Kabanata 9

1.1K 90 1
                                    

Napapailing na lang si Hessah sa pagtrato sa kanya ni Gabrielle. Natatawa siya kapag naiisip niya ang inaakto ng binata. Imbes na siya ang magbantay dito siya pa ang gwadyardo nito.

Hindi pa nag-iisang oras siyang nakabantay rito habang nagpophoto shoot ito ay sinabihan na siya nitong lumipat sa ibang lugar na hindi siya pagtitinginan ng lahat na lalaki na naroroon at mula sa kinapupwestuhan niya nakita naman niya na dumating si Brandon at hinanap siya nito kay Cony. Mukhang nasabihan ito ni Gabrielle huwag ipaalam kung nasaan siya ngayon.

Ganun ba kairita sa kanya ang binata kapag agaw-pansin siya?

Napailing siya muli habang nakasandal sa katawan ng puno na kinatuntungan niya. Nasa isang private resort sila at summer attire ang sinoshoot ng binata kasama ang ilang modelo.

"Gwapo naman pala kaya si Samuel ang nasa opisina mo ngayon,"untag sa kanya ng boses na iyun.

Nilingon niya ang kinaroroonan ng may-ari ng boses na yun na kumonekta sa isip niya.

Ngumisi ito sa kanya. Nasa may malapad na batuhan ito na nasa dulong bahagi ng dagat nakaupo roon at mukhang kanina pa ito roon.

"Anong ginagawa mo rito?"pagtugon niya gamit ang isip.

Nagkibit ito ng balikat at binaling ang atensyon sa karagatan.

"Ikaw lang ba pwede magliwaliw?"pasuplada nitong tugon.

Isang iglap nasa tabi na siya nito at nanatili lang sa unahan ang tingin nito.

"Nagtatrabaho ako,my dear friend"sarcastic niyang tugon rito at umupo na sa tabi nito.

Nilingon siya nito na nakataas ang isang kilay.

"Uh,na may ibang agenda,don't deny it,i know you,my dear friend,"sarcastic din nitong tugon.

Napailing na lang siya. Sa kanila tatlo magkakaibigan ito ang may pinakaseryosong atityud at may katarayan. Tahimik at pilit na inilalayo ang sarili sa iba.

At alam niya kung bakit at paano nagsimula ang pagbabago nito na dati rati ay palabiro ito,ang masiyahin sa kanilang tatlo pero nagbago ang lahat. Sa isang pangyayari na  nagpabago rito.

"Bakit ka nagtatrabaho ka sa kanya? Naubusan na ba tayo ng empleyado at ikaw ang nagbabodyguard sa kanya?"maya-maya untag nito sa kanya.

Nilingon niya ito na may ngisi sa mga labi niya.

"Bakit ka enteresado?"

Inangilan siya nito at tumayo na.

"Hindi ba dapat nasa malapit ka nagbabantay? Bakit tinatanaw mo lang? Hindi ganyan ang trabaho mo dapat,isa ka pa naman Boss ng RSA tapos ganyan mo lang bantayan ang kliyente natin?"

Napaismid siya sa sobrang katarayan nito. Tumayo na rin siya. "Masyadong possessive eh,"tugon niya.

Agad na nginisihan niya ito ng makita ang hindi pagkapaniwala nito sa sinabi niya.

"Ayaw niya nakikipag-usap ako kahit kanino lalo na roon sa Brandon,"nakangisi pa rin niyang turan.

Umismid ito. "Feelingera ka naman ,"supla nito sa kanya saka lumundag sa may pampang na para iwan na siya roon. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa lugar na ito at hindi niya tatanungin dahil alam niyang ayaw nitong pinakikielamanan.

"Amjad,"pagtawag niya rito bago pa man ito tuluyan makalayo sa kanya.

Nilingon siya nito.

"I like him,"saad niya.

Nagkibit ito ng balikat.

Noon na hindi pa ito nagbabago. Ito ang lagi nagpapaalala sa kanila ni Miad na huwag basta magkakagusto sa mga lalaki ng piliin nila mamuhay sa lugar ng mga ordinaryong tao.

"Malaki ka na,i mean,matanda ka na para dyan,"tugon nito.

Natawa siya sa sinabi nito.

"Siguruduhin mo lang na hindi ka masasaktan ng taong yun dahil kung hindi mananagot siya sakin,"mariin at may babala nitong pahabol na sabi gamit ang isip nito.

Natawa siya at napailing. Kahit ganun na ito alam niya itinatago lang nito ang totoong sarili sa nakaraan nito.

Sana mapatawad na nito ang sarili at namimiss na nila ang dating palabiro at masiyahin Amjad.

Napukaw siya ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Gabrielle.

Agad na natanaw niya ito na sinusuyod nito ang buo paligid.

Napangisi siya.

Hinahanap na siya ng possessive niyang amo.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon