Maingat na kinalas ni Hessah ang isang braso ni Gabrielle na nakapatong sa kanya para makababa ng kama. Walang saplot na tinungo niya kung nasaan nakasabit ang isang kulay puting roba at iyun ang pinangtakip niya sa kanyang kahubdan.
Nilingon muna niya si Gabrielle na mahimbing ang pagkakatulog bago niya dahan-dagan na binuksan ang pintuan ng silid nito. Dimlight ang ilaw sa hallway may limang pintuan naroroon at alam niya nasa dulong bahagi ang silid na kinaroroonan ng dating kaibigan.
Excited siya na makita itong muli pero nahahaluan iyun ng kaba.
Maalala pa kaya siya nito. Masaya siya dahil nabubuhay pa rin ito.
Pero aminin mo,bampira...gusto mo na hindi ka na niya maalala.
Nagpakawala siya ng hininga bago siya nagpasya na tunguhin ang silid ng dating kaibigan.
Maingat na pinihit niya pabukas ang doorknob at dahan-dahan na tinulak iyun pabukas.
Tanging liwanag mula sa bed side lampshade ang panglaw sa buong silid. Agad na nasilayan niya ang natutulog na dating kaibigan.
Walang ingay na humakbang siya palapit sa gilid ng kama nito.
She's very old now. Maputla at kulubot na ang lahat ng balat nito lalo na ang mukha nito na noong nagkita sila ay napakaganda nito.
Unti-unti gumuhit ang ngiti sa mga labi niya at pinakatitigan ang natutulog na kaibigan.
"Masaya ako na makita kang muli,Veronica.."usal niya habang nakatitig sa kaibigan.
"Tadhana na ang nagpatagpo satin...sorry kung..hindi ko binigyan ng oras na hanapin ka. I'm sorry,mas mainam na hindi na tayo magkita pa pero..."napailing siya habang may ngiti pa rin sa mga labi.
Umupo siya sa gilid nito at maingat na hinawakan ang kulubot nitong kamay. "Namiss ko ang init ng kamay mo,Veronica.."saad niya at napangiti lalo ng maalala niya ang nakaraan.
"Anong ginagawa mo?"gulat na sita ni Hessah ng biglang hawakan ni Veronica ang isa niyang kamay.
Sinamahan ni Hessah ang kaibigan na patulugin ang sanggol. Pinapanuod kung paano nito patulugin ang sanggol sa mga bisig nito habang marahan na sinasayaw-sayaw ang katawan hanggang sa makatulog ang anak nito .
Nakatunghay pareho sa natutulog na sanggol.
"Ang lamig ng kamay mo,"mangha saad nito habang pinipisil-pisil nito ang palad niya.
"Alam mo kung bakit.."aniya.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na may isang katulad niyo na nabubuhay sa mundong ito,"saad nito.
Binalik ni Hessah ang tingin sa sanggol.
"Hindi naman nakakapagsisisi na nabuhay ako sa ganitong uri,"saad ni Hessah.
Muli pinisil nito ang palad ni Hessah.
"Pero...naiinggit ako sa mga tulad niyo..mainit ang balat niyo,"natatawang amin ni Hessah rito.
Ikinulong nito sa pagitan ng mga palad nito ang kamay ni Hessah.
"Hahawakan ko lagi ang kamay mo kapag binisita mo kami ulit para naman mainitan ka,"nakangiti sabi nito kay Hessah.
Natawa si Hessah. "Ang weird!"
Tumawa si Veronica. "Weird nga pero sa ganoon paraan masuklian ko naman ang kabutihan mo sa amin mag-ina,"emosyunal na nitong turan.
"Ewan ko ba..dapat hindi ako nakikipagkaibigan sa iyo.."saad ni Hessah sabay ngisi sa kaibigan.
Sabay na nagkatawanan sila.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...