Kabanata 20

1K 69 4
                                    

Warning: 💦💦💦💦

Agad ng nakaramdam ng panlalamig si Alex nang makapasok siya sa loob ng bahay ni Rowena. Ang babaeng natipuhan niya na siyang empleyado sa Golf Club na pinuntahan nila ni Gabrielle ng nakaraan.

Agad na nilibot niya ng tingin ang kabuoan ng bahay. Malaki iyun at iilan lamang ang kagamitan kaya parang tuloy matagal na itong hindi tinitirhan.

Bukod sa malamig na nararamdaman parang ang bigat ng dating ng paligid. Hindi niya matanto kung ano iyun. Marahil malaki ang bahay at napakatahimik pa. Hindi rin maliwanag ang ilaw. Tatlong lampshades lang ang nakabuhay ay maliit lamang iyun kaya parang nasa lumang panahon lang ang itsura ng paligid.

"Kamusta?"

"Shit!"malakas na mura niya sa sobrang pagkagulat.

Nalingunan niya si Rowena na nakangisi. Napakaganda nito sa suot nitong kulay pulang bestida. Lalo lumutang ang kaputian nito.

Agad na kinalma niya ang gumagalabog na dibdib niya saka napakamot sa batok sa sobrang pagkapahiya niya.

"Sorry,nagulat lang ako. Hindi kita naramdaman na dumating,"napapahiya niyang sabi.

"Okay lang. Sorry,ginulat kita.."malambing nitong sabi.

Agad na may binuhay ito sa katawan niya habang malambing itong nakatitig sa kanya.

Tunay nga talaga napakaganda nito. Tila bang isa itong dyosa ng kagandahan!

Shit!

"Naghanda ako ng makakain mo,"untag nito sa kanya.

"Talaga? Pwede bang..."putol niya sa sasabihin at nilapitan ito. Agad na hinapit sa maliit nitong beywang. "..ikaw na lang kainin ko?"pilyo niyang pagtatapos sa sasabihin.

Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Iyun naman talaga ang sadya niya ang maangkin ang kagandahan nito at sigurado naman siyang hindi ito tutol lalo pa nga at pumayag ito na puntahan niya ito.

Mapang-akit na ngumiti sa kanya ang babae. Nahigit niya ang hininga ng idiin nito ang sarili sa ibabang bahagi niya. Napahigpit ang yakap niya rito.

"Pwede naman.."pabulong nitong sagot.

Gumapang ang mapupula nitong labi sa pisngi niya at panga hanggang sa may leegan niya.

Agad na nagtaasan ang balahibo niya sa batok ng maramdaman ang malamig nitong mga labi.

Malamig?

Ito ba ang malamig o yung lamig na kanina pa niya nararamdaman?

Nahigit niya ang hining ng marahan na inipit nito sa pagitan ng mga labi nito ang balat niya sa leeg.

"Baby..."anas niya na halos hindi na siya makahinga sa sobrang pananabik.

"You're so warm,"anas nito.

"Yeah,I'm so hot for you,baby.."saad niya sabay hagilap sa mga labi nito.

Mapusok na hinalikan niya ito kahit may kakaibang lamig iyun pero masyado na siyang nag-iinit sa pagnanasa sa dalaga kaya hindi na niya iyun pinansin pa.

Napaungol siya ng gumanti ng halik ang babae sa kanya.

Mas lalo lamang siya nabaliw sa babae sa pagtugon nito sa pagnanasa niya.

"Ohh yes,baby!!!"malakas na daing niya ng gumiling sa ibabaw niya ang dalaga.

Sa pahabang sofa na sila nagtalik dahil pareho na sila hindi makapaghintay pa para magtungo sa silid nito na nasa pangalawang palapag pa.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon