Kabanata 25

922 79 5
                                    

Hindi na nagtaka pa si Gabrielle na masundan na siya ng baliw niyang stalker. Nakatanggap siya ng mensahe mula rito.

Kung kailan nahanap na niya ang isang bagay na magpapasaya sa kanya saka naman dumating ang malaki niyang problema.

Paano pa niya mai-enjoy ngayon kung ano man meron sa kanila ni Hessah kung bawat minuto iniisip niya na baka nasa paligid lang nila ito.

Nangangamba siya na baka pati si Hessah ay saktan nito. Oo. Kayang ipagtanggol ng huli ang sarili nito pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

Babae pa rin ito at hindi niya minamaliit ang kakayahan nito pero baliw ang stalker niya!

Sino bang matinong tao na susundan ka ng susundan imbes na abalahin nito ang sariling buhay?!

Marahas siyang napahilamos sa mukha. Nasa photoshoot siya ngayon at breaktime nila kaya ngayon okupado ang isip niya tungkol sa stalker niya. Hindi niya ipinaalam sa manager ang tungkol sa pagpaparamdam muli ng baliw na yun.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Nagtataka naman sa kanya make-up artist dahil sa panay na pagbuntong-hininga niya.

Nasa labas ng venue naman si Hessah. Nais nitong masiguro ang seguridad niya kaya mainam na mag-ikot-ikot dahil alam nila na may posibilidad na nasa paligid lang ang stalker niya.

"Ayos ka lang ba?"untag sa kanya ng manager niya na hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya.

"Kanina ko pa napansin na parang maligalig ka? Nagpaparamdam na ba sayo ang baliw na stalker mo?"mahina nito sinabi ang huling salita dahil sa dalawang babae na kasama nila na abala sa pag-aayos ng kung ano.

Umiling siya. Tinaasan naman siya nito ng kilay. Nagdududa.

"Gusto ko bisitahin sina Mama at Lola sa bulakan,"saad niya.

Agad na sumilip ang manager niya sa celpon nito.

"Next week ka pa pwede,"anito.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Bigla na lamang niya naisip ang kanyang ina at lola. Marahil sa ganitong pagkakataon kailangan muna niyang magpakalayo.

Pero hindi mo ba naisip na baka masundan ka din ng stalker mo at mapahamak pa sila.

Mariin niyang naipikit ang mga mata.

Pero namimiss na din niya ang ina at lalo na ang Lola niya. Nangako pa naman siya sa mga ito na bibisitahin niya ang mga ito ng madalas.

Pero..paano kung mapahamak nga ang mga ito at gawan ng masama ng stalker niya?!

Shit!

Kailangan talaga mahuli na kung sinong baliw na stalker niyang iyun ng matahimik na siya!

Hindi nakaligtas kay Hessah ang pananahimik niya habang pauwi na sila. Panay ang sulyap nito habang nagmamaneho.

"Magseselos na ko niyang kung ang stalker mo ang iniisip mo ngayon?"pukaw nito sa kanya.

Nang lingunin niya ito ay nginisihan naman siya nito at marahas naman siyang napabuga ng hangin.

Kunot ang noo na tintigan niya ito.

"Baliw na stalker yun,Hessah.."mariin niyang sabi.

"Pero hanggat nasa tabi mo ako hindi siya makakalapit sayo,"tugon nito.

"Alam ko..pero desperada na siya. Paano kung maisahan ka niya? Tayo?"

Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay niya saka ito bumaling sa kanya.

"Sabihin mo sakin kung ano magagawa ko para mapanatag ka?"seryoso nitong tanong.

"Gusto ko muna lumayo. Umalis dito. Oo..may posibilidad na masundan pa rin niya ko pero...iniisip ko na hindi mo naman hahayaan na mapahamak ako o mga tao nakapaligid sakin,"saad niya.

Bahala na. Sa ngayon gusto muna niya makapiling ang mahal niya sa buhay. Hindi niya alam pakiramdam niya may taning na ang buhay niya ngayon  nasundan na siya ng stalker niya.

"Oo naman.."

Bumuntong-hininga muna siya. Sana tama ang desisyon niya. Pero may tiwala siya kay Hessah na hindi siya nito pababayaan.

"Uuwi muna ko kina Mama at sa Lola ko na nasa bulacan,"saad niya.

Bahagya nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Bakit?"puna niya rito.

"Malayo nga rito. Kailan mo gusto pumunta ng bulacan?"tugon nito sa kanya.

May kung anong kislap ng pagkaexcite siya nakitang dumaan sa mga mata nito.

Hmm..iba ang pakiramdam niya sa nakita niyang reaksyon nito.

"Next week pa ako walang schedule,"sagot niya pagkaraan.

Tumango-tango ang dalaga pero hindi nakaligtas sa paningin niya na tila nahulog ito sa pag-iisip.

"Well,excited na ko makilala sila,babe.."maya-maya saad nito.

Napaangat ang isang sulok ng mga labi niya.

"Ako din naman,"aniya.

Nginisihan siya ng dalaga bago ito naunang bumaba ng sasakyan at gaya ng ginagawa nito. Inikot muna nito ang buong paligid bago siya pababain ng kotse kapag nasiguro na nito na ligtas siya.

Ganun ito kasecured sa kanya. Sino bang hindi mamangha sa isang babaeng katulad nito na alagang-alaga ka na nga todo pa kung protektahan ka!

Hindi niya inaasahan na darating ang pagkakataon na ito na...magkakagusto siya sa isang babae na hindi lang basta tipikal na babae!

Inamin mo na din na nagkakagusto ka na talaga sa kanya hindi lang dahil sa pinagnanasahan mo siya!

Napukaw siya ng may kumatok sa bintana na nasa kaliwang bahagi niya. Binaba niya ang bintana at nakayuko sa kanya ang dalaga.

"All clear,"anito sa kanya sabay ngisi sa kanya.

Hindi na siya nakapagpigil pa. Dinaklot niya ang batok nito saka siniil ng halik ang nakangisi nitong bibig. Agad naman nito tinugon ang halik niya.

Nasa kalagitnaan pa sila ng paghahalikan ng bigla na lamang tumigil ang dalaga at naging alerto ito na kinatigil niya.

Naging malikot ang dalaga na tila ba may hinahanap ito kung ano saka muli bumaling sa kanya.

"Sorry..pumasok na tayo sa loob,"sabi nito.

Tahimik na tumango siya at bumaba ng kotse. Sigurado siya may kakaiba sa paligid.

Nàpukaw siya ng hawakan ng dalaga ang kamay niya.

"Tahimik ka? Nabitin?"panunudyo nito sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya rito.

"It's your fault,"paninisi niya rito.

Tumawa ito na may kasamang lambing. Humawak ito sa braso niya.

"Okay,babawi ako,"anito na sinabayan ng pagkindat sa kanya na may pang-aakit.

Nahigit niya ang hininga.

Tukso talaga ito sa kanya pero siya na ang may matibay na pagkontrol sa sarili dahil kahit sabik na sabik na siya maangkin ito ng tuluyan hindi pa rin iyun nangyayari dahil ayaw niyang pilitin ito at gusto niya pareho nilang gagawin iyun sa tamang pagkakataon.

Yeah,right. Ikaw na ang isa sa mga lalaking gentleman!

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon