Pagkababa pa lamang niya ng kotse agad na sinalubong siya ng ina na sobrang sabik na sabik na makita siya. Mahigpit ang yakap nito sa kanya at naipikit niya ang mga mata ng muli maramdaman ang init ng yakap ng kanyang ina na mararanasan lamang niya kapag uuwi siya ng pilipinas para bisitahin ito.
"I miss you so much!!!" garagal ang boses nitong saad.
"I miss you,too,mom.."
Sa lahat ng tao. Ang kanya ina lamang ang nakakakita ng tunay na Gabrielle Tress. Ang Gabrielle na nakikita ng lahat na seryoso at may pagkasuplado ay kabaliktaran kapag kasama niya ang ina.
"Halika sa loob,nasa hardin ang Lola Veronica mo," agad na iginiya siya ng ina papasok ng bahay patungo sa may Hardin.
Nadatnan nila ang kanyang Lola Veronica na nakatitig sa kawalan. Matanda na ito at dahil sa edad nito naging ulyanin na ito at nakawheelchair na.
Lumuhod ang kanyang ina sa harapan ng Lola Veronica niya.
"Mama,nandito na po ang apo niyo!"masayang sabi nito sa kanyang Lola Veronica.
Wala naging reaksyon ang matanda. Humakbang siya palapit at tumayo ang ina. Siya naman ngayon ang lumuhod sa harapan ng abuela niya.
" Lola.."aniya sabay abot sa kulubot ng mga kamay nito. Masuyong hinaplos niya iyun at doon na bumaling ang tingin ng abuela sa kanya.
"Kamusta,Lola Veronica? Namiss niyo po ba ako?"
Blanko lang ang emosyon sa mukha ng abuela. Maya-maya pa ay umangat ang isa nitong kamay at dumapo iyun sa pisngi niya. Napangiti siya dahil kahit papaano ay naaalala pa siya nito o nakikilala pa.
"Apo..."
Hinawakan niya ang kamay nito sa pisngi niya. "Opo,Lola..namiss ko po kayo," tugon niya rito.
Nanatili nakatitig sa kanya ang abuela.
"Sana...magustuhan ka niya at magustuhan mo din siya..kapag nagkita na kayo," saad ng abuela.
Bahagya nangunot ang nuo niya sa sinabi nito.
"Mama..." paglapit na ng ina sa abuela niya marahil dahil nawiwirduhan din sa sinabi ng ina.
Maaga namahinga ang kanyang Lola Veronica kaya sila mag-ina ang magkasalo sa hapunan ngayon.
"Pagpasensyahan mo na ang Lola Veronica mo kung ano-ano na sinasabi..nitong mga nakaraan araw nga sinasabi niya lagi sa oras na magkita ulit sila ng kaibigan niya pwede na daw siya mamahinga ng tuluyan," untag ng ina mahihimigan ang lungkot sa huli nitong sinabi.
"Sobrang namiss lang siguro niya ang old friend niya,mom.."
Napabuga ng hangin ang ina. "Yun nga eh. Tayo nakakalimutan minsan pero hindi ang old friend niyang iyun," anito na binuntutan na ng maikling tawa sa huling sinabi."Marahil malaki lang talaga utang ng loob ni Mama sa kaibigan niya dahil sa kwento nga niya na niligtas at tinulungan siya nito noong nasa tyan pa ko ni mama...I want to meet her too,kaso. Paano naman?"
"Marahil kasingtanda na din siya ni Lola Veronica o di naman kaya nauna na," marahan niyang saad sa huling sinabi.
"Sabi ng Lola mo,immortal daw ang kaibigan niya," anang ng ina sabay kibit-balikat.
Natawa siya sa sinabi ng ina. "Si Lola talaga," nailing niyang turan.
Natawa na din ang ina. "Ewan ko lang kung biro lang yun ni Mama pero...habang sinasabi niya iyun parang isang napakalaking sekreto yun para sa kanya," sabi pa ng ina.
Napataas siya ng isang kilay.
"Ang weird.."
"Nakita ko nga ang litrato nila,isang beses medyo di ko lang natitigan yung mukha ng babae kasi agad na kinuha ni Mama. Ingat na ingat sa larawan iyun,tanging alaala niya na magkaibigan," dagdag pa ng ina.
Tumango na lamang siya. "I'm sure naman namiss din siya ng old friend niya," komento na lamang nya.
"Oo nga...kumain ka pa,medyo pumayat ka ngayon," pag-iiba na nito ng usapan.
Nasa isipan pa rin niya ang sinabi ng kanyang Lola Veronica .
Magugustuhan siya?
Magugustuhan niya?
Sino?
Ang kaibigan nito?
Na immortal daw?
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
مصاص دماءHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...