Napabuga ng hininga si Gabrielle habang nakatitig sa labas ng bintana ng kotse. Hindi niya kasama ngayon si Hessah dahil may napakaimportante daw ito inasikaso ukol sa trabaho nito kung kaya ang nagmamaneho ngayon na siyang pansamantalang pumalit sa dalaga. Patungo sila sa bahay ni Alex. Tinawagan siya nito ng maagang-maaga para lamang sabihin na bisitahin niya ito at may ipapakilala raw ito sa kanya.
May kutob na siya na babae yun. Ayaw naman niya mainip at mamiss ng sobra si Hessah kaya nagpasya siyang puntahan ang kaibigan.
Huminto ang sasakyan at hindi muna siya pinababa ng lalaki upang tiyakin ang kaligtasan niya sa lugar na iyun. Kung hindi lamang niya alam na habilin iyun ni Hessah malamang inunahan na niya ito bumaba ng sasakyan pero dahil kailangan niyang maging masunurin ngayon dahil nakasalalay dito ang relasyon nila ng dalaga.
Deym. Kontrolado siya ng dalaga sa bagay na yun. Wala ng angal kaligtasan naman niya ang isinasaalang-alang nito.
Isang katok sa bintana ang pumukaw sa kanya hudyat na maaari na siyang bumaba.
"Clear,Sir.."untag nito pagkababa niya.
Kanina pa siya nawiwirduhan sa lalaki. Masyado itong balot na balot tila ba isa itong goons pero hindi malaki ang katawan nito base lang sa suot nito. All-black. Mula sa sumbrero hanggang sa sapatos nito.
Hindi ba ito naiinitan?
Tinanguan niya ito saka siya humakbang papasok sa gate na gawa sa kahoy. Hanggang beywang lang niya iyun at nakabukas na iyun. Napuna niya ang isang kulay itim na kotse. Kumikintab iyun sa tama ng araw at sa palagay niya double tinted ang mga salamin. Alam niya iyun dahil ganun ang sasakyan niya noong nasa ibang bansa pa siya mula ng makilala na siya ng publiko.
Hindi siya magkakamali. Siguradong sa bisita nito iyun.
Hindi pa man siya nakakalapit sa pintuan at kumakatok parang may kung ano kaba na bigla na lamang umusbong sa dibdib niya.
Nilingon muna niya ang kinaroroonan ng temporary bodyguard niya. Nasa loob ito ng kotse niya at nakababa ang bintana niyun sa may driver's seat.
Nakatanaw naman ito sa kanya. Nagkibit na lamang siya ng balikat at saka siya kumatok. Agad naman pinagbuksan siya ni Alex..
"Ayun oh!"bungad nito sa kanya.
Agad na nag-fist bump sila nito na ugali nila gawin sa tuwing nagkikita.
"Anong meron?"agad na tanong niya saka umupo sa single sofa sa may sala nito.
"Wala naman. Ah,kasi nandito girlfriend ko,dudes! Avid fan mo siya!"anito.
Nag-angat siya ng tingin rito. Nakatayo ito sa may harapan niya.
May kung ano siya napansin sa kaibigan. May kakaiba rito pero hindi niya lang matanto.
"Hmm,where is she?"
Sabay sila napalingon sa kaliwang bahagi nila ng marinig nila ang yabag kung saan naroroon ang kusina.
Isang matangkas,maputi at magandang babae ang lumabas roon.
Proud na proud naman na agad na inakbayan ito ni Alex pagkalapit sa kanila.
Hindi inaalis ng babae ang mata nito sa kanya.
At sa puntong iyun. May kakaiba talaga siyang nararamdaman!
"Dudes,please my beautiful girlfriend. Rowena,babe..this is my bestfriend,Gabrielle..your idol!"pakilala ni Alex sa kaniya rito.
Nanatili siya nakatitig sa babae. Matamis ang ngiti sa mapupula nitong mga labi pero...mas mapupula at masarap ang labi ni Hessah!
Napukaw siya ng maglahad ito ng palad sa kanya.
Agad na bumaba ang tingin niya sa kamay nito. Bahagya napakunot ang noo niya ng mapuna na may suot itong transparent na gwantes.
"Hi.."mahiyain at mahinhin nitong untag sa kanya.
Hindi na lamang niya pinansin ang kakaiba sa suot nito. Agad na inabot niya ang palad nito at mabilis lang na kinamayan niya ito. He don't know pero hindi niya feel na mahawakan man lang ito o ano.
"Dudes,paautograph si babe sayo ha,papicture na rin daw!"
Mahiyain na natawa ang babae sa pinagsasabi ng kaibigan.
"No problem,"sagot niya.
"Babe,may ibibigay ka sa kanya,hindi ba?"
Agad na tumalima ang babae at may kinuha ito sa gilid ng center table. Isang kulay pulang paper bag iyun at inabot sa kanya.
"Para sayo,Gabrielle.."saad nito.
Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lamang siya kinilabutan ng maulinigan na tila may pang-aakit sa tono ng pananalita nito sabayan pa ng pag-iba na ng titig nito sa kanya.
Malalim na ang pagkakatitig ng kulay asul nitong mga mata.
And he's not comportable now..ah,no,tamang sabihin may kung ano panganib na nakaamba sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya.
"Dudes,mamahalin yan galing pa yan sa Europe!"untag ni Alex.
Kuryuso na inabot niya ang paper bag sa babae at sinilip ang laman niyun.
Isang bote ng alak ang laman niyun.
"That's a special wine from our family business..we have winery company,"untag nito.
Tumango-tango siya. "Thank you,Rowena,"pasasalamat niya rito.
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito.
A weird smile na tila ba ang klase ng ngiti nito ay yung tila ba na matagal na siya nito kilala at ngayon lang sila personal na nagkaharap.
"Wala yung bodyguard mo?"bigla tanong ni Alex sa kanya.
Agad na naalala niya si Hessah.
"May importante inasikaso kaya wala siya,"tugon niya sa kaibigan.
"Alam mo ba,babe..noong susupresahin ko si Gabrielle pagkadating ko dito sa pilipinas. Alam mo ba ako ang nasupresa! Mala-amazona sa lakas yung bodyguard niya!"
Napailing na lamang siya pagkukwento ng kaibigan tungkol roon.
Nanatili nakatitig sa kanya ang mga mata ng babae kahit kinakausap ito ni Alex.
Ang titig nito na unting-unti nagbibigay sa kanya ng kilabot...pangamba at panganib.
Pero bakit nga ba ganun na lamang ang dating ng tingin nito sa kanya gayun ngayon lamang sila nagkakilala nito.
Hayaan mo na,Gabrielle. Fan mo yan malamang sinasamantala lang niya na titigan ka dahil maswerte ito na nakaharap ka niya.
Sabagay. Siguro kung nasa tabi lang niya si Hessah malamang sa malamang tinaasan na ito ng kilay ng huli.
Napangisi siya ng bahagya ng maisip iyun.
Namimiss na niya ito!
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...