Kabanata 23

954 79 2
                                    

Nahahaluan ng pagtataka ang pag-alala ni Gabrielle para sa kaibigan na si Alex. Kanina pa niya gusto tanungin si Hessah kung saan sila papunta. Nasa labas na sila ng siyudad at marami na silanb ospital na nilagpasan hanggang sa kasulukuyan para na sila papuntang probinsya.

Nilingon niya si Alex. Wala pa rin itong malay. Napakaputla nito at...tila namamayat na din ito.

Ano naman kaya ginawa ng isang ito?

Kilala niya ang kaibigan. Health conscious ito lalo pa nga't nagmula ito sa pamilya na may mga sakit kaya naman naging maingat ito sa kalusugan nito. Kapag nagkakasakit nga ito. Siya agad ang pinupuntahan nito.

Ganun ito kaparanoid kapag may sakit ito na siya lamang nagpapamahinahon rito.

Pero base sa nakikita niya ngayon sa kaibigan. Hindi lang basta sakit ang nakikita niya rito. Ito ang unang beses na nakita niya na ganun ang itsura nito.

Napukaw siya ng huminto ang sasakyan. Agad na napabaling siya sa labas ng bintana.

Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita na nasa gilid sila ng kagubatan? Kakahuyan?

Hindi na siya nakatiis na tanungin ang dalaga.

"May ospital ba dito? Bakit dito tayo nagpunta? Maraming ospital na tayo nilagpasan,Hessah!"sunod-sunod niyang tanong at hindi na napigilan pa na tumaas ang boses niya.

Naghalo-halo na kasi ang pagtataka,pag-aalala at kuryusidad.

Kalmante naman siya nilingon ng dalaga.

"Hindi siya pwede sa ospital dalhin,Gabrielle, "tugon nito na puno ng kaseryusohan.

Napatitig siya rito. Ibang-iba ang tono nito. Iyun bang may hatid na hindi basta-basta ang lahat ng ito.

Pero hindi niya maunawaan kung bakit ganun ang pakiramdam niya ngayon?!

May sakit lang ang kaibigan niya pero bakit tila ba nanganganib ito...sila?

Bago pa man siya makapagtanong muli may kumatok sa bintana ng kotse sa bahagi nito.

Agad na binuksan iyun ni Hessah at bumaba ito ng sasakyan. Agad din siya bumaba at natigilan ng makita na may tatlong lalaki na nakaitim ang lumapit sa gawi niya at binuksan ang pintuan kung saan nakasakay ang kaibigan.

Agad na iniharang niya ang sarili bago pa mahawakan ng isang lalaki ang kaibigan.

Iba na ang kutob niya. Kanina sa labas ng bahay niya may isang lalaki na lang bigla sumulpot na siyang nagsakay kay Alex sa kotse.

Ang pagkakatandan niya. Si Hessah lang ang kinuha ng manedyer niya na magbabantay sa sekyuridad niya!

"Gabrielle,"pagtawag sa kanya ni Hessah.

Seryoso na nilingon niya ang dalaga.

"Wala akong tiwala sa hitsura nila..pati yung kaninang lalaki na bigla na lang sumulpot. Sino ba yun? Kilala mo ba yun?"aniya. "Saka bakit dito tayo nagpunta? May ospital ba dito? May sakit si Alex. Anong gagawin natin dito sa kanya?"naiirita na niyang saad.

Napabuga ng hangin ang dalaga.

"Pribadong lugar ito na pag-aari ng kaibigan kong doktor,Gabrielle.."

"Magagamot naman siya sa ospital ah!"

"I know...pero wala siyang sakit,Gabrielle.."

"Ano?"

Nilingon niya ang kaibigan. "Namumutla siya,hindi mo ba nakita? Ibig sabihin may sakit siya!"

"Magtiwala ka na lang sakin,Gabrielle.."

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito.

Tiwala.

Hindi ba dapat iyun ang dapat gawin niya lalo pa at magkalapit na silang dalawa?

Marahas siyang napabuga ng hangin. Sumusukong napailing na lang siya at hinayaan na ang mga lalaki na bitbit si Alex.

Nauna ang mga ito na pumasok sa kakahuyan.

Nag-aalala at nangangamba siya. Hindi niya maintindihan kung bakit doon dadalhin ang kaibigan.

At walang sakit si Alex?

Sabi nga magtiwala ka lang kay Hessah!

"I'm sorry,babe. Alam kong nagtataka ka pero magtiwala ka lang. Nasa mabuting kamay si Alex,"untag sa kanya ng dalaga.

Napasandal siya sa kotse. Napasuklay siya sa kanyang buhok dala ng frustration sa nangyayari.

"He's my bestfriend,Hessah. Takot yun magkasakit dahil nanggaling siya sa pamilya na puro may sakit,"saad niya na puno ng pag-aalala para kay Alex.

Napasinghap siya ng lumapat ang palad ng dalaga sa tapat ng puso niya.

Sa tuwing ginagawa nito iyun ay muli kinalma niyun ang puso niya. Pati ang isip niya ang nakalma na rin.

"He'll safe here,Gabrielle.."malumanay nitong saad na siyang kinatango na lamang niya kasunod niyun ang pagbibigay niya ng tiwala rito.

Namamangha na sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Isang kubo ang nakatayo sa gitna ng kagubatan. Pero mas namangha siya ng makapasok na sila sa loob ng kubo dahil moderno ang loob niyun. Parang dinaya lang sa labas pero aakalain mo nasa isang mansion ka.

Napakurap-kurap siya. Hindi kapani-paniwala bahay-kubo!

"Weird di ba?"untag sa kanya ni Hessah. Nakangisi ito sa kanya.

"Malamang pati may-ari ng bahay na ito weird din,"saad niya na kinatawa nito ng mahina.

"Ganun ba?"

Marahas siya napabaling sa nagsalitang iyun.

Isang babae ang nakahalukipkip habang nakasandal sa may bukana ng pintuan na hindi lang niya alam kung saan iyun papunta.

Her eyes. Napakaseryoso niyun. Tila nga walang buhay iyun.

"Hindi lang naman ako may-ari ng bahay na ito..hindi ba,Hessah?"baling nito kay Hessah.

Napabaling siya sa dalaga.

"Uh,may share ako dito,"anang ng dalaga.

Nangunot ang noo niya.

"Malalim na ang koneksyon niyo sa isa't-isa. Hindi ka pa rin nagsasabi sa kanya kung anong buhay na meron ka?"

Napabaling siya sa babae sa sinabi nito. Lalo nangunot ang noo niya. Hindi na niya maintindihan.

Seryoso at matiim na nakatutok sa kanya ang mga mata ng babae.

"Gabrielle..siya si Amjad,kaibigan ko..ahm,business partner na din,"anang ni Hessah na kinabaling niya rito.

Napabuga siya ng hangin.

"I will ask that pero importante sakin si Alex ngayon,"saad niya sa dalaga.

Kakalmado lang niya kanina at ang kaibigan niyang si Alex ang dapat niyang isipin ngayon.

Maraming pagkakataon na makilala niya ang dalaga o màlaman ang mga bagay tungkol rito.

"Nice. Ginagamit mo pala sa kanya ang tinuro ko sayo,I'm so flattered,"mahiwaga  sabi ng kaibigan ng dalaga na siyang kinapukaw niya.

Inirapan naman ito ni Hessah saka nginitian siya ng dalaga ng bumaling ito sa kanya.

"Alex is fine now,"anito sa kanya.

"Dito muna siya sa loob ng tatlong araw for observation,"untag ni Amjad.

So,siya pala ang doktor.

"I can visit him,right?"tanong niya kay Hessah.

"No..explain to him,Hessah,"seryoso sabi nito sabay talikod na sa kanila.

Naguguluhan bumaling siya kay Hessah.

"Strikta siya kapag may pasyente siya. Huwag ka mag-alala. She will update us  ,oras-oras.."anang ng dalaga.

Napakaweird nga talaga.

Well,wala naman siya choice kundi magtiwala lang talaga.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon