Puno ng pagmamahal na hinahaplos ni Hessah ang pisngi ni Gabrielle na mahimbing na natutulog. Madaling araw na ng tantanan siya nito. Agad na nakatulog at habang inaangkin siya nito ng paulit-ulit panay din ang sabi nito ng i love you sa kanya.
Naninikip ang dibdib niya dahil tinatanggap na siya ni Gabrielle.
May tumulo luha sa mga mata niya na mabilis niya naman pinahid. May ngiti sa mga labi niya na pinakatitigan ang binata.
"Mahal na mahal kita,Gabrielle, "usal niya at maingat na pinatakan ng halik ang bibig ng binata.
Mahal na mahal niya ito at hindi niya hahayaan na masaktan ito. Itataya niya ang buhay niya huwag lamang ito masaktan.
May ngiti sa mga labi na ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang init ng katawan nito na lumulukob sa kanya. Kumislot ito upang yakapin siya at isiksik ang katawan niya sa katawan nito na kinangiti niya.
Nakatanggap ng tawag si Hessah mula kay Aquilles at nasa opisina na niya ito na naghihintay sa kanya kaya mabilis ang kilos niya na mag-ayos. Natutulog pa rin ang binata kaya maingat ang bawat kilos niya upang hindi ito magising.
Agad naman binati siya ni Aquilles pagkapasok niya sa opisina niya.
"Pasensya na,maaga kita naabala,"makahulugan nitong sabi.
Alam niyang naaamoy nito ang amoy ni Gabrielle sa kanya.
"Ayos lang naman,"naiiling na turan niya rito.
"I found them,"agad na sabi nito na kinatigil niya.
Ngumisi ito sa kanya. "Nasa isang malayong lugar sa England..thanks me later..dahil kailangan mo kumilos at unahan sila. Plano nila balikan at kunij sayo si Gabrielle, "anito.
Naikuyom niya ang mga palad. "How did you know that?"
"Matagal na akong walang aksyon kaya ako na mismo ang nangahas na pasukin ang teritoryo nila..alam mo na,kailangan gumamit ng dahas para makuha mo ang gusto mo malaman,"anito.
"Maraming salamat,Aquilles.."sinsero niyang sabi.
Nagkibit ito ng balikat. "Para sa kaligtasan ng mga inosenteng tao. Kailangan na natin kumilos bago pa nila gambalain ang pananahimik ng mga tao,"seryoso na nitong sabi.
"Ako ang pakay nila,"untag ng boses na iyun sa kanila.
Sabay na nilingon nila ang pinagmulan ng boses na iyun at nakatayo roon si Gabrielle na mukhang narinig ang pinag-usapan nila.
"Anong gagawin nila?"tanong nito.
"Gabrielle, "aniya.
"Magkakagulo ba kapag hindi nila ako nakuha?"determinado nito malaman ang totoo.
"Oo. Marami ang madadamay na inosente kapag hindi ka nila nakuha,"seryoso pagsagot ni Aquilles rito na kinapikit niya ng mga mata.
"Dahil sakin kung bakit namatay si Lola ngayon naman.."sabi nito na mas kinakausap ang sarili.
Lumapit siya sa binata at hinawakan ang kamay nito.
"Hindi ko hahayaan na makuha ka nila sa akin..walang masasaktan,pangako yan,"alo niya sa binata.
Mariin itong umiling."Ako ang kailangan nila. Sasama ako. Ako lang naman ang kailangan nila eh para matapos na ito . Ayoko ng may madamay pa dahil sakin,Hessah."
"Hindi,Gabrielle..hindi ka sasama. Mas ligtas ka dito. Ako na bahala,"mariin niyang kontra sa kagustuhan nito.
Marahas nito binawi sa kanya ang hawak niyang braso nito.
"Sasama ako..o ako mismo ang gagawa ng paraan para magkita-kita kami?"pagbabanta nito sa kanya na kinamaang niya.
"Let him be,Hessah..siya naman ang puno't-dulo nito,"saad ni Aquilles.
Nakaramdam siya ng inis sa sinabi ni Aquilles pero alam nila na totoo iyun.
Mariin niyang naikuyom ang mga palad.
"Okay,"pagsuko niya.
"Alright..magkita-kita tayo para ihanda ang plano,mauuna na ko,"paalam ni Aquilles.
Wala silang imikan ng makaalis si Aquilles.
"Tutol ako sa gusto mo,Gabrielle,"pagbasag niya sa katahimikan pero nanatili ang seryoso sa anyo nito.
"Lalaban ako kung kinakailangan,Hessah..hindi ako mananahimik na parang duwag habang ako naman ang dahilan ng lahat ng ito. Hayaan mo na ako tumulong..oo,siguro nga wala ako kakayahan pero siguro naman kaya kong magpatumba kahit papaano,"anito na kinabuntong-hininga nito.
"Gabrielle, "sambit niya na may pagtutol pa rin sa kagustuhan nito.
Napasinghap siya ng yakapin siya ng binata. "Please,babe..gusto kita kasama na lumaban. Laban mo,laban ko din. Please..let me fight with you..para matapos na ito at makasama na kita na mapayapa,"pakiusap nitong sa kanya.
Naipikit niya ang mga mata. "Payag ako..pero ipangako mo sakin na pananatilihin mong ligtas ka,"mariin niyang sabi rito.
Agad na tumango ang binata. "Pangako,babe.."
"Kapag love talaga. Gagawin ang lahat kahit buhay mo pa ang kapalit,"untag ni Simon.
Ilang oras na lang ang hinihintay nila bago nila simulan ang plano na binuo nila kasama si Aquilles.
Bumaling siya rito. "Gagawin mo din ang ginagawa ko,"aniya.
Ngumisi ito at umiling. "Galit siya sa mga tulad natin,"saad nito.
Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan. "Alam ko masakit para sayo,"komento niya.
Nagkibit ito ng balikat. "Ayos lang..kaysa naman mas lalo pa niya kamuhian ang lahi natin kung makikipaglapit ako sa kanya,"anito.
"Babe..?"
Agad na nilingon niya ang kasintahan at napangiti ng makita ang ayos nito.
He looks more handsome now sa ayos nito.
May armas na binigay rito si Aquilles. He looks like a warrior!
A hot warrior.
"I'm ready,"anito.
Nginisihan niya ito at hinalikan ang mga labi nito.
"Mag-iingat ka mahal kong mandirigma,"saad niya.
"Ikaw din...papakasalan pa kita,"aniya.
Tila huminto sa pagtibok ang puso niya sa sinabi nito.
"Keep alive then i will marry you,"aniya na kinaawang ng mga labi nito.
"Pangako mo yan ah,pakakasalan mo ako pagkatapos ng lahat na ito,"anito.
"Yes.."
Mariin na hinalikan siya nito sa mga labi niya.
"Damn,mabubuhay talaga ako may bride ata ako maghihintay sakin,"anito na kinatawa niya.
"Handa na ba kayo?"si Aquilles.
Nilingon nila ito. Nakangisi sa kanila si Miad at napapailing naman si Amjad.
"Ang sweet..sana all may jowa!"anang ni Miad.
Napailing na lamang siya.
"Handa na kami,"aniya sabay lingon sa binata.
"Handang-handa na,"seryoso nitong sabi.
"Simulan na ang laban,"anang ni Aquilles.
Muli niya nilingon ang gwapong mukha ni Gabrielle.
Please..keep be safe and alive.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...