Ayon sa report sa kanya ni Simon walang bakas na may pumapasok na bampira sa tinutuluyan ni Alex. Isa lang ang sagot dun. Ang lalaki nagpupunta kung saan nito kinakatagpo ang bampira na siyang dahilan kung bakit nanghihina ito.
Alex become intimate on his vampire lover. Whoever she is kailangan nila mahanap iyun dahil baka hindi lamang si Alex ang biktimahin nito. Alam din nila na hindi lang isang beses na nakipagtalik si Alex sa bampirang iyun. Inuunti-unti ng babaeng bampira ang pag-ubos nito sa dugo ni Alex.
Alex become anemic. Bumaba na ang ang red blood cells nito at nahaluan na ng venom mula sa laway ng bampira ang katawan nito at kung hindi maagapan may posibilidad na mamatay ang binata at kung kakayanin ng katawan nito maaari din ito maging isang bampira kaya nga lang isang mahinang uri lamang at hindi rin magtatagal ay unti-unti din ito papatayin ng lason mula sa venom ng bampira na kumakalat sa buong katawan nito.
Napabuga ng hangin si Hessah habang tintitigan niya si Alex.
Maputla pa rin ito. Mahina pa rin ang pulso nito pero dahil isang napakahusay na manggagamot si Amjad. Alam niyang maliligtas pa ito.
Ganun kahusay at kadalubhasa ang kaibigan. Wala din sa bokabularyo ni Amjad ang pagsuko hanggat kaya nitong bumuhay gagawin nito.
"May balak ka bang sabihin sa kanya ang tungkol sayo?"pukaw sa kanya ni Amjad.
Nakasandal ito sa gilid ng pintuan habang nakapamulsa sa suot nitong kulay pulang long gown scrub.
Nilingon niya ito.
"Kapag hiningi ng pagkakataon,"tugon niya rito.
Matiim ito nakatitig sa kanya na tila inaarok na kung talagang seryoso siya roon. Nginisihan niya ito.
"His grandmother is my bestfriend,Amjad..Veronica knew aboutmy true identity,"inporma niya rito.
Hindi nagbago ang blanko nitong ekspresyon sa maganda nitong mukha.
"Sa tingin mo tatanggapin ka niya?"
Hindi siya nakaimik. Iyan ang tanong na ayaw muna niyang isipin.
"If he's really love you. He will and can accept you kahit ano ka pa,Hessah..pero kung hindi at katakutan ka niya. May capsule is ready anytime para makalimutan ka niya,"anito.
Yeah. Isang napakahusay at genious na doktor!
Nakapag-inbento ito ng gamot ng makakapagbura ng kahit anong alaala at isa yun sa mga gamot nito na pinakaiingatan nito maliban sa paggamot nito gaya ng kaso ni Alex.
"Thanks in advance...kahit nakakaba ka mag-advance dahil alam ko minsan nangyayari yang sinasabi mo,"aniya.
Nagkibit ito ng balikat at lumapit sa pasyente nito at tinitigan.
"He's getting stable now..although mahina pa rin ang pulso niya but his hormones is getting active again,"anito.
Tumango siya sa sinabi nito.
Magkaharap sila nito na nakatayo sa magkabilang gilid ng kama ng binata.
"Isa sa mga lalaki na kinaaayawan ko. So,fuvk boy,"disgusto nitong sabi na kinatawa niya.
"He's handsome,why not? Babae na ang lumalapit sa kanya,"natatawa niyang saad.
Masama ang mukha na bumaling sa kanya ang kaibigan.
"That's a ridiculous,"anito.
Nagvibrate ang phone niya na nasa bulsa ng suot niyang pantalon.
Walang ibang tatawag sa kanya kundi si Gabrielle.
Nagpaalam naman siya rito na bibisitahin si Alex at hindi na niya ito sinama pa dahil pagod din ito sa naging shooting nito for commercial.
Pasadong ala una na ng madaling araw at hindi siya nangangamba na may masama mangyari rito o pasukin ulit ang silid nito ng babaeng bampira na nadatnan niya noong isang araw dahil may nakabantay naman rito .
Agad na lumabas siya ng silid na iyun.
"Bakit gising ka pa?"agad na bungad niya rito.
"Anong oras ka uuwi? Hihintayin kita,"tanong din nito.
There is something wrong with his tone.
"Something's wrong?"seryoso niyang tanong. Alam niya kapag ganun ang tono niya. Alam nito na gusto niya malaman kung ano man ang bumabagabag rito.
Napabuntong-hininga ito.
Napahigpit siya sa hawak na aparato.
"Babe.."naiinip niyang tawag rito.
Muli ito napabuntong-hininga at sa pagkakataon iyun nararamdaman niya na may bumabagabag nga rito.
"Something weird lang,babe.."
"What is it?"
"Sa pag-uwi mo na,babe.."
Napabuga siya ng hangin. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nito iyun sinasabi.
"Okay,pabalik na ko dyan,"aniya.
Agad na nagpaalam na siya sa kaibigan at hindi rin naman nagtagal nakarating na siya sa bahay ni Gabrielle.
Walang ingay na pumasok siya sa silid ng binata. Nakabukas na ang pintuan nito.
Nakaupo ito sa gilid ng kama patalikod sa kanya. Panay ang suklay nito sa sariling buhok.
Ramdam na ramdam niya ang bigat ng hininga nito.
"Babe,"untag niya rito.
Agad na napalingon sa kanya ang binata at mabilis na nilapitan siya. Mahigpit na yakap agad ang ginawa nito.
"What's wrong?"
Pinakawalan siya nito at inabot sa kanya ang phone nito. Nagtataka naman na kinuha niya iyun at isang mensahe ang bumungad sa kanya.
Wherever you are. I'm always follow your track. You are only mine,Gabrielle.
Napahigpit ang hawak niya sa aparato.His stalker!
"Paano niya nalaman ang contact number ko?"puno ng pagtataka nitong sabi.
"You,Alex and my manager lang ang nakakaalam. Hindi rin naman basta ibibigay yan ni manedyer sa kahit sino dahil alam niya ang sitwasyon ko!"nababahala ng saad ng binata.
Napasuklay ito sa sarili nitong buhok.
Hindi man nito sabihin alam niyang nangangamba ito.
Marahas ito bumuga ng hangin.
"Baka saktan ka niya,"maya-maya saad nito.
"She can't, babe.."aniya.
"I know..pero yang baliw na stalker ko na yan siguradong kaya na niyan manakit at...at ayaw kong mangyari yun sayo,"anito.
Aww..he's so sweet,bampira.
Nilapitan niya ang binata at nilapat ang palad sa tapat ng puso nito.
"Pangako. Hindi niya ko masasaktan mas lalo ka na,Gabrielle. Hindi ko hahayaan mangyari yun,"puno ng konbiksyon niyang sabi rito.
"I believe you,babe...pero nag-aalala pa rin ako,"mahina nitong sabi.
Yumakap siya sa batok nito.
"Thank you,babe..nagiging open ka na sakin at masaya ako para dun,"nakangisi niyang tudyo rito.
Sinamaan siya nito ng tingin at bilang ganti. Mapusok at mainit na sinakop niya ang nakatikom nitong mga labi na hindi naman nagtagal bumigay rin at hinigitan pa nito ang halik niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/206313380-288-k308681.jpg)
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...