Agad na inilock ni Hessah ang pintuan pagkapasok niya. Walang ingay na kinausap niya ang dalawang tauhan niya na alam niyang napuruhan din pagkatapos makaengkuwentro ng mga ito ang babaeng na sigurado na siya din pumasok sa silid ni Gabrielle.
Hinala niya na ito rin ang nararamdaman niyang presensya kahapon ng makauwi sila ni Gabrielle.
Natuyo na ang dugo sa braso niya pero ang sugat na tinamo niya mula sa matalas na kuko ng babaeng bampira iyun ay tuluyan ng naghilom.
"Ialarma niyo lang ang sarili niyo. Magpapadala ako ng makakasama niyo. Sigurado ako na babalik at babalik ang bampirang yun,"mariin at maawtoridad niyang sabi sa mga ito.
"Yes,Boss!"sabày na pagtugon ng mga ito at tahimik na nilisan ang balkonahe at bumalik na sa kani-kanilang puwesto.
Naikuyom niya ang mga palad habang nanatiling nakatutok ang mga mata sa may kakahuyan kung saan doon niya nasaksihan ang pakikipaglaban ng tauhan niya rito.
Nagagalit siya dahil nawalan siya ng isang tauhan. Hindi basta-basta ang babaeng bampirang yun. Mahusay ito makipaglaban at...nababahala din siya ng madiskuber niya na ang amoy ng babae iyun ay siyang naaamoy niya kay Alex.
Posibilidad na iisa ang mga yun at..magkaibigan ang biktima nito.
Naipilig niya ang leeg kasabay ng paniningkit ng mga mata niya.
Hindi kaya siya ang stalker ni Gabrielle? Anang ng isip niya.
Mas lalo naikuyom niya ang mga palad. Sa oras na malaman niya na tama ang sinabi ng isip niya. Hindi siya magdadalawang-isip na patayin ito sa susunod na magkita sila nito.
Bago pa man siya katukin ni Gabrielle agad na nagtungo na siya ng banyo upang maglinis. Binalot niya ng benda ang braso na nasugatan kanina at siguro naman hindi na iyun uusisahin pa ng binata.
Suot ang white longsleeve polo nito na umabot hanggang sa gitna ng hita niya at sa ilalim niyun ay ang boxer short nito na siyang sinuot niya.
Natigilan ang binata ng makita siya nito. Napangisi siya ng makita ang kislap ng pagkamangha sa mga mata nito.
"What?"natatawa niyang pukaw rito.
Bumuga ito ng hininga. "Hindi ito ang tamang oras para magmukha akong tanga pero..sasabihin ko pa rin,you look damn so sexy and hot with my clothes,"saad nito na kinatawa niya.
"Well,thank you,babe.."kagat-labi niyang tugon.
Agad na kumislap ang mga mata ng binata. Kislap ng pagkamangha at pagnanasa.
Mukhang nagpigil lang ito sa sarili ng paupuin na siya nito upang ilapag ang kape na hiningi niya.
Pinigilan niya ang sarili ang malukot ang ilong ng maamoy ang aroma nito.
Siya lang ang kakaibang nilalang na ayaw sa amoy ng kape..hindi niya alam ang lasa niyun pero mapait daw. May matamis at matapang.
Hindi niya kailanman sinubok na tikman iyun.
Wala siyang allergy sa kape. Ayaw lang niya talaga ng kape. Mas masarap pa rin ang dugo.
Mas masarap din yung nasa harapan mo..
"Nilinis mo ba ng mabuti yang sugat mo? Kapag namaga yan pupunta tayo ng ospital para magamot ng tama,"untag nito sa kanya.
Seryosong-seryoso ang mukha nito na nakatitig sa braso niya na binalot niya ng benda.
"Maayos ang pagkakalinis ko dito,babe..ilan beses na rin naman ako nasugatan sa trabaho ko kaya..expert na ko sa paggamot sa sarili ko,"aniya sabay kindat rito.
Napatiim-bagang ito sabay talim ng mga mata sa kanya.
"Useless ang pagiging eksperto mo sa trabaho kung hindi ka pa rin nag-iingat,"tiim-bagang nitong tugon sa kanya.
Uh-oh,mukhang hindi pa rin siya makamove on,bampira!
Inginuso niya ang mga labi upang ipakita rito na guilty siya roon. "Hindi naman kasi maiiwasan yun eh,"aniya.
"Ano ba ang ginagawa mo roon? Sagutin mo ang tanong ko,Hessah.."mariin nitong tanong.
"Alright,as your bodyguard kailangan ko masiguro na ligtas ka. Hindi ba parang may kakaiba kanina sa labas? So,i have to check it since that's my part of my job.."deretso niyang sagot rito.
Tila duda naman ito sa sagot niya. "Paano ka nasugatan?"
"Nadaplisan ako ng nakausling sanga habang papalabas ako dun..hindi ko napansin kakamadali kasi baka hinahanap mo na ko,"tugon niya agad.
Naningkit lalo ang mga mata nito may kislap pa rin ng pagdududa ang mga mata nito.
"Hindi ka ba naniniwala sa mga sagot ko?"untag niya rito.
Tila naman ito natauhan sa tanong niya. Napabuga ito ng hininga. "I'm just so worried kanina ng makita kutang duguan kaya mahirap sakin na agad na maniwala,"matapat nitong sagot sa kanya.
Napangiti siya rito saka tumayo at lumapit rito upang umupo sa kandungan nito ng patagilid. Agad naman pumulupot sa katawan niya ang mga braso nito at malambing na hinalikan niya ang buong mukha nito.
"Thank you sa pag-aalala,babe.."usal niya sa pagitan ng paghalik niya sa mga labi nito.
"Sa susunod huwag kang basta-basta na lang susugod kung saan at kung ano man yun..ayokong nag-aalala sayo,"anito.
"Okay! Tatandaan ko yan. Kung kailangan lang,okay?"aniya.
Tumango naman ito at ito na ang nagkontrol sa pagsasanib ng mga labi nila.
Mas masarap ang makipaghalikan sa binata kaysa sa kape na umuusok pa rin.
Dinaan sa landian huwag lang mainom ang kape..
Sa kabila ng paglalandian nila naiisip pa rin niya na hindi na ligtas si Gabrielle sa lugar na ito. Babalik at babalik ang babaeng yun.
Mainam na lumayo muna ito.
Magkikita na kayo ni Veronica!
Nasasabik siya na makita ang dating kaibigan pero kaakibat niyun ang pangamba dahil maaaring malaman ni Gabrielle kung sino siya.
Hindi niya alam kung naikukwento siya ni Veronica rito pero hiling sana niya na hindi na lang at sa inaanak niya na si Geneva.
Well,magagawan naman niya ng paraan kung alam ni Geneva ang tungkol sa kanya sakali naikwento siya rito ni Veronica. Maaari naman ihipnotize ito at burahin ang nalalaman nito tungkol sa kanya na hindi niya naman ginawa kay Veronica.
Tiwala siya ng magkalayo sila nito ay hindi na sila magkikita pa o maaaring hindi na ito nabubuhay pa pero...mabait ang nasa Itaas dahil humaba ang buhay ng dating kaibigan at mukhang pagtatagpuin na muli sila.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampiroHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...