"Are you here now? Sabik na ko makita ka,anak.."
Napabuntong-hininga ang Asian Top Model na si Gabrielle Tress. Alam niya na labis ang pangungulila ng kanyang ina ng piliin niyang sumama sa kanya ama na isang dayuhan na nakatira sa London at doon siya nakapagtapos ng pag-aaral at nakilala bilang isang modelo. Sa video call lang sila nagkakausap ng ina. Nagkakilala ang kanyang ina at kanyang ama sa isang event at doon nga ay nabuo siya pero hindi boto ang pamilya ng ama niya sa kanyang ina kaya naman hindi na nagtangka pa na maghabol ng kasal ang ina at hindi naman siya nito ipinagdamot sa kanyang ama kaya naman kapag may oras siya bumibisita siya rito o kapag masyado siya busy sa pag-aaral o pagmomodelo sa tawag lamang sila nagkakausap ng ina.
"Yes,mom...kapag nakapagsettle na ko dito bibisitahin ko po kayo,kamusta na po si Lola Veronica?"pangungumusta niya sa ina ng kanyang ina. Ang kanyang Lola Veronica. Ulyanin na ito at alagain na kaya kahit nagkalayo sila ng ina kasa-kasama naman nito inaalagaan ang kanyang Lola Veronica at sa pamamalakad ng pag-aari Coconut Farm ng matanda.
" Eto...ayos naman ang Lola Veronica mo. Ganun pa rin nakakapagsalita lang kapag naalala ang matalik niyang kaibigan,"tugon ng ina.
Limot man na nito ang lahat hindi ang isang tao na naging malapit sa puso ng kanyang Lola Veronica. Ayon sa kwento ng kanyang ina kung hindi daw dahil sa kaibigan ng Lola Veronica niya hindi mabubuhay ang mga ito dahil ng bago daw ipanganak ang kanyang ina may humahabol raw na gusto patayin sila at niligtas ito ng taong iyun.
Kahit siya gusto niya pasalamatan ang nagligtas sa dalawang babae ng buhay niya pero alam niyang may posibilidad na kasintanda na rin ito ng Lola Veronica niya o di naman kaya pumanaw na.
"Ganun po ba. Ikamusta niyo po ako sa kanya pakisabi bibisita ako at...miss ko na siya and I miss you,mom.." saad niya.
Hindi siya expressive na tao pero pagdating sa mga ito nagiging emosyunal siya.
"We miss you too,my son. Hihintayin ka namin ng Lola Veronica mo,okay?"
"Yes,mom.."
Nang nakarating na siya sa condo unit na tutuluyan niya agad na sinabihan siya ng manager niya tungkol sa pananatili niya sa pilipinas.
Hindi niya sinabi ang totoong dahilan sa ina kung bakit siya nasa pinas bukod sa may offer siya magmodel sa isang clothing line.
"Bago ka umuwi sa inyo kasama mo na ang kinuha kong bodyguard mo," inporma ng binabaeng manager niya.
"Pwede ba sa pagbalik ko na lang? Ayokong magtaka ang mom ko kung bakit ako may kasama bodyguard," tugon niya.
Nagtaas ng isang kilay ang manager niya.
"Isa pa. Hindi ako pabor sa gusto mong setup na yun,alam mong ayaw kong may palagi umaaligid sakin," malamig niyang sabi rito.
Napabuga ng hangin ang binabaeng manager. "I know,this is just for your safety. I'm sure na susunod kaagad sayo ang baliw na stalker mo dito sa pilipinas," anito.
Hindi siya umimik. Noong una binabalewala lang niya ang ginagawa ng stalker niya dahil sanay naman siya sa binibigay na atensyon ng humahanga sa kanya pero hindi sa huLing pagkakataon iyun. Masyadong creepy ang stalker niya at may pagkakataon na binabantaan na nito ang buhay niya kapag hindi siya nakipagkita rito mapipilitan ito gawan siya ng masama o di naman kaya ang sarili nito. Dahil roon naisipan nila na umuwi ng pinas at baka sakali makatulong ang bagong environment niya upang mawala ang stress nila sa stalker niya iyun.
"Okay. Pagbalik mo nandito na ang bodyguard mo,okay na tayo?"
Tumango na lang siya. Nakaramdam na rin siya ng pagod dahil sa haba ng biyahe nila.
"Aalis na ko para makapagpahinga ka na. Babalik ako bukas para sa meeting natin sa A-Fashion Company," paalam na nito sa kanya.
Nang makaalis ang manager niya agad naman siya nagbabad sa banyo at nagpahinga na. Siguro naman hindi malaking abala sa kanya ang magiging bodyguard niya kahit mariin na tinatanggi niya huwag ng kumuha pa dahil ayaw niya maramdaman na may banta nga sa buhay niya at lalo hindi niya gusto na may lagi tao na nakabantay sa kanya ng 24 hours. But,he have no choice. Para naman iyun sa kaligtasan niya,so,be it.
Agad naman nakatulog ang binata pagkaraan maisip ang mga bagay na yun na mangyayari sa kanya ngayon nasa pilipinas na siya.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampiriHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...