Kabanata 34

1K 75 7
                                    

Dapat naiexcite si Gabrielle dahil makakasama muli niya ang kanyang ina at Lola Veronica niya..pero may kung anong gumagabagabag sa kanya na hindi niya mahagip sa kasulok-sulokan ng isip niya.

"Parang hindi ka excited sa bakasyon mo?"pukaw sa kanya ni Hessah na siyang nagmamaneho ng kotse.

Nakipagtalo pa siya rito para siya na ang magmaneho pero sa huli sumuko na lang siya dahil giit nito mas mainam na ito na ang magmaneho dahil gusto nito matutunan ang dereksyon patungo sa bahay ng kanyang ina.

Napabuga siya ng hininga. "I don't know..kasi parang may nangyari na hindi ko maalala?"saad niya.

Sumulyap siya sa dalaga na tumango-tango. "Marahil nasa state of shock ka pa din,babe.."anito na may ngisi sa labi ng sulyapan siya.

Napaisip siya. Baka tama ito.

Inabot niya ang kanang kamay nito at pinagsalikop niya ang mga daliri nila.

"Hey,nagmamaneho ako,"natatawa nitong turan.

"Gusto kita hawakan,palit tayo?"

Napailing ito. "Alright,you can hold my hand,"anito na kinangisi niya.

"May gusto ako itanong,"saad niya.

"Hmm?"

"Bakit malamig ang balat mo?"deretsahan niyang tanong rito.

Saglit ito natigilan pero agad din nakabawi.

"Napansin mo pala,"sabi nito sabay tawa sa dulo.

Nangunot ang noo niya. Bigla niya naalala na may dapat pala siyang itanong rito.

"Yeah,why?"

Deretso ang mata nito sa unahan na tila ba naroon ang sagot.

"Actually,hindi ko din alam eh,i don't know,"natatawa nitong tugon.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Itinaas niya ang magkahawak nila mga kamay at pinakiramdaman ang malamig nitong palad habang nakatitig siya sa mga kamay nila na tila ba mahahanap niya roon ang totoong sagot.

Hindi lang naman kasi ang kamay nito ang malamig. Nang may mangyari sa kanila at sa tuwing magkalapat ang kanila mga katawan malamig talaga ang balat nito.

Tumikhim ang dalaga na siyang pumukaw sa kanya. Tumatawa ito na nilingon niya ito.

"Don't worry kung malamig man ang balat ko..hindi naman ako manlalamig sayo,palagi kitang paiinitin,okay ba yun?"pilya nitong sabi na agad naman umepekto sa buo niyang katawan.

"Damn,not here,babe...baka mabangga tayo,"daing niya na kinatawa nito.

"Ikaw kasi ang dami mong napapansin!"napapailing nitong saad.

Napabuga siya ng hangin. Gusto niya pa magtanong pero..para may pumipigil naman sa kanya.

"Alam kong marami kang gustong malaman tungkol sakin,babe..i will tell you everthing about me in a right time,okay?"untag nito sa kanya ng matahimik siya.

Tumango na lamang siya. Yes,malaking parte ng isip niya na gusto malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa dalaga dahil pakiramdam niya napakamisteryosa nito sa kanya.

Natanaw na niya ang lupain na pag-aari ng kanyang ina at Lola Veronica. Tinatahak nila ngayon ang mabatong daanan papasok sa lupain na pag-aari ng ina.

"Haciendero ka pala,"untag ng dalaga sa kanya ng makapasok sila sa may arko kung may nakalagay na VERNA VILLA

Nakangisi na nilingon niya ang dalaga na bakas ang mangha sa maganda nitong mukha.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon