumura ni Gabrielle ng gumalagabog ang nakasarang pintuan. Gawa sa makapal na kahoy ang pintuan pero may posibilidad na masira iyun lalo na kung hindi ordinaryong nilalang ang mga nasa labas.

Hindi siya makapaniwala sa nakita niya!

Ang kanya Lola!

Pilit lamang siya nagpapakatatag para sa ina niya. Kailangan niya maging matapang para sa ina.

"Jusko,totoo nga sila.."

Napabaling siya sa ina na tuliro na nakatitig sa kawalan. Hilam ng luha ang mukha nito.

"What do you mean,Mom?"untag niya sa ina.

Bumaling sa kanya ang ina na tuliro pa rin.

"Ang...ang kuwento ni Mama. Totoo sila,"anas nito.

"Ano ba sinasabi niyo,Ma? Hindi ko kayo maintindihan?"

"Mga bampira! Mga bampira sila!"bulalas nito at muli napahagulhol. "Ang Lola mo,Gabrielle.."

Hindi makapaniwala na natulala siya sa harapan ng ina.

Mga bampira?

Halimaw?

Pinatay ng mga ito ang kanyang Lola!

Alam ng kanyang ina ang tungkol sa mga halimaw na yun?!

Si Hessah!

Alam din nito ang tungkol sa mga halimaw na yun?!

Napukaw siya ng malakas na pagkasira ng pintuan na kinatili ng kanyang ina. Mahigpit na niyakap niya ang ina na natigil sa pag-iyak.

"G-Gabrielle,"puno ng takot na usal ng ina.

Mahigpit na niyakap ang ina upang protektahan ito.

Nanlilisik ang mga mata ng dalawang halimaw na sumira sa pintuan.

Bullshit!

Anong gagawin niya?!

Umangil ang mga ito na nakalabas ang dalawang matutulis na mga pangil nito. Kulay pula ang mga mata. Nakakatakot ang anyo ng mga ito.

Mga halimaw!

Mabilis na nag-isip si Gabrielle kung paano niya lalabanan ang dalawang bampira. Nang makakita ng maaari niyang ipanglaban. Hinarap niya ang mga ito ng buong tapang.

Shit!

Hindi niya hahayaan na mamatay siya ng walang laban!

Umangil ang mga ito at sigurado siya na sabay ang mga ito na aatake sa kanya at nakaramdam siya ng takot.

Buweset!

Tao lang siya at mga halimaw ang mga ito na hindi niya aakalain na nag-iexist sa mundong ito!

Sabay na sumugod ang mga ito na tila gutom na gutom. Mabilis ang kilos niya. Nag-aral nga pala siya ng Martial Arts kaya baka pwede na yun para iligtas ang buhay nila mag-ina at pinapanalangin niya na wag lamang bumaon sa kanya ang mga pangil ng mga ito!

Shit!

"Hindi ako natatakot sa inyo,mga halimaw kayo!"sigaw niya sa mga ito at sinalubong ang mga ito.

Binigay niya ang lahat ng makakaya niya. Ang natutunan niyang martial arts.

Gamit ang hawak na mahabang kahoy pinanghampas niya iyun sa isa pero tila bato ang katawan niyun kaya mabilis na naputol yun.

"Shit!"

Wala siyang choice kundi gamitin ang lakas niya.

Dinamba siya ng isa pero bago pa man bumaon ang pangil nito sa kanya. Isang malakas na tadyak ang binigay niya rito kaya napaatras ito pero inatake naman siya ng isa na muntikan na niyang ikatumba kung hindi lamang siya naging maliksi upang iwasan ito.

"Gabrielle!"pagtili ng ina sa kanyang pangalan habang nagkukubli ito upang ikalingon niya saktong sasakmalin siya ng isa pero dahil sa pagtawag ng ina nasikmuraan niya ito.

Hindi niya ininda ang bawat pagtama ng kamao niya sa mga ito na tila kasing tigas ng bato ang mga katawan nito. Hindi siya nangangamba na makapatay kapag naaalala niya ang wala ng buhay ng kanyang Lola.

"Bullshit!"daing niya ng makorner siya ng isa.

Hindi!

Hindi siya pwede mamatay sa mga kamay ng mga halimaw na ito!

Napaigik siya ng maramdaman ang sakit sa higpit ng pagkakasukol sa kanya ng isa. Tila balak nito na baliin nito ang mga braso niya.

Malakas na tili mula sa kanyang ina ang pumukaw sa kanya. Nasukol na rin ito ng kasama nito.

"Mom!!!"sigaw niya sa ina na puno ng takot para sa ina.

"Gabrielle!!!"hilakbot ng kanyang ina.

Hindi siya makawala. Walang pag-asa na makawala siya sa halimaw na tila ba ginapos siya sa kadena.

Napasigaw siya ng malakas ng humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Sigurado siya babaliin nito ang mga braso niya!

"Agghhh!!!"malakas niyang bulalas dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

Ito na ba ang katapusan niya?!

Dito na ba sila mamamatay ng kanyang ina?

Nanlalabo na ang paningin niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Ipinaling ng halimaw ang ulo niya sa kabila upang ibaon ang dalawang pangil nito sa balikat niya. Wala na siyang lakas pa upang makawala pa rito.

Pilit din lumalaban ang kanyang ina sa halimaw na may hawak rito.

Siguro nga hanggan dito na lamang siya. Ginawa niya ang lahat na makakaya niya upang iligtas ang buhay nila mag-ina.

Ngunit bago pa man bumaon ang pangil nito namulagat siya ng marinig ang malakas ng crack ng kung ano.

Napasinghap siya ng makita na humiwalay ang ulo ng halimaw na may hawak sa kanya. Bumagsak iyun sa paanan niya at nanghihilakbot na nilingon ang may gawa niyun.

Sa paglingon niya sa gumawa niyun lalo lamang siya nanghilakbot ng makilala kung sino ang may gawa niyun.

"A---Alex,"mulagat niyang saad.

Ngumisi ito sa kanya at doon niya nakita ang dalawang pangil nito.

"Saka ka na magtanong kung bakit at ano nangyari,kailangan mailigtas kayo ni Tita Geneva,"anito na siyang kinalingon niya sa kinaroroonan ng ina.

Wala ng malay ang kanyang ina na buhat ng isang babae. Ang doktora na kaibigan ni Hessah.

Si Amjad.

Hindi makapaniwala sa nangyayari. Kung hindi dumating ang kaibigan malamang sa malamang isa na siyang malamig na bangkay ngayon..gayun din ang kanyang ina.

Nakakawala ng katinuan ang lahat ng ito. Awang ang mga labi na sinulyapan niya ang sarili. May mantsa ng dugo ang damit niya at braso. Bigla na lamang may sumulpot na alaala. Ang panaginip niya kung saan nakita niya ang eksena na duguan ang kanyang Lola at ina at nababahiran din siya ng dugo. Nagkatotoo ang napanaginipan niya. Hindi pa man siya nakakabawi sa alaala iyun ng lingunin niya ang bukana ng bahay.

Napaigtad siya ng may malamig na bagay na humawak sa kanya at makitang hinawakan siya ng kaibigan sa braso.

Malamig.

"Kailangan na natin makaalis rito,"sabi nito sa seryosong anyo.

Muli niya ibinalik ang tingin sa sirang pintuan at gaya ng napanaginipan niya pumasok roon si Hessah. May mga dugo ito at...at ang mga mata nito na nakakatakot habang nakatitig sa kanya.

Hindi. Panaginip lamang ang lahat ng ito.

Nakakahilo. Hindi na niya kinaya pa ang mga nangyayari. Sana isa na lamang panaginip lang talaga ang lahat ng ito.

"No one can hurt you and take you from me,"huling salita na narinig niyang sabi mula kay Hessah bago siya tuluyang nilamon ng kadiliman.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon